Nang tumahan na ako ay doon lang ako pinakawalan ni Vince. Wala akong imik habang siya ay nakalagay ang magkabilang kamay sa pisngi ko at pinupunasan ang bakas ng luhang naiwan doon. "I didn't mean to--f**k!" Fustration is all over his face. Hindi ko alam kung yung pagpapabalik ba sa akin sa loob ang tinutukoy niya. Yes, probably. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang kumikislap niyang mga mata. Ba't nagkapasa siya sa gilid ng labi niya? Si Vincent ba ang gumawa nito sa kanya? Ano ang napag-usapan nila para suntukin siya ng kapatid niya? Is this what Cheyenne told him? He'll pissed his brother off? "Who...who did that to you?" tanong ko sa kanya. Hinahagilap ko sa mga mata niya ang maaaring maging sagot sa tanong ko ngunit nag-iwas agad siya ng tingin sa akin. Ayaw niyang b

