Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Vince pero nagkaediya lang ako nang sinabihan niya ang taxi driver na ihatid kami sa isang park. "Ba't alam mong may park doon?" tanong ko sa kanya. "Ellie told me. Doon siya madalas dinadala ni V habang nakikipaglaro raw sila sa mga bata." sagot niya. Napangiwi ako. Yung dalawang yun magkasundo nga ata. Hindi ako gaanong mahilig sa bata. Yung tipong naeexcite agad ako pag nakakakita ng mga paslit na naglalaro. I just stared at them. They're cute but I don't have to act like one. Ganoon ata si V 'tsaka si Ellie. "Ba't mo ako naisipang dalhin sa Park? I thought you want me to rest?" Kumunot ang noo ko. Tahimik lang siyang nakasandal sa upuan. Parang ang lalim ng iniisip niya. "Sabihin mo nga, gusto mo ba talagang maghotel tayo ngayon?" Nagkasal

