Paglabas ko ng bahay ay mukha agad ni Vince na nakasandal sa gilid ng pader ng bahay namin ang bumungad sa akin. Nakabulsa ang dalawa niyang kamay habang nakapiko ang isa niyang paa at nakatukod sa pader. At meron ring puting stick sa bibig niya. Model ba ang lalaking ito? "Vince." Tawag ko sa kanya sanhi para mapalingon siya sa akin. Naglakad siya patungo sa akin. What's with the lollipop? Ba't siya kumakain niyan ng napakaaga? Kinuha niya ang puting stick na nasa bibig niya at inilabas ito. Kulay mint ang ulo nito. Milkita? "Hey... let's go?" Lumapit siya sa akin at kinuha ang purse ko. Seryoso nga siya bilang pagiging boyfriend ko. Sumakay kami ng taxi. Pinagbuksan niya pa nga ako ng pinto. Ibinalik niya ulit ang lollipop sa bibig niya. Sandali akong napatitig doon. "Why are you e

