Joseph POV....." Napag pasyahan kung bigyan ng isang malaking Salusalo ang pag harap ko sa aking mga kamag anak. Ipapalasap ko sakanila ang mga bagay na Pinag kait nila samin ng aking kapatid nuon. Naalala kupa kung paano nila hayaang nakatingen lamang habang kumakain sila. Kahit gutom na gutom na noon si Carlo at umiiyak na ito sa gutom ni kaunting pagkain hindi manlang nila kame mabigyan. Pinatuloy nga nila kame sa kanilang bahay pero ang lugar na pinatutulogan nila saming magkapatid ay dating kulungan ng kanilang alagang hayup. Kamag anak nila kame pero kung tratuhin nila kame daeg pa ang ibang tao.mabuti pa ang isang katulong may sahud at maayos na tulogan at pagkain pero kame ng kapatid ko ni minsan hindi nila itinuring na tao. Kaisa isang tao na mahalaga sakin

