Jose POV ..""
Nakauwi na ako galing sa School masaya kung binigay ang dala dala kung chocolate sa aking kapatid at kitang kita sa mukha nito ang kakaibang saya." Nagawa pa ako nitong yakapin at halikan sa pisnge." Anak andyan kana pala kanino galing ang mga chocolate nayan anak." Saad sakin ni Inay." Galing posa kaibigan ko Nay kay Abel po padala po siguro ng magulang n'ya galing ibang bansa sagot ko naman.."
ang bait takaga ng kaibigan muna Yan sak sino paba yong isa mong kaibigan si ano.." si kath po Inay." Oo nga kagandang babae nun bagay kayo anak." Gwapo ka at maganda naman s'ya." Nako Inay malabo yon baka sila ni Abel bagay papo saka wala papo sa utak ko ang mga ganyang bagay ang dapat kung unahin ngayon ay mag aral." Nako anak bata kapa mag enjoy ka muna sa kabataan mo."
Lumipas pa ang mga araw pansin ko ang kabaitan sakin ng mga kaibigan ko lalo nasi Abel minsan dinadaanan pa ako nito sa bahay para isabay sa kanyang Service kung minsan naman madadaanan ako nitong naglalakad kaya ayon nakakalibere ng sakay minsan nga nahihiya na ako dahil kahit ang baon n'ya binibigyan pa ako." Minsan nga Pinag tataguan kunalang s'ya dahil sa hiya halos kasi araw araw nyang inaalok sakin ang kanyang pagkain subrang bait n'ya sakin samantalang ako ito at wala manlang maibigay na kahit ano sakanya."
Tol Jose tawag sakin ni Abel habang pauwi na kame galing sa paaralan isang hapon." Bakit ka nag lalakad Abel diba may Service ka asan na." Ayon pinauna kuna gusto kung sumabay sayo sa pag lalakad para naman masubukan kung mabanat itong buto buto ko." Nako Abel mapapagod kalang kung ako sayo sasakay na ako para makauwi ka ng maaga.." Sus kung ikaw nga halos araw araw nag lalakad ako pa." Kaya ko ito ako paba."
Tara na sabay tulak nito sakin at tumakbo ito naghabulan kame pauwi ng bahay para kaming mga bata kahit 16 na kame noon pareho sa edad namin hindi na bagay samin ang mag habulan simpre pang bata lamang ang gano'ng gawain." Nag tatawanan kaming dalawa at Diko namalayang malapit na pala kame sa bahay nag aagaw ang dilim at liwanag na nun at hindi kalayuan kitang kita namin ang mga taong nag kakagulo malapit sa aming bahay."subra akung natakot at nag alala para sa pamilya ko lalo nasa bunso kung kapatid nasi Carlo."
Mabilis kaming nag tatakbo papunta sa aming bahay." Jose Jose yong bahay n'yo nasusunog sigaw ng isa sa mga kapit bahay namin." Lalo akung kinabahan umiiyak na ako ng makalapit kame kita ng dalawa kung mata kung paano masunog ang maliit naming bahay." Bunso Inay umiiyak kung sigaw lalapit na sana ako pero hinawakan ako ni Abel para di ako makalapit." Jose wag masyadong malakas ang apoy baka mapahamak ka tol pleas dito kalang inakap ako nito habang sabay na kaming umiiyak Abel si Carlo at si Inay."
Maya maya pa patakbong lumapit sakin si Carlo na halos mapaos nasa kakaiyak." Agad ko syang yinakap at medyo nakahinga na ako ng maayos ligtas ang kapatid ko." Kuya si nanay si nanay naiwan sa loob kuya nauutal na saad ng kapatid ko." Sa dame ng taong tumolong samin sa kasawiang palad hindi nakaligtas si Inay sa sunod ang sabe ng mga kapitbahay nagulat nalang daw sila ng mabilis na kumalat ang apoy at naunang iligtas ni Inay si Carlo pero nag lakas ng loob itong iligtas pa ang natitira naming gamet pero hindi na ito nakalabas pa ng bahag." Dahil gawa sa kahoy mabilis itong natupok."
Walang natira samin pati ang nag iisang tao na nagmamahal samin ng kapatid ko nawalang parang bula." Ano man ang gawin ko at pag iyak na gawin ko wala akung magawa." Habang si Carlo naman ay walang tigil sa pag iyak at hinahanap si Inay." Kailangan kung maging matatag para sa kapatid ko." Nawala si Inay pero andito pa ang nag iisa kung kapatid kailanga kung maging matatag sa buhay para sakanya kakayanin namin ang hamon na ito alam kung may dahilan ang lahat kung bakit ito nang yayare samin." Ilang araw na Pinag lamayan ang katawan ng Inay dahil sunog na sunog ito hindi na namin s'ya makilala pa." Ang sakit lang isipin na ang sakit ng sinapit ni Inay mag mula nuon puro hirap ang kanyang naranasan pati ba naman sa huling buhay n'ya hirap parin."
Tol mag pahinga ka muna saad sakin ni Abel ng lumapit ito sakin kalung ko noon ang aking kapatid na nakatulog nalang sa kakaiyak." Tol wala ng natira samin paano na kame ngayon ng kapatid ko masyado pa kaming bata para mawalan ng magulang." Sana sama sama nalang kaming kinuha ng diyos umiiyak kung saad kay Abel."
Tol wag kang magsalita ng ganyan alam kung may dahilan ang diyos kaya nangyare ang lahat ng ito." kailangan mong magpakatatag para sa kapatid mo paano nalang s'ya kung pati ikaw ay susuko isipin mong maayos na ang inyong Inay sa langit doon hindi na s'ya mag hihirap pero malulungkot s'ya pag makikita nyang Pinang hihinaan ka ng loob ngayon na ang huling gabe na makakasama mo ang inyong Inay kaya magpakatatag ka andito kaming mga kaibigan mo at lalo na ako hindi kita Kababayan tol wag kang mag alala."