'HUWAG kana kayang umuwi One? Pwede naman siguro 'diba? Kahit isang gabi lang? Idahilan mo na may group study kayo nila Ara.' Naiinis na pumadyak pa ako sa harap ng locker room, ramdam ko pa din hanggang sa pagpasok ko ang kagagahang ginawa ko kahapon. Ginawa ko talaga ang lahat para iwasan si Ashton, at ramdam ko naman na iniiwasan niya din ako. Walanghiya naman kasi eh! Kung kailan ayos na ang lahat saka pa nangyari 'yon! Sa tanang buhay ko ni walang sino man ang nakakita ng ganong ayos sakin. "Malay ko ba naman na susundin pala niya ako? Bakit hindi kasi kumatok man lang?" Bulong ko pa, huminga ako ng malalim saka ko nilagay doon ang notebook ko at ni-lock 'yon. Tumalikod na ako para magtungo sa cafeteria, may isang subject pa akong papasukan at pagkatapos non ay makikita ko na

