"IT'S just a smoke prank granade..." Kahit madilim ay binalingan ko si Ashton, hindi ko alam kung minuto o oras na ba ang tinagal namin dito. Hanggang ngayon ay wala pa din akong naririnig na tao sa labas para mahingian namin ng tulong. Nakalimutan ko naman ang cellphone ko sa van kaya hindi ko tiyak kung nasaan na si Veronica. 'Yung usok na kanina ay bumabalot dito sa loob ng storage room ay unti-unti ng nawawala. "Wala ka namang sakit na hika hindi ba?" Tanong ni Ashton. "Oo, mas matibay resistensya ko kumpara kay Veronica." Sabi ko sakanya, narinig kong mahina siyang tumawa. Tumingala ako. "Hindi ba gumagana ang switch dito?" "Yeah, ginagawa ang hilera ng hallway nito papunta doon sa faculty room. Napansin mo ba kung saan galing ang usok?" Bigla kong naalala ang

