"KAPAG talaga tayo nahuli dito dahil sa mga pinaggagawa mo. Malilintikan ka talaga sakin!" Pairap na binalingan ako ni Veronica. "It's okay Yvonne, you don't have to worry about it. Saka pinag-usapan na natin 'to 'diba? Ikaw ang backup ko, ako ang boss mo." Sabi niya saka muling sumilip. Inirapan ko siya. Sinasabi ko na nga ba eh, hindi magandang idea 'to. Hindi ko alam kung ano na namang pinaggagawa ng Veronica na 'to sa mga araw na nasa bahay siya. At ngayon ay bigla na lang niya akong tatawagan para daw samahan siya sa pagsunod sa kuya Ashton niya at ng Helena na 'yon. Para kaming engot na nag-sa-spy dito sa parking lot ng car race venue ni Carson. "Oh s**t! They're here..." Anas ni Veronica, mabilis kaming nagtagong dalawa sa gilid ng van. Unang sumilip ang ulo ni Veron

