NAKIUSAP ako kay Atri na samahan akong lumabas kinabukasan pero tumutol ang lalaki sa aking balak. Ayaw n’yang pumayag na lalabas ako na hindi pa maayos ng husto ang aking pakiramdam. Marami siyang sinabi sa akin na para namang kuhang kuha agad ang pagsang-ayon ng aking utak. Oo at tango lang ang nagawa ko sa kanya.
Pero sa lahat ng kanyang sinabi, ang tandang tanda ko “Lalabas tayo kapag kaya mo ng maglakad ng diretso at hindi nangiwi ang magandang mukha na iyan kapag nagkamali ng kilos o hakbang. Gusto kong okay ka at maayos ang lahat.”
Dahil determinado ang lalaki sa kanyang pagtanggi ay wala akong nagawa. Tinitigan niya pa ako sa mga mata waring sinusuri ng maige.
Hanggang balcony lang ang gala na ginagawa naming dalawa ni Atri habang buhat buhat niya ako. At masasabi ko na nakakabaliw pala at nakaka-thrill ng sobra ang makipag-landian o harutan sa karagatan. Para bang ngayon palang ako nagsisimulang magdalaga at matutong gumawa ng mga bagay, na ipinagbabawal ng mga magulang.
“May magulang ka ba na magbabawal?” asik na tanong bigla ng isang bahagi ng aking isip.
Natatawa na lang ako ngayon, iba man ang pinatutungkulan ng mga sinabi ni Atri sa akin, pero tama siya. Nakakapagod ang maghabol sa mga bagay na hindi naman talaga namin makukuha, lalo na sa mga taong laging nagbubulag-bulagan sa presensya ng isang tao na handang gawin ang lahat maging bahagi lang ng kanyang mundo.
Make out lang talaga ang nagawa namin kahit tempt na tempt kaming humigit pa doon ay ‘di namin ginawa, dahil hindi talaga kakayanin ng pagkabàbàe ko ang pasukan pang muli ng kanyang kargada na mapaniil.
Baka hindi na lang maging chicharon na bulaklak ang pempem ko, at baka pati bahay bata ko bumigay at maging scramble matris. Sayang naman ang lahi.
Pansin ko dahil sa pakiusap ko sa lalaki hindi ito masyadong umaalis sa aking tabi. Tulad ngayon tulog ito habang nakalingkis sa aking katawan. Akala yata ng lalaking ito ay tatakasan ko siya.
Kanina sa tabi ko ay hinarap niya ang laptop. Sa totoo lang buong akala lahat ng mga lalaking pumunta o sumama sa cruise na ito ay kasiyahan, kamunduhan at kaadikan sa iba’t ibang uri mga bagay ang pakay na dito lang matatagpuan. Mali na naman ako, sa kaisipang iyon dahil si Atri ay nagtatrabaho pa rin.
Ang isa pa sa nakakatuwa sa lalaking ito ay lantaran n’yang pinapakita sa akin ang kanyang mga ginagawa. Lahat nakikita ko pero hindi gano’n kalinaw. Ayaw ko ring makisawsaw o usisa sa kanya. Pero halos lahat ng negosyo niya ay legal pero wala namang perpekto, lalo na sa mga businessmen na nandito. Lahat sila may baon na kanya kanyang baho.
Minasdan ko ang mukha ng lalaki. Sa unang tingin makikita ang pagka-banyaga ng kanyang pisikal na anyo. Ngunit kung pagmasdan ay makikita ang karismang tatak Pinoy.
“Ang gwapo mo naman. Kung sana ikaw si Mr. Alberici—” Kusa akong natigilan sa aking sinasabi ng maalala ang tungkol sa lalaki.
“Paano ko siya mahahanap?” Tanong ko sa aking sarili.
Balita ko kasi ay mailap ang lalaking iyon. Isang beses lang ang pagkakataon na binibigay niya sa babaeng pumapasa sa kanyang panlasa.
Hindi ko namalayan na hinahaplos ko na pala ang mukha ng lalaki, natigilan lang ako ng may humawak sa aking kamay sabay halik.
“Nakatulog pala ako. Ikaw baby nakatulog ka ba?” paos na tanong ng lalaki sa akin.
“Hmm…Hindi. Sobra na ako sa tulog, kaya binantayan na lang kita.” sagot ko sa lalaki. Kalahati na katotohanan at kalahating hindi ang naging tugon ko sa lalaki na panay ang halik sa aking kamay. Marami kasing dumaan na kung anu-anong mga isipin sa aking utak.
“Inip na inip ka na ba rito? Gusto mo na ba talagang makita ang pakay mo?” tila may kakaibang twist sa tanong ng lalaki sa akin. Nahihimigan ko rin na parang may selos siyang nararamdaman. Mahirap man paniwalaan pero hantad sa kilos niya ang kanyang pagka-selos.
“Naiinip na rin, gusto ko kasing mag explore sa lugar na ito—”
Napahinto ako ng sumiksik ang mukha ng lalaki sa aking tiyan. Nakikiliti ako lalo't panay ang salita niya na hindi ko naman maintindihan, tapos susundan ng buntong hininga.
Matagal na nasa gano’n na pwesto ang lalaki bago walang babala na bumangon paupo tsaka bumaba ng kama at dumiretso sa banyo. Gulong gulo ako sa kilos ng lalaki. Mula ng pumasok siya sa loob ng banyo ay hindi ko na inalis ang tingin doon.
Tumagal ang pananatili ng lalaki sa loob ng banyo at ng lumabas ito ay hubo’t hubad naman. Naligo siya, ang nakakainis pa ay hindi niya man lang ako tinitignan.
“Anong kasalanan ko sa kumag na ito?” Biglang tanong ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Sobrang daya ng lalaki. Nakakatakam ang bawat parte ng maskulado niyang katawan. Hindi kasi iyon tulad ng kay Taguro, ang kay Atri ay parang normal body niya talaga.
Tumuloy ang lalaki sa lagayan ng mga damit, nagbihis ito habang natatanaw ko ang kanyang mukha na walang emosyon.
“May regla ka ba?” Tanong ko sa lalaki na dapat ay sa isip ko lang pero naibulalas ko pala.
Tumingin ang lalaki sa akin ng matiim bago ngumisi.
“Ikaw ang dapat kabahan baby baka kasi hindi na dumating ang buwanang dalaw mo.” asik ng lalaki sa akin sabay taas ng garter ng kanyang brief.
Napatingin tuloy ako doon at napalunok. Tulog pa kasi ang laman ng brief pero malaki na talaga, kaya pala halos mamatay ako sa aftershock ng aming pagsasanib ng aming mga kaselanan.
“Wag mong titigan baka magising, mahihirapan akong pakalmahin ito. Unless tutulungan ako ng mga kamay mo at bibig.” playful na ani ng lalaki dahilan para irapan ko ito. Ngumisi lang siya tsaka nagpatuloy magsuot ng damit. Matapos magbihis ay lumabas na ang lalaki na walang paalam man lang.
Inis na inis ako sa ginawa niya. Parang bigla siyang nagbago. Ngunit ng maalala ko ang sinabi niya ay kinabahan ako bigla.
“Paano nga kung pumalya na ang regla ko? Hindi pwede!” Wala sa sariling tanong ko, sabay kuha ng aking phone ay search tungkol sa kung paano ba mabubuntis agad at ano ang dapat gawin para hindi agad mabuntis?
Napasa-bunot na lang ako sa aking buhok ng matansta na tagilid nga ako.
“God! Wag naman sanang gano’n pagsubok ang ibigay mo sa akin. Hindi, never mo pa naman ako pinabayaan.” Balisang ani ko sabay subsob sa unan.
Meanwhile.....
NAIINIS ako, kung pwede lang na hindi lumabas ng silid si Honey hanggang matapos ang buong cruise. Mas gusto k0 siyang kasama sa loob ng aking silid.
“Anong kailangan Sir?” bungad ni Cleo sa akin na tanong.
“Merienda?” patanong na sagot ko sa lalaki.
“Nagpa-handa na po ako. Something wrong?” tugon naman ni Cleo.
“Wala. Na stress lang ako.” sagot ko naman sa lalaki.
“Dahil?”
“I get it! Dahil gusto ng mag explore ni Ms. Honey. Pinaghandaan naman natin ‘yan. Walang sa saling o makikialam sa kanya kahit lumabas o magpa-gala-gala ko siya sa buong barko. Bawasan mo na lang ang pagiging seloso mo.” sagot ng lalaki sa kanyang tanong. Tila na dali naman ng lalaki ang aking problema.
“Wag kasing basta mag seselos kapag walang karapatan. May mga nagtitikiman talaga na wala namang label.” dagdag na ani pa ng lalaki sabay layo at sipol.
Hindi ako sumagot pero sinisibat ko siya ng pamatay na tingin. Kahit wala kaming label ay aangkinin ko siya sa salita at sa gawa.
“Kapag kasi inggit tumuwad na lang!” Bulong na ani ko na biglang tinawanan naman ng lalaki.
“Pikit iyon.” sigaw ng lalaki sa akin.
“Binago ko na ulol!” ganting ani ko sa lalaki sabay upo sa sofa.
Hindi muna ako babalik sa loob dahil sa nararamdaman ko pa rin ang galit, inis at nakakamatay na selos. Baka lang sampalin ako ng babae sa katotohan na walang kami.
But for me the moment she step in, in this cruise; pag-aari ko an ang lahat sa kanya. Alam ko naman na sa pagdaan ng araw pati puso n'ya magiging akin din.
"No one can get you away from me. Akin ka. Walang hindi ginusto ang isang Alberici na hindi n'ya nakuha." Anas na ani ko habang nasa pinto ng silid ang aking tingin.