Tempted_16 Tweety bird‼️

1713 Words
“Katam-es naman! Kainaman na kayong dalawa. Truth hurts ba talaga? Kainaman gumanti, muntik na akong na rape sa elevator!” Mula sa pa sweet naming pagkain at bonding ni Atri biglang may kumuda sa aming tabi. Natatawa pa ako sa sinabi ng lalaki. Kakaiba ang accent niya, hindi ko sukat akalain na sa mistiso, maskulado at gwapong lalaking ito ay talagang may dugong pinoy at tagalog. Cleo is a type of man and person na may kakaibang personalidad. Maraming lihim ang tila nakabalot sa kanyang pagkatao. Lihim na hindi ko naman nais malaman o ungkatin. Mas maige na civil lang ang aming pagkakakilala sa isa’t isa kaysa humigit pa. “Aba! Talagang deadma pa ang mga persons.” ani muli ng lalaki sa amin ni Atri. “Shut up Cleo! Umupo ka na sa kabilang table at lubayan mo kami ng baby ko. Sinisira mo ang vibes ng date namin.” malditong ani ni Atri kay Cleo na parang gulat na gulat pa kuno. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa. “Sobra na kayo sa akin! Hindi n’yo man lang iniisip ang wellbeing ko matapos muntik halayin ng limang mga tigang na babae.” madrama na tugon naman ni Cleo kay Atri. Ang huli naman ay lalong sumama ang mukha kaya napa-halakhak na ako ng tuluyan. “Don't make a scene Cleo. Limang babae? Sampu nga kayang kaya mong sibakin ng sabay-sabay sa isang kama. Stop pooling around. Move, or I'll kick your ass?” wala sa mood na ani ni Atri. He looks so pissed but still oozing hot in s*x appeal and handsome in a very unique way. Napakagat labi tuloy ako ng wala sa oras. Hiyang hiya tuloy ako ng mapatitig si Atri sa akin na para bang namamangha. “Ay wala na finish na talaga! I wish you all the best in life, love birds.” ani ni Cleo bago pumanta sa kabilang table. Hindi naman nagtagal ay may naghain na rin ng pagkain sa table ng lalaki. “Cleo is such a nice person—” “Yeah! But Cleo is not what you think, just like me. Marami kaming mga bagay na nagawa o ginagawa na baka hindi mo kayang tanggapin—” “No! Stop saying that. Ang mahalaga sa'kin ay ang ngayon. Bahala na ang mga bagay na nagawa mo noon. Beside tingin ko, itong ngayon ay hindi naman basta laro ‘diba. I feel you.” Ani ko sa lalaki na titig na titig naman sa akin. “Yes, pero pwede bang mag enjoy na lang muna tayo.” tugon naman ng lalaki sa akin. Okay sa akin ang gusto n’ya, but I'm kinda expecting more from him. Gano’n pa man ay hindi ko pinahalata kay Atri ang aking naging pagkadismaya. Nagpatuloy kaming kumain, walang nagbago sa pakikitungo at pag-asiste sa akin ng lalaki kaya naman pinilit ko na limutin ang aking disappointment na naramdaman. Nagawa ko naman kahit na panaka-naka na sumisingit iyon sa aking isip. Sobrang sarap ng mga pagkain unang tikim ko palang kanina, pero dahil sa pagbabago ng aking nararamdaman parang hindi ko na iyon malasahan. Ito talaga ang problema sa akin, masyado akong nag-expect at naghahangad ng sobra. “Gising Honeylette Salazar! Hindi love life ang pinunta mo sa lugar na ito. Just focus, so you don't get hurt and disappointed. Stop acting like a woman, na hindi kayang mabuhay na walang lalaki. Nakatikim ka lang ng títí pero hindi mo kailangan noon palagi!” Sigaw na kastigo ng isang bahagi ng aking isip. Dahilan para bumalik ako sa dati at normal. Ngumiti ako sa lalaki at muling nakagalaw ng normal at maayos. Nagpatuloy kami sa pagkain, mas naging mapanuri ako sa bawat galaw at kilos ni Atri kahit ni Cloe. Batid ko na nararamdaman ng lalaki ang medyo pagiging formal ko sa kanya kaya naman ibinalik ko rin agad ang pagiging palagay. Madali ko lang namang nagawa dahil tila sanay na ang aking katawan na madait sa katawan ng lalaki. Naramdaman ko naman ang tila pananabik ni Atri, dahil hindi niya na ako binatawan. Namasyal ulit kami habang nakabuntot si Cleo sa amin na panay ang bulong. Nang maka-lipat-lipat kami ng ilang mga store ay bumulong ang lalaki sa akin. “Tomorrow night, maglalaro tay0 sa casino. Be my lucky charm baby.” bulong ni Atri sa akin na talagang nagpanginig ng buo kong laman. Kakaibang saya at pananabik ang aking nararamdaman dahil sa kanyang sinabi. Alam ko naman na hindi ko makikita o makikilala si Alberici sa ganitong lugar, dahil tiyak akong nasa casino o sa ibang palapag siya namamalagi kung saan puno ng thrill at waldasan ng pera ang ginaganap. “Sure, I will be your lucky charm Love!” kumpayansa naman na sagot ko naman sa lalaki tsaka ako hinila sa isang store na panay panlalaki naman ang tinda. “Your turn baby. Ikaw naman ang pumili ng mga damit na susuotin ko.” malambing na sabi ni Atri sabay harap sa akin sa kanya. “Why me—?” “I trust you baby ko.” putol naman ni Atri na sagot sa aking tanong na hindi na natapos. “Okay, basta suotin mo ang mga pinili ko.” kagat labi na ani ko sa lalaki na sunod-sunod namang napalunok. Natatawa ako na yumakap sa bewang ng lalaki, na agad namang gumanti sa akin. Nang bumitaw na ako sa lalaki ay nagsimula na akong mamili ng t-shirt at mga polo shirt, pero hinila ako ng lalaki at sa mga underwear ako dinala. “Dapat dito ka magsimula baby gaya ng ginawa ko.” pilyong ngiti ang nasalamin ko sa kanyang labi kaya napataas ang aking kilay. Napamulagat naman ang mga mata ko ng dumila ang lalaki sa kanyang labi sabay kindat sa akin. Nang mag sink in sa akin ang kanyang mga sinabi ay lalo akong namangha sa lalaki. Nang bumalik ako sa wisyo ay agad kong hinawakan ang unang brief na aking nakita. Halos mag mura ako dahil sa laki ng espasyo para harapan o para sa kalsuhan ng alaga. Napatitig ako doon at inalala kung gaano ba kalaki ang alaga ni Atri. Baka kasi magkamali ako at masakal ang alaga niya. “Baby—” “Hindi ito kasya. Maliit masyado. Masasakal ang mananakop n’ya!” wala sa sariling ani ko na ikinatawa naman ni Atri. Tinaas ko ng kilay ang lalaki na mas lalong natawa. Ngunit ng nakita nito na ‘di ako natatawa ay tumigil na ang lalaki. “Sorry baby! XXL ako sa front and back size. Balanse naman lahat sa akin, ikaw ang buhay na patunay ng pagiging legit nito.” may tawa pero nangingibabaw ang lambing na ani ng lalaki sabay halik sa aking ulo. Naiinis man ako pero okay na rin. At least alam ko na ang sukat niya. Agad akong nag-hanap ng mga brief at boxer. Ngunit may isang halera na nakakuha ng aking atensyon. “No baby! Wag ‘yan please.” agap na pakiusap ng lalaki sa akin. “No! Ako ang masusunod.” saway ko sa lalaki na walang nagawa kundi ang tumango na lang. Pumili ako ng mga brief na kuha sa sukat ng lalaki, ngunit ang plot twist ay mga animal and cartoon characters ang design na nasa gitna pa talaga. Nang mapili ko na ang lahat ng mga design na gusto ko ay masayang masaya akong humarap sa lalaki. “Done na sa mga underwear. And I'll make sure na masusuot mo lahat ng ito. Mula ngayon ako na ang maghahanda ng isusuot mo.” Proud na ani ko. Oo na pala desisyon ako. Bakit ba? Ang mahalaga mag enjoy ako habang kasama siya. Kinuha ng sales lady ang mga underwear na pinili ko at gaya kanina si Cleo na ang bahala doon. “What the f**k?!” Natatawa na mura ni Cleo. Hindi ko naman mapigil ang pag-ngisi na aking nararamdaman. “Inggit ka ba Cleo?!” Gigil na tanong ni Atri sa lalaki kaya naman napabunghalit na ako ng tawa. Dahil sa pagtawa ko niyuko naman ako ng lalaki, bilang pampalubag loob tuming-kayad ako agad at dinampian ng halik ang lalaki sa kanyang labi. “Trust me bagay sa'yo ang mga ‘yan. Lalo na si Tweety bird. Shít! Oh your freaking bird.” seryosong ani ko sa lalaki na biglang nauwi sa kalokahan. Walang nagawa ang lalaki kundi tumawa na lang din, sabay hatak sa akin sa mga men’s wear. Akala ko pipili na ako agad pero nilapa pa ng lalaki ang aking labi na hindi ko naman tinanggihan at inuurungan. Nahinto lang kami ng may taong tumikhim sa aming likuran. Isang lalaki na para bang nanunuya at naghahamon ng away kay Atri. “Atri…. Akala ko pa naman you don't do make out. Pero sa nakita ko malala ka rin pala—” “Mind your own business. Hindi ka namin pinakikialaman kaya wag mo rin kaming pakialam. Go away and find your own partner.” Putol ko sa lalaki sa nagtataray na tono. “Whoa! Babae na pala ang tagapagtanggol mo—” “Co’z you're not worthy to argue. Sa akin lang wala ka ng panama, kaya tigilan mo ang pag-provoke kay Atri.” Putol kong muli sa lalaki na halatang galit na galit na. “Leave Mr. Diaz, wag mong sagarin ang pasensya babaeng kaharap mo at baka ang impyerno na mismo ang kusang lumapit sa’yo.” Singit ni Cleo dahilan para umalis ang lalaki. “Nakakainis! Daming bwisit sa date na to. Uwi na nga tayo sa room.” Dagos na sabi ko kay Atri. “Attitude pa more baby.” panunudyo ni Atri sabay hila sa akin papunta sa exit. Ang pangit talaga ng naging date namin, mas mabuting sa loob na lang kami ng silid at mag relax para naman lakas ako tomorrow night. Naging magaan ang aming paglalakad pabalik sa silid. Panay ang ngisi ni Atri at kitang kita ko iyon sa salamin. Pagpasok namin sa loob ng silid ay agad kong kimompronta ang lalaki na tinugon lang ako ng malakas na tawa at sunod-sunod na pupog ng halik. Gano'n kabilis nawala ang inis ko sa lalaki. Ngayon palang nakikita ko na ang aking sarili na malulunod sa kakaibang damdamin kung hindi ko ito agad susupilin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD