NAKAKULONG ako ngayon, pagkakulong na nakalululong at nakahahalina ng sobra. He was still hugging me kahit na humihilik na siya. Pilit ko mang hanapin sa mukha ng lalaki ang kapintasan ay wala akong makita.
Para bang perpekto ang bawat parte ng kanyang mukha. Bigla tuloy akong nakaramdam ng curiosity. Para bang nais kong makilala ang dalawang tao na may gawa sa lalaking ito.
Nagising lang ako dahil sa isang hindi magandang po panaginip tungkol sa aking pamilya partikular na sa isang babaeng lumuluha habang nakatabaw sa akin.
Kanina ay nauna akong makatulog sa lalaki matapos naming maging sobrang wild sa kama. Alam ko naman na bukas mararamdaman ko na ang bunga ng ginawa naming dalawa ni Atri.
Napangiti ako ng gumalaw ang labi at ilong ng lalaki. Nag-sumiksik naman ako lalo sa kanya, para maramdaman ko ang init na mula sa katawan ni Atri.
“S-sleep na baby ko, baka hindi ka makabangon bukas kapag nagising ang natutulog kong alaga.” bulong ng lalaki kaya naman mahina akong natawa, kasabay ng pag-higpit ng kanyang yakap sa akin.
Nanatili akong dilat at nakikiramdam sa bawat pintig ng puso ni Atri. Mukhang hindi lang ako ang napagod, dahil mabilis nakabalik sa pagtulog si Atri.
Hindi rin naman nagtagal ay naging panatag na ang aking pakiramdam, hanggang sa makatulog na rin ako.
**********************
KINAUMAGAHAN naalimpungatan ako na para bang may galit na lalaking nagsasalita. Tanging isang tinig lang ang aking narinig.
Hindi ko pa gaano maunawaan dahil hinahatak akong muli ng pagtulog. Pilit ko namang nilabanan, ngunit nawala na ang nagsasalitang boses lalaki.
“Damn that Salazar! I can't believe that a father can ruin her own daughter’s refutation for the sake of money!”
Sa isang iglap lang nilayasan ako agad ng antok. I don't know kung sino ang sinasabi ng lalaki na ngayon ay klaro ko ng nakikilala. Namagitan muli ang katahimikan at patuloy na naman akong nakiramdam sa paligid.
“Cleo, yeah about that! Make him pay. And please stop the rumor about that woman and I. Naaalibadbaran ako sa isyu na ‘yan.” Muling ani ni Atri, na nagpa-pagundong ng aking dibdib kasabay ng iba’t ibang ideya o scenario na agad uminog sa aking isip.
“I'm possible!” hiyaw na ani ko sa aking utak.
“Hindi pwede. Hindi kilala ng pamilya ko ang lalaking ito, gano’n din siya sa amin. No. Mali lang ako ng rinig at intindi sa kanyang sinabi.” Dagdag na ani ko pa sa aking isip.
Dahil sa sandaling pagiging in denial o aligaga hindi ko namalayan na sumampa na pala si Atri sa kama. Good thing na nanatiling pikit ang aking mga mata.
Nagsimulang humalik sa aking noo, mata, ilong at pisngi ang lalaki bago tuluyang sunod-sunod na paulanan ng halik ang aking labi. Bahagya lang naman akong gumalaw pero hindi pa rin dumilat bilang pagpapanggap na galing ako sa malalim na pagtulog.
“Wake up baby, you to eat. It's nine in the morning already.” Bulong ng lalaki sa akin, pero bilang pagpapanggap ay hindi pa rin ako dumilat bagkus ay umungot lang.
“Pagod na pagod yata talaga ang baby ko.” malambing na sabi muli ni Atri. Doon ay dumilat na ako. Nasilayan ko ang kanyang mukha na maamo at gwapo. Pero tila may bumubulong sa akin na wag basta magtiwala at magpasakop sa lalaki.
Pasakop! Literal na sinakop ng lalaki ang aking labi ng tuluyan akong dumilat. Wala akong magawa kundi ang hayaan siya at tugunin ang kanyang mapaghanap na halik.
Nang maghiwalay ang aming mga labi, ramdam ko ang pangangapal doon. Kitang kita ko naman ang pangingintab ng labi ni Atri mula sa pinagsama naming laway.
“Let’s eat then, sasamahan kita sa salon and spa to have some treatments. I know you're drop dead gorgeous, no doubt about that. But you need to pamper yourself. Mamayang gabi tiyak na ikaw ang hahangaan ng lahat, mapa-babae man o lalaki. But sorry to them co’z your mine.”
Biglang nagliwanag ang paligid para sa akin dahil sa sinabi ng lalaki. Tama siya I need to have some treatments para naman ak0 ang mag shine mamayang gabi ng sa gano’n ay mas madali kong mahanap si Mr. Alberici. Mali pala siya na ang hahanap sa akin kapag nakuha ko ang kanyang atensyon dahil sa taglay kong ganda at appeal.
“Okay, but please join me. Mas masaya at masarap magpa-treatment kapag may kasama.” Ani ko naman sa lalaki.
“B-baby I think it's—”
“If you don't want to join me, then wag na lang. Mamayang gabi mag buro na lang tayo dito.” putol ko sa lalaki na natigilan naman.
Mukhang mahalaga ang pagpunta namin mamayang gabi sa casino dahil natigilan ang lalaki.
“Okay lang sa akin na maburo sa silid na ito—”
“You won, baby. I’ll join you. But first let's have breakfast.” sumusukong ani ng lalaki na pumutol sa aking sinasabi. Ngumiti ako ng tipid pero sa kaibuturan ko nagdiriwang ako ng labis dahil napa-sunod ko ang lalaki at natiyak ko rin na mahalaga ang gabi mamaya.
Inalalayan ako ng lalaki tsaka binuhat papunta ng banyo. Sandali kaming nag-harutan at naligo ng sabay bago kami lumabas ng silid at magtungo sa isang french restaurant na nag-se-serve ng breakfast, lunch and dinner. May mga pastries din kaya parang all in na ang lugar.
Pinapili ako ni Atri ng food na gusto ko bago siya naman ang namili. Naghintay kami para sa pagkain, pero hindi pa man dumating ang aming pagkain ay may babaeng lumapit sa aming table at walang babalang kumandong kay Atri sabay halik sa labi.
Lahat naman ay nagulat. Ako man ay nagulat din pero nakabilik din agad sa normal. Hinanap ng mata ko si Cleo na agad naman naka-lapit sa aming pwesto. Si Atri naman ay parang natuod. Nang lumayo ang babae nakita ko sa mga mata ni Atri ang pagiging tensyunado at pag-aalangan.
“Cleo may ipis na nakapasok, paki-tapon please. Kapag nagpupumilit at pumalag patahimikin mo na agad. Ayokong masira ang umaga ko.” anas na utos ko kay Cleo na agad naman na kumilos.
Minsan hindi ko na alam kung saan galing ang espiritu na sumanib sa akin.
“Wait! Azi! Ano ba Cleo? Azi and I are fubu—!” sigaw ng babae na agad namang na putol ng mabilis akong tumayo at dumampot ng tissue sabay pasak sa bibig ng babae.
“Ang ingay mo. Fubu kayo noon? Hindi na ngayon! Kaya kung pwede lang, ilugar mo ang pagiging makati mo. Babaeng eyeshadow kung ako sa’yo, ikakalma ko na lang ang púke ko. Bakita? Kasi baka imbis na títí ang pumasok d’yan, e maging tubong bakal. Yes tubong bakal ang ipapalsak ko d’yan kapag hindi ka pa tumigil!” mahina, madiin at nakangiting ani ko sa babae. Gigil na gigil na ako, sa hindi ko mawari na dahilan.
Nasa gano'n akong ayos ng may yumakap at bumuhat sa akin. Inisang lingon ko kung sino bago muling ibinalik sa babae na na ni Cleo. Akmang hahalikan ako ni Atri ng lamutakin ko ang nguso niya.
“B-baby?” hindi makapaniwala na ani ng lalaki.
“Hindi ako sanggol! Wag kang hahalik sa akin baka mamaya may aids ang babaeng ‘yun mahawa pa ako.” mataray na sabi ko sa lalaki sa mahinang tono.
Aakalain lang ng iba na naglalambingan kami matapos magkabati dahil sa ginawang eksena ng babaeng eyeshadow.
“Baby naman, nakatikom ang bibig ko—”
“Wala akong pakialam! Layo. Yuçk! Ang pangit ng taste mo noon.” maliditang sabi ko sabay lait sa lalaki.
“Mag-toothbrush ako—”
“Ayoko!” putol ko sa lalaki tsaka ako kumawala sa kanya at bumalik sapagkakaupo.
Dumating naman na rin naman ang aming pagkain, hindi ko pinansin ang lalaki at nagsimula akong kumain. Ramdam ko ang patitig niya sa akin ngunit ‘di ko siya tinapunan ng tingin. Nakita ko siya sa repleksyon ng plato na gumamit ng cellphone bago muling nangulit sa akin.
“Bakit ka ba galit na galit Honeylette?” kastigong tanong ng aking isip.
Sa totoo lang, hindi ko alam? O baka naman alam ko pero ayaw kong aminin na na gusto ko na si Atri at ayokong may ibang lalapit, hahawak o magpapansin sa kanya. Dahil tulad niya gusto ko akin lang siya.
“I'm sorry baby. Hindi ko talaga alam na gano'n ang mangyayari. I'm sorry, I'll make it up to you. Please..” tila musmos na kawawa na sabi ng lalaki. Ramdam ko siya kaya naman tumingin ako sa kanya sabay turo ng kanyang plato para kumain na siya.
“Sorry na talaga—”
“Okay na basta wag ka munang kikiss sa akin. Nakaka-asiwa kasi. You know what I mean right?” putol ko sa lalaki, na parang walang ibang magagawa kundi ang sumagot ng oo.
“Okay baby ko.” sagot niya sa akin. Nginitian ko ang lalaki na tila kumalma na rin.
Sa mga oras na ito medyo kita ko naman na liyamado ako sa kanya.