BANAYAD na paghangod sa aking ulo ang nagpagising sa akin. Pakiwari ko ay wala akong kakayahan na dumilat lalo na ang bumangon sa kinalalagyan ko ngayon. Gustuhin ko mang magalit o sitahin ang taong humihimas sa aking buhok ay hindi ko magawa. Parang pati ang aking tinig ay wala na ring kakayahan na lumabas.
“Wake up baby, kailangan mong kumain at uminom ng gamot to feel better.” masuyo na bulong ng tinig ng isang lalaki sa aking tainga.
Sinubukan ko namang idilat ang aking mga mata pero kusa itong sumasara.
“I’ll take full responsibility for what happened to us, especially to you. Aalagaan kita baby.” muling ani ng lalaki na para namang nag-pagaan ng konti ng aking pakiramdam.
“But for now, wake up baby. Kailangan mong makakain kahit konti para maka-inom ka na ng gamot. I’ll stay beside you, para matugunan ko agad ang mga pangangailangan mo.” dagdag ng lalaki tsaka hinaplos ang aking pisngi. Dahil sa nakapag-adjust na ang aking mga mata ay nakayanan ko na itong idilat.
Mukhang ng lalaking naghatid sa akin sa langit ng sarap ang bumungad sa akin. Nakakatuwa lang makita na may pag-aalangan siyang nadarama. Halatang halata iyon sa kanyang mukha lalo na’t ngiwi at hindi ngiti ang dating ng guhit na nakapaskil sa kanyang labi.
“Kaya mo bang bumangon?” malumanay na tanong ng lalaki sa akin.
“I-i’ll try.” Halos walang lumabas na tinig sa akin ng sabihin ko iyon bilang sagot sa tanong niya sa akin.
“I’ll help you.” Himig na may lambing na ani naman ng lalaki sa akin.
Dahan-dahan siyang yumukod sa aking para sapuhin ang aking likurang bahagi. Iniangat niya ako ng marahan pero dahil sa tinamong pagod at kung anu-ano pa mula sa gilalas naming pagsasanib ng katawan ay napapikit, daing at iktad ako ng sumigid ang kirot sa aking p********e.
“Shsss. . .soon the pain will vanish after you drink your meds.” pang aalo ng lalaki sa akin nakakatawang binibili naman ng aking isip at katawan.
Halos maligo ako sa pawis bago ako mai-sandal ng lalaki sa headboard ng kama. Parang alam o ramdam ng lalaki na masakit para sa akin ang umupo kaya kinalsuhan niya ang aking pang upo ng malambot na unan.
“Feel better now?” tanong ng lalaki na bahagya ko namang tinugon ng tipid tango.
“Susubuan na kita a! I know may masakit sa’yo but you really need to eat and drink meds.” Sabi pang muli ng lalaki.
Hindi ko alam pero parang maingat ito sa pagsasalita ngayon sa akin. Siguro dahil alam niyang kasalanan niya rin kung bakit ako na sa ganitong sitwasyon.
“Magtigil ka nga! Kasalanan mo rin dahil sige ka ng sige!” saway naman ng aking utak sa akin iniisip. Tama nga naman kasalanan ko rin dahil nagpatianod ako sa sarap na dulot ng aming pagniniig.
“O-okay.” sagot ko naman dahil parang hinihintay ng lalaki ang approval mula sa akin.
Agad naman na kumalam ang sikmura ko ng na amoy ko ang bulalo. Inilapit ng lalaki ang cart at kumuha mini table para ilapag sa kama. Focus ang lalaki sa paghahatag ng pagkain, masasabi ko na hindi kabawasan sa kanya ang maging yayo ko ng ilang araw.
Ngayon ko lang din napansin na humahanga ako ng labis sa isang lalaki na noon ay hindi naman kailaman pa nangyayari.
Nang iumang ng lalaki ang kutsara na hinipan niya na may lamang sabaw ay natulala ako. Kahit naman na marunong akong makibagay sa lahat medyo maarte ako pagdating sa pagkain at utensils na gagamitin.
“Tigilan mo nga ang kaartihan mo! Nakipaghalikan ka na sa kanya. Ang malala after kainin ang pempem mo nakipaghalikan ka pa ulit sa kanya kaya kumain kana!” parang mababasag ang tainga ko ng umugong sa aking utak ang mga salitang iyon. May punto naman siya kaso nadala naman ako ligaya at sarap. Napakagat labi ak0, dahil sa pagkalito.
“Ayaw mo ba nito? Magpapaluto ako ng bago—”
“No! I mean it fine. Sige na kakain na ako.” putol ko naman sa lalaki sabay nganga. Ngumiti naman ito sa akin. Ngiting iba sa mga nakita ko sa kanya kanina. Ngiting abot sa kanyang mga mata dahilan para lumabas ang maliliit niyang biloy sa gilid ng kanyang labi maging sa ibaba ng kanyang mga mata.
Nagpatuloy ako sa pagkain, kahit na panaka-naka ang pagkirot ng aking p********e na tutugon naman din sa ibang parte ng aking katawan. Maagap naman na inaalalayan ako ng lalaki kaya kahit paano ay gumagaan ang aking pakiramdam.
“Here! Inumin mo ito baby.” untag ng lalaki sabay abot ng dalawang tabletas sa akin.
Tinitigan ko iyon, tsaka bumaling sa lalaki.
“I called a doctor to check you up.” paliwanag ng lalaki. Agad naman akong nakaramdam ng hiya at pangangapal ng aking mukha. So tama ang nariinig ko kanina. Akala ko panaginip ko lang ang may nagsesermon sa akin sa bandang paanan. Medyo nakaramdam din ako ng kirot ng parang bumuka ang aking p********e.
“It's okay baby. Sinigurado k0 naman na babae ang doctor at lahat ay mananatiling pribado.” Dagdag na ani ng lalaki kaya naman naatitig ako sa kanya.
“How sure are you, na hindi siya magsasalita o kwento sa iba?” determinadong tanong ko sa lalaki.
“Everything happened in this cruise will remain here and be kept secret. Maraming consequences ang magiging kapalit ng pagsisiwalat ng mga nangyari sa lugar na ito. Besides 20 million is not bad at all.” panatag at kumpyansa na sagot ng lalaki sa akin.
“What? 20 million? For check up and prescription! For God's sake!” Bulalas ko na ani. Sa pagkakaunawa ko ay 20 million ang bayad niya sa pagsilip ng aking pempem ng doktora na iyon.
“Anything for you. And masyadong espesyal ang doktor na iyon. Remember this, 20 million is just nothing, mas mahalaga sa akin maging okay at maayos ang pakiramdam mo.” swabe na sagot ng lalaki sa akin.
Para naman akong dinuyan ng malakas na ngunit banayad na hangin dahil sa sinabi ng lalaki. Masaya ako na kahit paano maayos ang lalaking nakakuha ng aking dangal. On the back of my head naisip ko rin na pwede siyang pamalit kay Mr. Alberici. Sabihin na ng iba na ganid at abusada ako, ang alam ko lang mahina, bobo, tanga at walang bait sa sarili ang laging talunan. Ayokong maging talunan ng habang buhay. Tama ng sa puso at buhay lang ng aking ama ako hindi manalo o mag exists.
“Hey! Inumin mo na ito and then pahinga na ulit.” agaw ng atensyon ko ng lalaki. Pinilit kong ayusin ang aking sarili tsaka iniba ang mood.
Tinanggap ko ang gamot na binigay niya sa akin at agad na ininom. Tamang tama dahil kumikirot na rin ang aking p********e. Matapos na inumin ko ang gamot ay tumitig ako sa lalaki habang inaalala ang nangyari kanina ng i-check up ako ng babaeng doktor. Totoo pala ang lahat akala ko pa naman ay panaginip lang.
“Alam mo ba na tinampal ng doktora ang pempem ko. Sabi n’ya buti nga sa’yo ang landi mo. Dahil daw sa akin siya naman ang naging tigang.” parang bata na nagsusumbong sa ama na ani ko sa lalaki na biglang nandilat ang mga mata.
“f**k! Pakialamera.” gigil na anas ng lalaki sabay hagilap ng cellphone at dial ng numero.
Phone ring……
“Cleo did you transfer the money already?” gilalas na tanong ng lalaki sa kausap.
“I'm about. Why?” tugon naman ng nasa kabila.
“Don't do it! Hayaan mo siyang sumugod dito. May sisingilin din ako sa kanya.” ani ng lalaki sabay putol ng pag-uusap nila ng tao sa kabilang linya.
Nang balingan niya ako ay agad na itong tumabi sa akin.
“Pilya masyado ang isang ‘yon. Kahit babae siya hindi ko papayagan na basta tapikin niya ang langit na pag-aari ko. For now baby, let's take a rest. Ayos lang naman na tabihan kita hindi ba?”
Mabilis naman akong tumango sa lalaki bilang pagsang-ayon. Aayaw pa ba ako e, nakuha niya na ang iniingatan ko. Sumampa sa kama ng maayos ang lalaki tsaka ako tinulungan na humiga bago ito tumabi sa akin. Nang pareho na kaming nakahiga ay iniangat niya ang ulo ko sabay paunan sa kanyang braso.
Wala naman akong ilang o hiya na naramdaman kaya naman kusa na akong humilig sa kanyang dibdib. Mainit ang katawan ng lalaki dahil doon parang nakakabawas iyon ng tensyon na nararamdaman ng aking katawan. Kakaiba pala ang after shock ng unang tikim ng langit sa lupa.
SAMANTALA….
“You're back!” Salubong ng lalaki na bati sa babaeng ngiting tagumpay.
Mahusay na umakto ang lalaki na waring prenteng nakaupo lang pero ang totoo ay kanina pa ito pabalik-balik sa labas. Kahit na gaano kayaman man ang mga lalaki bahagi ng cruise ay hindi nanghihimasok sa teritoryo ang ito ng basta basta.
“Dapat nga hindi na ako bumalik!” matapang na sagot ng babae.
“Why?” taas kilay na tanong ng lalaki sa babae.
“May pera na ako e, hayop! Bakit wala pa rin?”
“Tsk…tsk! May ginawa ka ba? Kapag may ginawa ka, wala kang makukuha kay Azael. f**k! Mukhang ikaw pa ang may utang. Dahil sa wala ka namang pambayad ako ang magbabayad. That means your stock with me for life doktora barubal. Habang buhay ka na sa kandungan ko.”
“No! Ayoko na sa kandugan mo. Humanda siya sa akin—!”
“Ano ba? Bitawan mo ako.”
“I won't. Kanina pa ako bitin na bitin. Kung hindi lang si Azael ang may patawag at hingi ng tulong hinding hindi kita papayagan na pumunta doon. I miss you. I miss that pinky baby kiffy.” Tutol ng lalaki sabay singit na rin ng panghaharot sa babae.
Agad na nagbago ang mood ng babae at hindi na nanlaban.
“Fine! Payag na ako pero samahan mo ako bukas na maningil sa Azael na ‘yun. Marami akong kayang gawin, alam mo ‘yan.” pagsuko na ani ng babae bago ilatag ang kondisyones niya.
“I know! Pero ngayon yung kaya mong gawin sa ibabaw ng kama at sa ibabaw ko ang ipakita mo sa akin.” tugon ng lalaki tsaka simulang kalikutin ang mga parte ng katawan ng babae na kahinaan nito.
“Thanks Atri.” Bulong ng lalaki. Dahil sa ginawa ni Azael ay tiyak ng mananatili sa kanyang tabi ang babaeng hirap na hirap siyang paamuin at angkinin ng buong buo. Babaeng hirap din siyang aminin na hindi na lang basta libog ang koneksyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Babaeng biktima ng kanilang kapusukan noong silay mga teenager pa.