Kabanata 3

1799 Words
Inis na nagpatuloy sa paglalakad si Akisha pabalik ng kanilang bahay. Akalain ba niyang may dalawang manyak na lalaki ang pinapanood ang paglilinis niya ng katawan sa sapa. Nadulas kasi siya sa pilapil ng palayan kaya napaupo siya sa putik maging dalawang hita niya ay nalubog sa putik. Buti nalang talaga hindi pa niya nahubad ng tuluyan ang damit kung nagkataon napahamak na siya. Malapit lamang ang sapa sa may pilapil na kinadulasan niya kaya doon siya nagpasyang hugasan ang putik. Balak niya sanang hawhawan ang dulo ng kanyang blouse para hindi na masyadong kumapit ang putik doon pero narinig niyang may nagsalita bigla kaya niya napansin ang manyak na dalawang lalaking naninilip sa kanya. Hindi lang niya namukhaan iyong isa, pero iyong isa ay nakita niya ang mukha, bago siya tuluyang tumakbo palayo sa mga ito. Gwapo nga sana, manyak naman. Pagdating niya ng bahay, hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Naligo agad siya at agad na nagtungo sa pinsang si Robert, muntik pang hindi niya ito maabutan sa bahay nito. Malamang patungo na ito sa mansyon ng mga Del Azul dahil doon ito nagtatrabaho. "Insan, napadalaw ka?" tanong nito tsaka niluwagan ang gate. "Andiyan ba sina Tiyang?" tanong niya, pasubali nalang pero ang totoo kabado siya kung mapapahiram siya nito ng pera. "Wala sila, nagtungo ng bayan para mamili ng paninda, kumusta naman si Tiyong?" "Nasa ospital siya insan," malungkot na sagot niya. "Huh?! Bakit napano?!" gulat na tanong nito. Pinaliwanag niya dito ang nangyari maging ang problema nila sa lupa na kinakaharap din ngayon. "Tsk, totoo nga ang bali-balita sa gahamang matanda na iyon. Pasensya na Insan ha, sobrang busy ko kasi ngayon kaya hindi na ako nakakadalaw sa inyo. Pero may konti ako diyang pera, baka pwede na i-down mo muna iyon sa ospital pero pano na ang iba pang gantusin at ang kakulangan Insan. Wala na rin naman akong pera dahil naipamili na nila Nanay para sa tindahan niya." "Maraming salamat Insan, napakabuti mo talaga sakin. Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng pera pero balak ko sana magtrabaho, may alam ka bang mapapasukan ko Insan?" "Wala akong alam Insan, sa Hacienda naman hindi ka pwede, unang-una dahil babae ka at pangalawa hindi mo kakayanin ang trabaho doon. Ang bagay sayo ay sa opisina, kaganda mong iyan ei yon nga lang dika nakatapos," wika nito. Highschool lamang kasi ang natapos niya, gusto ng kanyang Tatay na siya ay magpatuloy ngunit dahil sa hirap ng buhay hindi nila kaya ang mag-aral pa siya ng college. Isa pa, ilang taon ng patay ang kanyang Inay siya na lamang ang kasama ng kanyang Tatay sa bahay dahil ang kanyang Kuya naman ay may asawa na at sariling bahay. "Insan baka naman magawan mo ng paraan, kahit anong trabaho papasukin ko. Si kuya naman wala din siyang magagawa dahil ang kita niya sa pagtatricycle kulang pa sa pamilya niya, sige na Insan parang awa mo na, ikaw nalang talaga ang malalapitan ko," naiiyak niyang pakiusap sa pinsan. Awang-awa naman ito sa kanya. "Mga lalaki lang kasi Insan ang tinatanggap sa hacienda, galit kasi sa mga babae si Señorito Amiro. Pero mas maganda sana kung sa kanya ka makakapasok dahil pwede mong i-advanced ang sasahurin mo ng isang taon lalo pa kapag nalaman niya na kailangang-kailngan mo," mahabang pahayag nito. "Pero bakit galit ang amo mo Insan sa mga babae? Baka naman pwede akong makiusap sa kanya Insan baka naman maintindihan niya ang sitwasyon ko," wika niya. "Hindi ko rin alam ang totoong dahilan Insan ei, basta ang alam ko niloko siya ng fiancee niya kaya nagbalik siya dito sa lugar natin. Kaya lang tinanggal niya sa trabaho ang mga trabahador na mga babae pwera lang sa mga matatanda, kaya malabo Insan na matanggap ka nila doon," mahabang pahayag nito. Laglag ang balikat na napaupo siya sa upuang nasa terrace ng bahay ng pinsan. Pano na ang kanyang Tatay, pano na ang lupa at maging ang gastusin nila araw-araw sa ospital. "Insan, pano ba to ang hirap naman ng sitwasyon ko," wika niya at hindi na naiwasan ang pagpatak ng kaniyang luha. Lumapit naman sa kanya si Robert at hinagod ang likod niya. Buti nalang talaga palaging handang tumulong ang kanyang pinsan, ito lang talaga ang pinsan na ka-close niya. Hindi ito bakla pero sadyang may kalambutan lamang itong kumilos, simula pagkabata sila na talagang dalawa ang magkasangga. Nakapag-aral ito ng college, samantalang siya ay hindi nag-college pero kahit gano'n hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya. "Sorry insan, konti lang din kasi ang naipon ko kung sana marami akong ipon kahit ako na ang gumastos ng lahat," wika nito. "Okey lang Insan,napakalaking tulong na nga ang pagpapahiram mo ng pera sakin. May paraan nga sana para masolve ang problema namin, pero ayoko namang magpakasal sa matandang hukluban na yon! Hayyyss, nakakainis talaga Insan napakasama ng matandang yon!" "Aba ei dapat lang naman, kapal naman ng matandang iyon. Lolo mo nalang siya naghahangad pa ng batang asawa, yaakk! Kung pwede nga lang magpanggap ka nalang na lalaki para matanggap ka sa hacienda ei, kesa naman pumayag ka sa panggigipit ng matandang iyon!" inis na pahayag ng kanyang pinsan. "A-Anong sinabi mo pinsan?" tanong niya, tila natigilan naman ito at napakunot ang noo. "Alin? Anong sinabi?" maang na tanong nito. "Iyong magpanggap na lalaki," wika niya. Nanlaki naman ang mata nito. "W-Wag mong sabihing gagawin mo ang kalokohang iyon! Aba, magtigil ka Akisha Delos Santos ha, hindi tama iyon!" nakairap na wika nito, nakatikwas pa ang labi nito. "Bakit hindi insan? Kung iyan naman ang solusyon sa problema ko," wika niya. "Hindi, bruha ka pano kung mahuli ka ei di todas din ako, ayaw ko, basta ayaw!" mariing pagtanggi nito. "Please, Insan naman ei. Ito nalang talaga ang pag-asa ko, maawa ka naman sakin tsaka kay Tatay. Sige na naman oh, promise mag-iingat ako hindi ako papahuli. Sige na, pumayag kana ha," pakiusap niya sa pinsan. Napakamot ito sa ulo, alam niya na kapag gumanon na ito malapit na itong sumang-ayon sa nais niya. "Hay naku, ikaw talaga! Kahit kelan kapag ikaw talaga ang humiling hindi kita mapahindian! O sya sige, pano ka naman magpapanggap abir?" tanong nito. "Gupitan mo ako, yong parang sa army cut," malungkot na wika niya. "Ano?! Luka-luka ka bang talaga?! Pati buhok mo ipapaputol mo? Ano ka ba bruha! Napakaganda ng buhok mo, alagang-alaga mo yan tapos puputulin mo nalang ng ganon-ganon lang?!" eksahederang wika ng kanyang pinsan, mas maarte pa itong magsalita kesa sa kanya, kaya palagi itong napapagkamalang bakla dahil sa pananalita at kilos nito. Napabuntunghininga siya at wala sa loob na hinaplos ang napakaganda niyang buhok. Alagang-alaga niya ito kaya naman natural ang ganda nito na kahit minsan hindi pa nakatikim ng kahit anong treatment sa salon. Masakit man sa kanyang ipaputol ito pero kailangan para magawa niya ng maayos ang pagpapanggap. Kailangan niya para sa kanyang Itay at para na rin sa lupa nila. Di niya napigilan ang pagpatak ng luha habang hawak-hawak ang magandang buhok. "Okey lang Insan, buhok lang naman ito ang mahalaga ay ang Tatay ko at ang lupa namin kaya please tulungan mo akong makapasok ha," wika niyang nakangiti pero hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiting iyon, taliwas sa dati niyang ngiti na pati mga mata ay animo ngumingiti din. "Sige payag na ako, tamang-tama patungo ako ngayon sa mansyon, ano sasama ka ba?" tanong nito. "Sige Insan, dito mo na ako gupitan tsaka pahiram nalang din ako ng damit mo o kaya ay damit ni Omel," sabi niya. "Okey, damit nalang ni Omel ang hiramin mo dahil baka makilala ni Señorito na damit ko ang suot mo, mahirap na,"wika nito sabay aya na sa kanya sa kwarto nito. May alam sa pagugupit ang kanyang pinsan kaya naman mabilis lamang siya nitong magupitan. Itinago niya ang mahaba niyang buhok na ilan taon din niyang pinakaiingatan tapos ganito lamang pala ang kakahinatnan. Naluha siya ng ganap ng matapos siyang gupitan tsaka matagal siyang nakatitig sa salamin, animo ibang tao na ang nasa kanyang harapan. Wala na ang Akisha na kilala niya, ngayon animo isang maliit ngunit magandang lalaki ang nasa kanyang harapan. Mukha siyang tomboy pero kahit ganon, sisikapin niyang matanggap sa trabaho, hindi siya papayag na mawalan ng saysay ang pagsasakripisyo niya sa kanyang buhok. Pinasuot sa kanya ni Robert ang damit ni Omel na mas nakababata dito, kung hindi siya nagkakamali si Omel ang kasing edad niya talaga pero mas naging close sila ni Robert. Isa iyong polo shirt na kulay maroon at maong na pantalon at rubber shoes, ayaw sana niyang gamitin ang pekeng bigote na ibinigay sa kanya ni Robert pero napilitan na rin siyang gamitin para mas sigurado na mapapaniwala nila ang boss ni Robert na lalaki siya. Hindi kalakihan ang kanyang dibdib pero kelangan pa rin nilang gawan ng paraan iyon para maitago kaya naman kinuha ni Robert ang supporter para sa dibdib ng kapatid nitong tomboy na si Lenette at ipinasuot sa kanya. Ilang sandali pa ay lulan na sila ng motor ni Robert, hindi man nito aminin pero kabado din ito katulad niya. Sa mismong mansyon sila nagtungo dahil sabi ni Robert nasa mansyon daw ang Señorito nito kapag ganong hapon na. Nang makarating sila sa mansyon agad siyang inaya ng kanyang pinsan sa loob. "Magandang hapon po Señorito Amiro, at sayo din po Sir Clyde," bati ng kanyang pinsan. Tumingin ito sa kanya animo sinasabi nito na bumati din sya pero parang nangangatog ang buo niyang katawan kaya hindi siya makakilos, nananatili lamang na nakatungo siya. Kaya hindi niya makita ang tinatawag na Señorito ng kanyang pinsan. "Magandang hapon din Robert," tipid na sagot ng isang lalaking nagtataglay ng baritonong boses. "Sino ang kasama mo Robert?" tanong ng isang lalaki. "P-Pinsan ko po Sir Clyde, nais po niyang mag-apply ng trabaho nasa ospital po kasi ang Tatay niya kaya kailangan niya ng pera pantustos niya sa mga gastusin sa ospital," pahayag ng kanyang pinsan. "Ano bang trabaho ang kayang gawin ng pinsan mo Robert ei mukhang patpatin ang pinsan mo, baka magbuhat lamang ng isang tali ng tubo hindi niyan makaya," wika muli ng tinawag na Sir Clyde ni Robert. Tumikhim siya at tila nilinisan ang lalamunan bago nagsalita. "K-Kaya ko po kahit anong trabaho Sir," sabat niya, pinalaki niya ang kanyang boses. Kasabay niyon ang pag-finger cross niya, hiling niya sana hindi napansin ang boses niyang pambabae. Nananatili pa rin siyang nakatungo noon kaya hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng magiging boss niya. Maya-maya'y may lumakad palapit sa kanya. At tumigil iyon sa mismong harapan niya kaya naman napilitan na siyang mag-angat ng mukha. Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng mapagsino ang lalaking nasa kanyang harapan. "OMG! Iyong manyak kanina na nasa may sapa!" tili niya sa isipan. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD