Natapos din Ang Ang engagement party sa kabila ng gulong ginawa ni Trisha. Nang makauwi na lahat ng mga bisita nagpaalam Ako kina Lolo na umuwi Muna sa Bahay para makausap si Mommy. Sinamahan na ako ni Mavvy baka daw pag initan na Naman ako ni Trisha. Wala naman akong magawa kundi pumayag.
Papasok pa lang kami sa loob nang may marinig kaming sigawan kaya nagmamadali na kaming pumasok sa loob. Naabutan namin si Daddy na Galit na galit.
“Dahil sa ginawa mo nilagay mo sa panganib ang pamilya natin” galit na sigaw ni Dad Kay Trisha.
“Bakit ako ang sinisisi niyo. Yong babaeng sampid na yon ang sisihin mo!” Galit ding sagot ni Trisha kaya nakatikim ito ng sampal Mula Kay Dad.
“Tama na. Ano ba kayong dalawa. Hindi ba pwedeng mag usap kayo ng maayos.” Umiiyak na awat ni Mom.
“Iyang anak mo ang pagsabihan mo! Ginawa ko lang ito para maprotektahan kayo pero Anong ginawa nitong makasarili mong anak.”
“Oo na! Makasarili na ako. Pero kayo Ang may kasalanan kung bakit Ako nagkaganito. Simula noong Bata pa lang Ako lahat ng atensyon niyo ay nasa babaeng yon. Habang masayang Masaya kayong tatlo, Ako nagmumukmok mag isa sa kuarto. Ako na tunay ninyong anak ang pinabayaan niyo dahil ginugol niyo Ang Oras ninyo sa pag aalaga sa babaeng yon!”
“Anak, Hindi totoo Yan” iyak ni Mom pero Hindi man ito pinansin ni Trisha.
“Simula nong dumating si Tanya nabuhayan Ako ng loob dahil sa wakas may kakampi na ako. Ginawa ko lahat para lang mapansin niyo Ako at natuwa nga Ako dahil nakuha ko ang atensyon ninyo. Pero Ngayon dahil sa babaeng yon masama na Naman ang tingin niyo sa akin. Kaya feeling ko ako Ang Hindi tunay na anak dito.” Iyak ni Trisha.
“Dahil Hindi mo naiintindihan!” sigaw ni Dad.
“Oo. At kahit kailan Hindi ko kayo maintindihan at ayokong intindihin Basta tungkol sa babaeng yon! Wala akong pakialam at Wala na Rin kayong pakialam sa akin simula Ngayon dahil aalis na ako sa pamamahay na ito. Kalimutan niyo na Rin na anak niyo Ako!” matapang na sabi ni Trisha. Nagulat naman ako sa sinabi nito.
“Sis, wag ka namang ganyan” mangiyak ngiyak na sabi Tanya.
“Sige, kung Yan Ang gusto mo. Ang lakas ng loob mo! Tingnan natin kung hindi ka magmakaawa pabalik Dito.” Saad Naman ni Dad. Padabog na umalis si Trisha. Nang Makita Niya Ako Puno Ng Galit Ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Saka tuloy-tuloy na naglakad papunta sa kinaroroonan namin. Humarang Naman si Mavvy sa akin sa pag aakalang sasaktan Ako ni Trisha pero dinaanan lang kami nito. Sinundan Naman ito ni Tanya.
“Mom, I’m sorry” sambit ko nang makalapit na ako kay Mom.
“No anak. Hindi mo kasalanan. Hindi ko alam na may hinanakit sa Amin si Trisha. At kasalanan konyon dahil pabaya akong Ina.” Hagulhol ni Mom.
“Mom please, wag niyo pong sisihin Ang Sarili ninyo. Kung Meron man pong dapat sisihin Dito ako po yon. Dahil simula po nang dumating ako sa inyo pabigat na Po Ako” naiiyak Kong alo Kay Mom.
“Hindi anak. May dahilan kami ng Dad mo anak. At alam Kong balang Araw maiintindihan mo din ito. Hindi ka namin sinisisi bagkus Malaki pa ang utang na loob Namin sayo. Hindi ko pa masasabi Ngayon Sayo anak Ang buong katotohanan. Hayaan mo Muna Ang Daddy na maayos Ang lahat. Kapag ready na Ang lahat Saka namin sasabihin Sayo. Sana maintindihan mo anak.” Nagulat Naman Ako sa sinasabi ni Mom pero Hindi na Ako nangulit pa. Hayaan ko munang humupa Ang tensyon sa pamilya Namin pero Saka ko aalamin ang katotohanan. May kutob Ako na tungkol ito sa tunay Kong pamilya.
Nang masiguro Kong ayos na si Mom ay uwuwi na rin kami kaagad. Habang kausap ko si Mom kanina ay kausap din ni Mavvy si Dad. Pero Hindi na Ako nag usisa kung Anong pinag usapan nila. Sigurado din Naman akong Hindi magkukwento ang mokong na yon.
Ilang Araw lang Ang lumipas ginanap Ang kasal namin. Simple lang Ang kasal at mga piling bisita lang ang imbitado. Sila Mom at Dad lang Ang pumunta sa pamilya ko. Hindi ko na Rin nabalitaan ang tungkol kina Trisha pagkatapos nong insidente. Ganon pa man hinihiling ko na sana dumating Ang Araw na maging buo Ang pamilya namin.
Pagkatapos ng kasal namin dumerecho kami sa Isang resort para daw sa aming honeymoon. Alam Kong si Lolo Ang may kagagawan nito. Kung Hindi lang Kay Lolo Hindi Naman Namin ito gagawin. Gabi na nang makarating kami. Dahil Hindi pa Ako makatulog, napagpasyahan Kong lumabas nalang sa terrace para magpahangin. Hindi ko alam kung tulog na si Mokong. Syempre magkahiwalay kami ng kuarto. Nanginig pa ako sa lamig pagkalabas ko. Ang Ganda Dito dahil kita Ang tahimik at madilim na dagat. Sumagi Naman sa isip ko yong sinabi ni Mom. Nasaan kaya ngayon ang pamilya ko? At Anong dahilan bakit kami nagkahiwalay?
“Hey!” Untag ni Mavvy. Hindi ko man lang namalayan Ang presensya ni Mavvy dahil sa lalim ng iniisip ko.
“Ha?” sagot ko.
“Tulala ka. May problema ba?” Tanong nito saka umupo sa tabi ko.
“Ahm, Wala Naman. May naalala lang Ako. Bakit may kailangan ka?”
“Wala Naman. Ayain lang kita. Since it’s our honeymoon, were supposed to celebrate right?” diniinan pa Niya Ang pagkasabi Ng honeymoon.
“Tss..kailangan pa ba yon? Alam Naman nating pareho na walang dapat I-celebrate.” Palatak ko.
“Come on. Don’t be KJ okay?” pamimilit pa nito. Wala na akong magawa nang hilahin na ako nito patayo.
“Saan ba Tayo pupunta Kasi?”
“Basta magugustuhan mo doon” kaya sumama nalang Ako.
Pagdating namin bumungad sa akin Ang Isang table na may mga pagkain at bulaklak malapit sa May pool. Namangha Naman Ako sa arrangement. Sigurado akong si Lolo ang nagpahanda ng mga ito. Para Hindi masayang Ang effort ni Lolo susulitin ko Ang stay ko dito. Napangiti Naman Ako dahil naeexcite ako sa mga gagawin ko.
“This is for you” abot ni Mavvy ng Flowers.
“Talaga itong si Lolo, nag abala pa siya sa paghahanda ng mga ito” natatawa kong Sabi.
“What?” kunot noong tanong Naman ni Mavvy.
“Itong mga to, Diba si Lolo Ang may kagagawan nito?”
“Do you think I’m not capable to do this? And may I remind you Ako Ang Asawa mo Hindi si Lolo.” may himig tampong Saad ni Mavvy. Naguguluhan Naman Ako sa kanya.
“Ha?” Kunot noong tanong ko.
“Ako ang gumawa nito lahat. Why should I bother Lolo? Kahit na kontrata lang ito gusto ko pa rin maranasan mo Ang mga bagay na karaniwang ginagawa pagkatapos maikasal”
“Talaga? Syempre Hindi ko iisipin na ikaw ang gumawa nito. Parang wala naman kasi sa vocabulary mo ang mga paganito.”
“Tsk” palatak nito.
“Oo na. Thank you! Okay na?” Hindi Naman ito sumagot. Pinaghila lang Ako nito ng upuan kaya umupo nalang Ako. Tahimik Naman itong umupo sa tapat ko. Pinapanood ko lang Ang ginagawa niya. Hindi ko alam pero parang ang gwapo Niya Ngayon.
‘Hoy! Yang mga ginagawa niya na yan ay Isang pagkukunwari lang dahil sa inyong kasunduan’ paalala ng utak ko.