Eksaktong bakasyon ng mga mag aaral ay siya ring Grand opening ng pinatayong Gas station ni Xyrks sa lungsod ng Malita, mayroon rin itong Convenience store at sa itaas nito ay opisina ng iilang mga trabahante, nasa Limang palapag ang naturang Building, dalawang palapag lang sana ito ngunit pinadagdagan iyon ni Xyrks para doon na ito mamalagi kapag nasa Probensya ito kasama ang kakambal. solo ng Dalawang magkapatid ang ika Limang palag may Limang kwarto ang naroon, ang Isa ay ginawang Opisina ni Xyrks, ang isa ay kay Cyrus, at ang dalawang natirang silid ay ginawang tig iisang kwarto rin ng magkapatid, ang isang bakanteng silid ay ibinigay ng mga ito sa pinsang si Dark. tanging ang ika Limang palapag ang naiiba dahil purong salamin ito, binagayan ng makakapal na kurtinang kulay Abo. Na

