Dumating ang araw ng pagkikita nila Diamond at tiyahi nila Xyrks at Dark. kay Diamond at Xyrks na sumabay si Peridot tungo sa subdivision kung saaan nakatira ang mga ito. "Ang ganda naman dito, ang lalaki ng mga bahay". komento ni Peridot, pati si Diamond ay namangha rin ngunit tahimik lang itong nagmamasid sa paligid. Nasa Malaking pinto ng Front door nakatayo si Melrose, inaabangan ang pag dating ng mga pamangkin at nobya ng mga ito, malawak na ngiti ang naka plastar sa buong mukha, halatang sabik na makita ang mga naturang bisita na may kakaibang mga pangalan. Magka sunod na huminto ang dalawang sasakyan sa tapat ng Garden, naunang bumaba ang dalawang lalaki sa kanya kanyang sasakyan saka pinagbuksan ang mga nobya. Nakayukong bumaba si Diamond at Ruby at agad ang mga ito humawak s

