Nag lalakad ako papuntang Mercado para sana bumili ng gulay, gusto kong mag luto at ipag luto sila mamang, nagpa alam lang ako saglit kay tiya Mareneng, mabuti nalang at pumayag ito, wala naman na akong gagawin kasi natapos agad kami sa pag paplansta ng mga damit at naka salin pa sa malaking makina ang ibang mga damit, sa kabutihang palad ay may kaskaserong dumaan sa nilalakaran ko at lahat ng tubig ulan ay napunta sa akin.
Santisima anak ka ng dyemonnnn, nagpapahid ako ng aking mukha ng makarinig muli ako ng kaskas ng saakyan, umatras ito pabalik kung saan ako nakatayo, nakarinig rin akong pagbukas at sara ng pinto, kaya naka half open ang aking isang mata habang ang isa ay nakapikit.
sheyt ang gwapo, akala ko anak ng dyemonnn, anak pala ng tao, subrang gwapo, tapos, hmnn di bali na nga, baka bakla ito, subrang puti naman, mas maputi pa sakin. ekis kana sakin kahit na saksakan ka pa ng gwapo.
"I'm sorry miss". dinig kong ani ni mamang gwapo, nakalahad pa ang isang kamay nito at may nilahad na pink na panyo, kaya napa ngiti ako sa aking isipan. so, tama ang hinala ko, rainbow ang isang to.
"Mag dahan dahan naman po kayo sa susunod po, hindi niyo pag aari ang daan". deritsahan kong bulyaw dito".
"Ihatid na kita kung saan man ang punta mo, sorry talaga sa abala." dagdag pa nito. wow naman mabait si bakla, ang kulit rin ng isipan ko kung anu ano nalang pumapasok.
tinitigan ko ang kanyang mukha, mukhang hindi naman ito gangster, "Okay lang ba sayo uncle ? ang dumi na po ng damit ko saka mabaho po ang putik, huwag na po."
"f**k!" rinig kong mura nito kaya napa taas ang kilay ko.
"That's why i'm offering you a ride because of what i did, hindi maganda tingnan dahil basa ang damit mo saka kita ang Red bra mo". walang hiya nitong tugon kaya napa yakap ako saking sarili sabay sipat sa basa ko ngang T-shirt.
totoo naman na manipis lang talaga itong suot ko, sa subrang luma ba naman , saka tagtag na ang ibang tela, hindi nga lang halata pag hindi nabasa, malapit na nga mapunit. kaya pumayag nalang ako.
nasa loob na kami ng kanyang sasakyan, ang bango at ang ganda ng loob, maganda ang sasakyan ng magpinsang kwakang, pero mas maganda ito. bago nito pinaandar ang sasakyan ay may dinukot ito sa likod at inabot sa akin.
"Here, wear this". sabay abot sakin ng itim na malaking T-shirt, agad ko itong kinuha saka sinuot, bahala ng ma basa rin ito dahil sa basa ang suot ko sa loob, hindi kuna hinubad pa ang T-shirt ko, nakakahiya, nasilipan na nga ako ng kunti kanina, siniswerte siya kung makita niya pa itong malaki at hinog kong Papaya no. hmp.
"Sa may Mercado lang po ako." ani ko at hindi na nag abala pang lingunin ito".
"Take this, it might help, buy new pair of clothes". ani'tong may nakakalokong ngiti.
"Nang iinsulto po ba kayo?" lingon ko ditong naka taas ang kilay. kainis naman ang gwapong bakla na'to.
"I'm just concern, at para hindi ka mabastos, at mapagkamalang, galing ka sa..... s**t! paano ko ba ipapaliwanag sa batang itong ang nasa isip ko. bwesit, pinapasakit pa ang ulo ko. nevermind. ani kong nakatitig dito, s**t the part of her body, looks so familiar, like i've already seen them before. napapikit at iling nalang ako."
'segi na nga ani ko saka nilahad ko ang aking kamay, makapal na kung makapal, pero kinuha ko ang libuhing pera na inabot nito sakin, ewan ko kung magkanu ito, saka ko nalang bilangin pag nasa Mercado na ako, baka isipin pa nitong mukha akong pera at nag papanggap lang na kunwari ayaw tanggapin ang binigay. pero sa totoo lang masama tanggihan ang grasya lalo na't kusang binigay ito at hindi nakaw.
"Salamat po". ani ko at nanahimik na, pinukos ko nalang sa labas ang aking tingin, ilang minuto lang ay nasa labas na kami ng Mercado at huminto narin ang sasakyan nito. nagpasalamat muna ako bago bumaba.
"Maraming salamat po, saka, pano ko po maibabalik itong t-shirt niyo po? " ani ko. nakatitig pa sa akin ang gwapong anak ng tao tila nag iisip.
"Keep it, sayo na yan, i have a lot of clothes". ani nito.
"Ganito nalang ho, kung gusto niyo pong kunin itong T-shirt niyo po, puntahan niyo nalang po ako sa Wishy Washy Laundry shop po." magalang kong tugon.
"Okay". maikli rin nitong tugon saka ngiti, sheyt talaga ang ganda ng ngipin.
bumaba na ako at pumasok sa loob ng Mercado at namili ng gulay, hinanap ko pa ang maliit kong sling bag, natakpan pala ng malaking T-shirt na suot ko kaya tinaas ko ang laylayan nito ng bahagya at kumuha ng pera, saktong unang nadukot ko ang may kakapalang pera, nasa Sampong libo rin kaya subrang panlalaki ng aking mga mata, agad ko itong sinilid muli at kumuha lang ng Isang daan saka binigay sa tindera, bumili narin ako ng coke saka nag abang ng sikad sikad pabalik sa laundry, mamaya bibigyan ko ng pera si Mamang at sabihin ko sakanya ang totoo kung bakit ako nagkaroon nitong malaking pera.
sumaglit lang ako sa shop at nagpa alam sa kanila na aakyat para maka pag luto ng tanghalian namin. malapit na akong matapos ng marinig ko ang tinig ni Mamang.''
"Tapos kana sa pagluluto anak?" ani'to kaya napalingon ako, nilapitan ko agad si Mamang at nilock ang pinto.
"Patapos na Mang, upo ka muna diyan sa kama ko." ani ko.
ng matapos ko ng mailigpit lahat ng ginamit sa pag luluto ay nagpresinta si Mamang na hugasan ang mga iyon, kinuha kuna rin ang pagkakataon para sabihin sa kanya ang nais kong sabihin
"Mang" panimula ko.
lumingon naman agad ito at naka ngiti. kaya kinuha ko ang aking bag at inabot ko sa kanya ang pera matapos itong mag hugas.
"Ano ito anak, bakit may malaki kang pera, saan galing?" tanong agad nito na may pagtataka.
"Ano ho kasi ahm, kanina po habang naglalakad po ako papuntang Mercado po, may dumaang mamahaling sasakyan, matulin ang pag takbo, at lahat ng tubig ulan napunta sakin, hindi ko naman po akalain na babalik yung driver saka humingi ng paumanhin at binigyan ako ng pera, hindi ko naman po tinanggap sa una, ngunit sabi niya, ibili ko raw po ng damit dahil luma daw ang damit ko." ani kong nakayuko matapos banggitin ang huling pahayag.
"Yung sout mo kanina na malaking damit sa may ari ba iyon ng sasakyan?" ani Mamang kaya agad akong tumango.
"Sabi ko naman po na kukunin niya dito sa laundry ang damit niya kung gusto niya, kaso sabi niya saakin nalang daw, mag hintay lang po ako ng ilang araw Mang, kung hindi niya balikan ibibigay ko nalang ito kay Papang, sayang din mukhang bago pa, saka bagay kay Papang,." naka ngiti ko ring tugon kaya tumango na rin si Mamang saka sinild sa bulsa ng kanyang pantalon ang pera na binigay ko.
"Mang iyong subra pala na pera pwede ko bang ibili iyon ng cellphone? para may magamit na po ako?" pag papaalam ko dito.
"Oo, naman anak. walang problema, saka pera mo naman iyan, bili ka rin ng bagong mga damit, magagamit mo rin yan sa pag pasok mo sa paaralan niyo, baka magkita kayo ulit nung Tao, baka sabihing nilustay mo sa walang kwentang bagay ang pera na binigay niya." naka ngiting ani ni Mamang kaya ngumiti narin ako.
sabay na kaming bumaba at tig isang bitbit ng kaldero ng kanin at gulay na niluto ko,
saktong pag bukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng makita ang taong hindi ko akalain na makikita kong muli oramismo.
"Sir kayo pala, kukunin niyo na po ba iyong damit? nakapila palang po, hindi ko pa po naisalang". ani ko sa malumanay na boses.
"Magka kilala kayo?" boses ni Tiya Mareneng.
"Ahm, walang gustong lumabas sa bibig ko kaya napalingon ako kay Mamang saka sa naka basa ng damit ko kanina lang, nakahinga ako ng maluwag ng ito na ang nagpa liwanag kay Tiyang, mabuti naman, kaya tumango rin si tiyang agad.
"Kailan ko po pwedeng kuhanin?" rinig kong ani nito at naka tayo sa mesa ni Tiyang.
"Mamaya Sir, pwede niyo na pong makuha mga alas Singko ng hapon". sagot rin agad ni Tiyang, napatingin pa ito sa kanyang relo bago tumango at umalis. sa isip ko mabuti naman at alas Kwatro y medya ang out ko sa hapon. ihabilin ko nalang sa mga ate at ipasabay ang T-shirt nito na pinagamit nito sa akin kanina.
masaya naming nilantakan ang aking nilutong tanghalian, mabuti nalang at hindi na sila nag usisa pang muli. sumapit ang alas Kwatro y medya ay nagpa alam na ako kay Tiya na aakyat na, nag half bath nalang ako, total ay naka ligo na ako kanina pag dating ko at bago ako mag luto. binuklat ko nalang ang aking libro na hiniram ko sa library at binasa habang naka higa at nag hintay na tumunog ang alarm clock na maliit, sinadya ko itong bilhin nakaraang araw dahil sa wala akong cellphone, pero sa sabado ay bibili na ako ng cellphone, kukunin ko rin ang numero ni Ruby para makakamusta ko sila sa baryo at makakausap kuna ang aking mga kapatid at si Papang, pag may subra pa ay ibibili ko rin ng damit ang aking mga kapatid, pati si Papang at Mamang, bibilhn ko rin si Ruby dahil parihas lang kami ng damit, naghihiraman lang rin kaming dalawa, mag kasing katawan naman kami, kung ano ang akin ay ibibili ko rin siya ng ibang kulay.
"Sana makasama ko sa pamimili si Ruby para masaya". ani ng aking isip.
as usual dinaanan na naman ako ng mga inchek kwakang kong mga kaibigan papunta sa paaralan at hanggang sa pag uwi ay sinabay rin ako ng dalawa kaya hindi na ako tumanggi pa at nakisakay narin.
"Simula ngayon Kinang sabay kana palagi sa amin ni Jinky, papunta sa School at pauwi, total iisa lang dinadaanan natin saka iisang classroo lang rin tayo." ani Aireen.
"Oo nga Kinang." pag sang'ayon naman ni Jinky.
"Nakakahiya naman sa inyo pati kay Manong." ani ko.
"Walang problema yon no." panabay na sagot ng dalawa kaya ngumiti at tumango narin ako saka nagpasalamat sa dalawa. ang gaganda na ang babait pa, matatalino rin silang dalawa.
ang gaan sa pakiramdam ng may halaga ka sa mga kaibigan mo kahit na malaki ang agwat ng status ninyo sa buhay."