Maingay, at nakakaliyo ang samu’t-saring pabango na maaamoy sa loob ng isang sikat na high-end club. Humahalo sa samu’t-saring amoy ng mga pabango na iyon ang usok ng mga sigarilyo.
Hawk was holding her smart phone on her right hand, at hawak naman ng kaliwang kamay ang champagne glass. Dinala niya sa labi ang baso ng alak at sinimsim ang champagne, ngunit ang mga mata ay matulis na nakamasid sa bawat sulok ng club.
Pinagkrus ni hawk ang mga binti kasabay ng pagka-expose ng mahaba, makinis at maputi na biyas. She was wearing a red dress, at ang mga kamay ay nabalutan ng itim na gloves.
Ang kanyang buhok ay bahagya niyang kinulot at nakalugay. V-cut ang tabas ng pulang bestida na suot sa bandang dibdib kung kaya’t expose ang cleavage ng malulusog na dibdib.
Her lips was so red, na pumapares sa kulay pula niyang suot na bestida. Maging ang suot na stiletto ay pula. Marahan na binaba niya ang champagne glass at muling tinuon ang pansin sa screen ng kanyang smart phone.
“Target is on the way…” hinawakan niya ang earpiece sa kanan na tenga habang sinasabi ang salita na iyon. She was staring at her smart phone screen.
Nakikita niya sa screen ang pagpasok ng dalawang japanese nationals, kasama ang ilang bodyguards ng mga ito. She zoom in the screen.
That’s it!
She saw the necklace one of them was wearing. Ayon sa information na nakalap ng ahensya, isang formula ng bagong likha na dròga ang nakapaloob sa necklace na iyon, at ngayong gabi ay nakatakda na ibigay ang formula na iyon sa isa sa mga miyembro ng underground organization.
That member was the late cousin of MR. Tanaka, the well known businessman and one in the list of Lieutenant General Quijano’s ledger, Craig’s late father.
Hawk already hacked the entire security system of this enormous building in Manhattan where they are in right now, kaya may access ang kanyang hawak na smartphone sa bawat security camera sa buong paligid.
Kaya kailangan na bilisan ang kilos, dahil umiikli ang kanilang oras. Ilang minuto mula ngayon ay siguradong malalaman na hack ang security system ng building.
“East wing lock.” It was, Jaguar.
Jaguar clicks his sniper gun.
“West wing lock.” It was, crow. She clicks her sniper gun.
“Everybody in position.” Craig commanded.
His voice came through the earpiece in a low, controlled tone that made her spine straighten. It wasn’t loud, but it carried a command that every agent instantly recognized.
“Got it.” sabay-sabay na tugon ng lahat maliban sa kanya.
She just smirked. Ewan ba, sobrang naiinis siya kay Craig. Abot langit ang matinding inis niya. Ngunit sa bawat pagsasalita nito ay hindi niya maiwasan na mapaangat ang mukha.
Nasa entrada ng club si Craig. He was disguised as a club bouncer. Hawk glance at Phoenix, hindi niya maiwasan ang humugot ng malalim na paghinga sa tuwing magkasama sila sa ganitong mission. Craig a.k.a Phoenix, presence made her feel suffocated.
Phoenix stood at the entrance with a steady grounded posture, like chaos would break before it reached him. There was confidence in the way he held himself. Not arrogance, just certainty.
Hawk hate herself, dahil kahit sa ganitong mga sitwasyon ay hindi niya maiwasan na hangaan ang kakisigan ni Craig. Well, she is a woman after all, at normal lang na hangaan ang lalaking may maganda at perpekto na katawan.
“You keep on staring at him, Hawk. Baka matunaw iyan sa kinatatayuan.”
Napahugot siya ng malalim na paghinga. Naituwid niya ang likuran saka tumayo mula sa kinauupuan. It was, Gila whispering in her.
“Who says I am staring at him?” depensa niya. “I am staring at the entrance. Waiting for the target to come in.”
Gila, her co‑agent, laughed in a low tone. “Oh, really? So that means my vision was wrong again.” She shook her head lightly. “Anyway, I can’t blame you. Craig is a total package. Broad shoulders, a solid chest, defined abdominal muscles… strong arms that look like they could carry you with just one hand. He’s strong and sure, with a strong stamina in bed.” She smirked. “Idagdag mo pa ’yung mukha niya, sharp jawline, clean cut. Wala ka nang hahanapin pa. Nasa kanya na ang lahat, Hawk… kaya kung ako sa’yo, ibigay mo na bago ka pa maunahan ng iba.”
Nilingon niya si Gila, saka ngumisi. “Lasing ka ba o baka malabo na iyang mata mo?” She teased her back.
“Nope. Defensive ka lang talaga. Aminin mo na kasi, na na-attract ka kay Pheonix. Mahirap ba talagang umamin?”
“Gila—”
“Theyre here.”
Kapwa na kumampas ang tingin nila ni Gila sa mismong entrada ng club.
“Gila, Hawk, move…” wika ni Pheonix.
Agad na naghiwalay sila ni Gila. Gila is wearing black skirt matching a black tube tops and a black boots. Naka-ponytail ang buhok nito. She walk seductively toward her opposite side.
Kapagkuwan ay umupo si Gila sa kabilang VIP couch, tumitig ito sa kanya sabay taas ng hawak na kopita. Hudyat iyon na handa na ito.
“Black…” wika uli ni Craig.
“I am good to go, Phoenix.” Black Widow was on the top deck. He surveyed the surroundings of the entire club. He was wearing all black: a black leather jacket, black pants, and black leather shoes. He was also wearing a black hat.
“Tiger, Wolf, how’s the situation in your position?”
“Their men are scattered around outside the building. We need to be extra careful. We won’t be able to handle it if something happens.”
“Copy.”
Umupo ang grupo ng isang japanese national sa isang private lounge, na sinundan ng grupo ni Mr. Tanaka. Nasa isang pribadong silid ang mga ito na napapaderan ng two-way mirrorr. Kaya hindi nila makikita ang loob ng silid. Wala rin CCTV camera sa loob.
When thier target finally settled inside the private lounge, at sa pagbago ng maharot na musika ay agad na pumagitna siya sa dance floor. Kapagkuwan ay sumunod si Gila.
Kapwa na humawak sa magkabilang side ng pole at saka nagsimulang umindayog sa saliw ng senswal na musika. Bawat galaw ay kontrolado at kalkulado.
Kapwa nakahawak ang mga kamay sa pole, nakatingala at humaplos ang isag palad mula sa leeg, pababa sa dibdib habang senswal na gumigewang ang mga balakang, at ang paningin ay natuon sa mismong lounge kung saan naroon ang mga target. Hindi nila nakikita ang mga tao sa loob, ngunit sa mga sandaling ito, alam niyang sa kanila ito ni Gila nakatitig. Ramdam na ramdam niya iyon.
Hindi sinadyang natapunan niya ng paningin si Craig. She saw his adam’s apple bob down and up. Nasinagan ito panandalian ng liwanag ng maharot na ilaw. Ang kanilang mga paningin ay panandalian na nagtama.
Sapat na ang panandalian na pagtama ng mga paningin na iyon upang bumilis ang ritmo ng pagtibok ng puso niya. Damn him! He made her heart feel uneasy again. Her heartbeat became unstable. Ano bang meron ang hinayupak at naaapektuhan siya sa pagtitig nito.
Umikot ang liwanag kasabay ng pag-ikot niya sa pole. Sa muling pagharap niya ay muling natamaan ng liwanag ang mukha ni Craig. Ngayon ay sa labi siya nito nakatingin. Sa labi na kanina lang ay umangkin sa labi niya.
Naipikit niya ang mga mata. It’s been year now since thier bet. A bet of seducing Alfred. Alam niya sa sarili niya na talo na siya. Ngunit heto, at pilit na nagkukunwari at ayaw tanggapin sa sarili na makukuha ni Craig ang gusto nito sa kanya.
‘Let’s continue the game, Craig. I will make you beg. Hindi pa tayo tapos. Matatalo man ako sa laro natin ngayon, pero sisiguraduhin ko na magmamakaawa ka pa rin sa akin at luluhod sa paanan ko. Hindi man ngayon, pero sisiguraduhin ko na darating ang panahon na iyon.’
Ilang sandali lamang ay dalawang lalaki ang lumapit sa kanila ni Gila. Natigil sila sa pagsasayaw. Heto na ang hinihintay na pagkakataon. She turn on her earpiece.
“How much for the night? Our boss are willing to pay you a huge amount…” bulong ng lalaki sa punong tenga niya.
“Hundred thousand bucks for the night, handsome…are your boss willing to pay for that amount? If yes, he can have all of me tonight…” she seductively answered, while her for finger traced the man chest.
“Damn, Hawk…you nailed it!” Komento ni Black na ngayon ay nakamasid.
“Good. Come with me!”
Agad na hinila siya ng lalaki paalis sa dance floor at giniya tungo sa private VIP lounge. Ngunit hinila niya ang kamay. Napalingon sa kanya ang lalaki.
“No need to hold my hand, handsome. Let go of me first because i need to go the restroom.” sabi niya habang nanatiling nakapagkit sa labi ang ngiti.
“Make it faster. Boss don’t want to wait long. He is impatient.”
“Of course.”
Agad na tumalima siya. Mabilis ang hakbang na tinungo niya ang restroom. Pagdating sa loob ng restroom ay agad na binuksan niya ang cubicle kung saan niya isinuksok ang isang night vision camera. Isinuksok niya iyon sa ilalim ng toilet bowl. Isa iyong clip na mayroong maliit na lense camera na nakakabit. Clinip niya iyon sa kanan na bahagi ng buhok saka muling lumabas ng cubicle.
Paglabas niya ng cubicle ay isang malakas na pwersa ang humila sa kanya. Tumama ang likuran niya sa mismong pader ng toilet cubicle. Inangat niya ang paningin at sinino ang lapastangan na humablot sa kanya.
To her surprise, it was Craig.
“What the hell are you doing, Pheonix? Nasa gitna tayo ng mission. Nasisiraan ka na ba?”
Craig face darkened. Ang mga panga nito ay umigting. “Don’t let that bastard kiss you, Michelle, hanggat hindi natapos ang pustahan natin, walang ibang hahalik sa’yo kundi ako lang.”
Marahas na tinulak niya ito. Napaatras si Craig at napasandal sa pader. “Masyado kang demanding. Hindi pa tapos ang pustahan natin pero nanggagalaiti ka na,” she pressed Craig on the wall. Pinaraanan niya ng hintuturo ang labi nito at pagkatapos ay bigla niyang hinalikan ng mariin.
Craig was stunned. Hindi ito nakagalaw. She then took the chance. She stepped backward and smirked. “Ang tapang mong magsalita Mr. Quijano. Kulang ka naman sa gawa. Halik pa lang natutuod ka na.”