Chapter 25: The Earth and Fire

1511 Words
Oceane POV Katulad ng gabi gabi kong ginagawa, tumakas ulit ako sa Academy makalipas ang hating gabi para mag ensayo. At ang nakakainis, walang nangyayari sa ginagawa ko. Hindi sumusunod ang aura ko sa akin. MInsan nga nauubusan na ako ng lakas dahil sa sobra sobrang paglalabas ko ng aura ko. "Ugh! Nakakainis!" sabi ko Nagawa kong maglabas ng apoy sa aking mga palad, pero hindi iyon ang kailangan ko. Walang maitutulong ang apoy sa akin, ang kailangan kong pag aralan ay ang aura ko, kung paano ko mapapalakas ang aking pakiramdam sa mga aura sa paligid, kung paano ko malalaman kung sino sino ang may ari ng aura, kung mabuti ba ito o masama dahil alam ko, ito ang kahinaan ko. Ang pagiging komportable ko sa mga taong nakaksalamuha ko ang siyang magpapahamak sa akin at siyang gagamitin ni Brean para hindi ipagkatiwala sa akin ang kapangyarihan niya. Sa pagkainis ko, naupo ako sa damuhan, pabagsak dahil nagdadabog ako. Sunod sunod na suntok sa damuhan ang ginawa ko maalis lang ang pagkabadtrip ko. "Oh mainit na naman ang ulo mo." Napalingon ako sa nagsalita. Ang lalaking wala yatang ginawa sa buhay niya kundi ang panoorin ako habang nagpapractice. Tumayo ako at hinarap siya. "What are you doing here, again?" I stretched the word again. Ngumiti ang lalaki na palagi niyang ginagawa pag kausap ako. "As what I always do." Tumaas na naman ang isa kong kilay. "Ikaw ba, walang magawa?" "Bakit ka highblood, pinapanood ko lang naman ang ginagawa mo." Sabi nito "Yun na nga eh, pinapanood mo ako, kaya na di- distract ako sa pag aaral ko." "As far as I know, hindi mo alam na pinapanood kita, unless na magpakita ako sayo." Sabi nito Natahimik ako. Totoo naman ang sinasabi niya, may times na hindi siya nagpapakita sa akin na buong akala ko ay hindi siya tumatambay buong magdamag para panoorin ako. "Simula nun una tayong nagkita dito, palagi akong nanonood sayo, mula sa pagtakas mo sa Academy hanggang sa pag uwi mo. Hindi mo ba ako nararamdaman?" tanong nito Huminga ako ng malalim, napasimangot. Naupo ako sa damuhan. Napahiya ako, nagsusungit ako sa lalaking ito, pero kung tutuusin, mahina naman ako. Hindi ko nga alam na gabi gabi pala niya ako pinapanood. "I'm hopeless. Halos ilang gabi ko na rin ginagawa ito, but still walang nangyayari." Sabi ko Naupo ang lalaki sa harapan, ginaya niya ang pagkakaupo ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin na ako naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. "Alam mo makaktulong ako, just say it, you need my help." "Ano naman maitutulong mo?" "Marami ofcourse. Hindi naman ako baguhan." Tinitigan ko siya na para bang sinusuri ko, pero ang totoo, naiinis ako sa sarili ko. Palagi siyang nag o-offer ng tulong pero palagi ko naman tinatangihan. "Hindi ako masama, if may masama akong plano or gustong gawin sa'yo sana nun unang beses pa lang kita nakita, ginawa ko na." Mukhang okay naman siya, mabait naman. Hindi lang talaga siguro ako handa magtiwala sa mga taong hindi ko pa lubos na kilala. Lalo pa ngayon na gusto akong patayin ni Baragor, at may nakaambang pagsubok mula kay Brean. "Sino ka ba talaga? Bakit palagi mo ako pinapanood? Bakit palagi ka nag o-offer ng tulong kahit pa ilang beses na kitang tinanggihan?" "Masyado kang curious sa akin, ang dami mong tanong." Sabi nito "Dahil ayoko na magtiwala sa mga taong hindi ko kilala. Nasa bangin ng kamatayan ang isa kong paa, kaya maling kilos ko lang mamamatay ako." "Alam ko. Anyway, sasagutin ko ang tanong mo. Pero kailangan ko muna ang hiling mo, bago ako magpakilala sa'yo." "Wow, ano ito exchange gift?" Natawa lang siya sa sinabi ko. "Just say you need my help, makikilala mo na ako." "Pag hindi ko sinabi, hindi ka magpapakilala? Hindi mo itutuloy ang tulong na sinasabi mo?" "Ganun na nga. " "Anong assurance ko na hindi ka kakampi ng Dark Lord? At hindi mo ako ipapahamak?" "You can take my life if you want." Natahimik na naman ako. Grabe naman siya, anong akala niya sa akin, mamamatay tao talaga? "Hindi ko kayang pumatay.." Nagsmirked ang lalaki. "So, sasabihin mo na ba na kailangan mo ang tulong ko?" Huminga ako ng malalim. "Okay fine. Kailangan ko ang tulong mo..." "Dhara, that's my name." "Kailangan ko ang tulong mo, Dhara. Will you help me? Please?" Ngumiti ang lalaki. Wala naman nagbago katulad ng ineexpect ko, gaya ng pagliliwanag niya or ng background, para bang sa mga fairy tale na nababasa ko. Walang ganun. "So??? Ano na?" kunot noo kong naman na tanong sa kanya Ipinakita niya sa akin ang kamay niya, ibinuka ang kanyang palad at mula doon, may parang isla na lumitaw, may mga puno. Mayamaya pa ay naghugis bilog ito, parang mundo. "Ano iyan?" wala sa loob kong tanong Napatingin siya sa akin na para bang nagtataka o nagulat, basta hindi ko maipaliwanag. Isinara niya ang palad niya saka ginulo ang buhok ko. Nagulat ako sa ginawa niya. "Napaka inosente mo talaga." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko ma-gets ang gusto niya. Pinaglalaruan yata ako ng lalaking ito. "Hay naku, bakit ba ako nagpapa uto sa'yo." Sabi ko sabay palo sa noo ko gamit ang palad ko. "Sigurado akong papahirapan ka ni Brean." Seryoso niyang sabi "Bakit kilala mo si Brean? Sabagay sa itsura at porma pa lang niya maangas na. Kahit sino makikilala siya." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Oo naman. Siya ang pinaka mainitin ang ulo, mapangahas at mayabang sa aming apat. Kaya alam ko na pahihirapan ka niya, that's why nag o- offer ako sa'yo ng tulong but hindi niya kailangan malaman." "W-what? Hindi ko maintindihan? Anong kayong apat? Bakit kailangan na hindi niya malaman?" "Ako si Dhara, Spirit Guardian of Earth. Kapatid ko si Brean, siya ang Spirit Guardian of Fire, may dalawa pa kaming kapatid na Spirit Guardian of Wind and Water. Well, hindi mo pa sila nakikilala, baka one of these days magpakilala rin sa'yo after ng pagtanggap ni Brean sa'yo. Siya kasi ang panganay sa amin, kahit ganun ang ugali niya, we still consider his opinion and decision sometimes." "W-what? Isa kang..." nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Tiningnan ko pa nga siya mula ulo hanggang paa. "Yes, as what you've heard. At para hindi ka magkaroon ng problema, wag na wag mong ipapaalam kay Brean na tutulungan kita. Ayaw niya ng pinapakialam ang plano niya." Nakatingin lang ako sa kanya. Kaya pala may something sa mata niya na hindi ko maipaliwanag, yun pala isa rin siyang Guardian katulad ni Brean. At nag aaral din siya sa Academy. "Safe ka habang nag aaral ka dito dahil palagi kita pinapanood. Atleast walang iistorbo sa'yo, well maliban sa akin. Hindi ka makikita ng kahit sino dito basta nasa loob ka ng kapangyarihan ko, maging si Brean hindi ka makikita." Kaya pala pag hinahanap ako ni Castor hindi niya ako makita. Nakatago ako sa kapangyarihan ng Spirit Guardian para sa kaligtasan ko habang nag aaral ako. Ang buong akala ko ay adik lang ang lalaking ito, yun pala malaki ang utang na loob ko sa kanya. "So, may katanungan ka pa ba?" "Hrmm, uhm, b-bakit hindi ka nagpakilala sa akin kaagad?" "Hindi mo pa naman kasi ako kailangan." "What do you mean hindi pa kita kailangan? Alam mo ba ang prophecy?" tanong ko "Oo, bago pa malaman ng mga wizard ang tungkol dyan, alam na namin apat 'yan." "T-talaga? P-paano?" "Teka nga, tuturuan ba kita o i- interview-hin mo lang ako?" tanong niya "Tuturuan syempre. Kaya lang kasi, nagtataka ako, curious kumbaga." "Sige dalawa pang tanong, after nun tama na, kailangan mo na matuto, limited lang ang time mo dahil sigurado ako, aatake si Brean sa oras na hindi mo inaasahan." Napalunok ako. Para bang tinatakot ako lalo nitong si Dhara. "So, ano yung question?" tanong niya "K-kung alam nyo na ang tungkol sa prophecy, alam nyo na rin ba na ako ang tinutukoy?" "Yeah, may mga signs kami na kami lang apat ang nakakakita at nakakaalam. Though hindi naman talaga namin kilala kung sino, personally ang taong nasa propesiya, pag nakita namin siya or na meet accidentally, alam na namin kaagad." "Kung ganoon, bakit ngayon lang kayo nagpakilala? Bakit ngayon nyo lang ako tutulungan? I mean ang haba ng panahon diba? Kung di pa nagpakilala si Brean, hindi ko malalaman ang tungkol sa inyo. Ang buong akala ko, ang kapangyarihan na nagagamit ko ay kapangyarihan nyo na, hindi pa pala. Sabi nga ni Brean, karimpot na kapangyarihan lang ang ipinahiram nyo sa akin, para lang maipagtanggol ang sarili ko." "Ngayon lang dahil, ngayon ka pa lang naging handa." Napatingin ako sa kanya. "What do you mean ngayon lang ako naging handa?" "Dahil sa nangyari sa'yo, ang buong akala mo ay nag iisa ka lang. Ang alam mo, wala kang pamilya at ordinaryong tao ka lang na nabubuhay sa kabilang mundo, sa mundo ng mga normal na tao. Tatanungin kita, sa mga naranasan mo at napagdaanan mo, kung magpapakilala ako sa'yo maniniwala ka kaya? Matatanggap mo kaya ang lahat?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD