Chapter 14: Knight Mark (2)

1150 Words
Castor POV Nagulat ako ng ipatawag ako ni Old Elf sa kanyang silid ng gabing iyon. Pagpasok ko sa silid, wala doon ang matandang Elf, maayos ang silid at malinis. Para sa isang matandang katulad niya, napakaayos ng kanyang mga gamit, lahat naka organized. Lumingon lingon ako sa kabuoan ng silid. "Nagustuhan moa ng aking silid, hijo." Nakaupo sa terrace ang matanda, hindi ko man lang napansin ang kanyang presensya o ang kanyang aura. "Gusto nyo daw ako makausap, Old Elf." Sabi ko Tumayo ang matanda sa kanyang upuan saka pumasok sa kanyang silid. "Hindi makakabuti kung dito tayo mag uusap." Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta, basta lumabas kami ng bahay at naglakad sa may kakahuyan. Nakasunod lang ako sa kanya, hindi kami nag uusap. Sa isang matanda at malaking puno ng Deveria kami tumigil, may mga baging itong nakalaylay na para bang desenyo sa puno. May mga munting ilaw din dito dahil sa mga alitaptap at mga tree fairy. Itinaas ni Old Elf ang kanyang tungkod, may kung ano akong naramdaman na enerhiya mula sa ilalim ng lupa, ilang sandali pa ay may mapapansin na butas sa puno, Malaki ito at kasya kaming dalawa. "Sumunod ka." Sabi niya Sumunod naman ako habang patingin tingin sa paligid. Kusang bumukas ang mga lampara na naroon pag pasok naming. Makipot ang daan sa loob dahil isang tao lang ang kasya doon. Magkasunod kaming pumasok, mahaba haba rin ang nilakad naming. Palagay ko, asa dulo na kami ng gubat kung sa labas kami naglakad. Isang animo'y kurtina ang nakita ko. May mga ajouga na naroroon, mga sampu sila at abala sa kung anong ginagawa. "Nagtitipla sila ng potions." Sabi ni Old Elf "Para saan?" tanong ko naman "Sa tingin ko dapat ang tanong mo ay para kanino." Nang malapitan naming ang mga ajouga na para bang hindi kami napansin dahil tuloy tuloy ang kanilang ginagawa, may shield spell akong napansin. Anong pinoprotektahan nito? Muli, itinaas ni Old Elf ang kanyang tungkod saka itinaktak sa lupa. Ang blurred na shield kanina ay unti unting nagging transparent, makikita na ang asa kabilang bahagi ng shield. May mga higaan doon, marami, siguro higit sa limangpu ang naroon, may mga nakahiga at may mga nakabantay ulit na ajouga. "Sino sila?" tanong ko Hindi sumagot si Old Elf, dahan dahan akong lumapit sa shield, naramdaman ko nga ang shield sa aking kamay. Nanlaki ang aking mata ng makilala ang dalawa sa mga nakahiga sa kama. Mama... Papa.. Pilit kong sinusuntok ang shield ngunit masyado itong matibay. "Bakit sila nandito? Anong ginawa mo sa kanila?" "Ginagamot sila ng mga kaibigan nating ajouga." Bumalik ulit ako sa mga nakahiga sa kama. "Mama.. Papa.." sigaw ko Hindi naman ako pinigilan ni Old Elf. Kahit ilang sigaw, suntok ang ginawa ko. Tumigil lang ako ng marealized ko na wala naming nangyayari sa aking ginagawa. "Natatandaan mo pa ba ang nangyari bago ka nagging kalahating bampira?" Sa salitang iyon ni Old Elf nag flashback sa akin ang lahat. Ang sunog, apoy, usok, sigawan, tawanan, pagmamakaawa lahat lahat. Napaluhod ako, hindi dahil sa naalala ko ang masakit at isinusumpa kong alaala sa buhay ko, kundi dahil naramdaman ko na naman ang sakit sa loob ng aking katawan, ang init sa aking mga ugat. "Nang atakihin ng mga Dark Wizards ang inyong bayan, pinatay niya ang lahat ng naninirahan doon, lahat ng buhay na makikita nila. Ang buong akala ng mga Dark Wizards ay wala ng natira sa lahi ng mga Silverwood, hindi nila alam ang ginawa ko kasama ang mga elf. Agad namin na pinuntahan ang bayan mo, naghanap ng mga maaring buhay pa, at sila nga ang aming nailigtas." "B-buhay pa sila?" tanong ko Ngumiti si Old Elf. "Oo, buhay na buhay sila, mahina lamang ang kanilang katawan dahil sa mga spell na natamo nila ngunit oo buhay sila." "M-may magulang pa ako... hindi ako nag iisa. May magulang pa ako." Paulit ulit kong sinasabi "Hijo, ngayon alam mo na ang aking lihim, siguro naman ay maari mong sabihin sa akin ang iyo." Napatingin ako kay Old Elf. "Alam ko na bumalik ang iyong dinaramdam, at hindi na ito nagagawa pang pigilan ng itinuro ko sayo." "P-paano nyo nalaman?" Hindi ako sinagot ni Old Elf, imbes ay naupo kami sa harapan ng shield kung saan kita namin ang mga magulang ko. "Ipapaliwanag ko sayo ang lahat, nalaman ko na ang nangyayari sa katawan mo at maipapaliwanag ko na sa iyo ito ayon sa aking konklusyon." Kumunot ang aking noo, ngunit handa akong makinig. "Kaya tayo nagsimula sa pagpapakilala sa mga nailigtas na kamag anak mo ay dahil doon tayo mag uumpisa sa nangyayari sa'yo. Wala ka sa bayan ninyo noong panahon na sumugod ang mga Dark Wizards, kung tama ako." "Pauwi na ako galing sa aking kaibigan noon." Sabi ko "At hindi inaasahan ng isang Dark Wizard na makikita ka niya.." sabi ni Old Elf "Malayo layo pa lang ako sa aming bayan, nakita ko na ang mga usok at naririnig ko na ang ingay, mabilis akong tumakbo papalapit sa bayan namin, nang makita ko ang mga Dark Wizards na nagkalat sa kabuoan ng bayan, nagtago ako, kitang kita ko kung paano nila pinaslang ang aming lahi ng walang awa." Naramdaman ko na naman ang kirot sa loob ng aking katawan. Ikinuyom ko ang aking dalawang kamao na nakapatong sa aking tuhod. "Dahil sa takot ko ng mga sandaling iyon, nab aka patayin din nila ako, tumakbo ako pabalik sa gubat. Hindi ko alam na nakita ako ng isa sa kanila, hinabol niya ako at pinaglaruan, nang magsawa ay tinangka rin niya akong patayin gamit ang kanyang wand. Ngunit nagbago ang kanyang isip ng itutok niya ang wand sa akin, inilabas niya ang kanyang pangil saka mabilis akong inatake. Ang buong akala ko ay kamatayan ko na rin ng mga oras na iyon. Ang aking leeg ay nagsimulang kumirot pagkatapos ay unti unting namanhid ang aking katawan, naramdaman ko rin ang pagkapos ng aking hininga. Hindi ko inaasahan na may makakatulong pa sa akin." "Magaling na wizard si Nazar, hindi mapagkakailang anak siya ng Dark Lord. Kahit pa sa dulo ka na ng kamatayan ay nagawa ka niyang iligtas gamit ang kanyang dugo." "Isinalin ni Nazar ang kanyang dugo sa akin, para lamang mabuhay ako. Ngunit kapalit noon ay ang..." "Pagiging kalahating tao at bampira mo, hijo. Hindi kayang alisin ni Nazar ang lason sa laway ng bampira sa dugo mo kaya kailangan niyang gawin ang pagsasalin ng dugo. At hindi alam ni Nazar na dahil sa ginawa niya sayo, may tadhana siyang naisakatuparan." Napatingin ako kay Old Elf, anong tadhana? Ang Inifinity baa ng sinasabi niya? "Makikita mo ang sinasabi ko sa dibdib mo." Kahit nag aalangan hinubad ko ang aking suot na damit, mula sa reflection ko sa shield napansin ko ang itim na marka sa aking dibdib. Ano ito? "Iyan ang marka ng legendary Knight of Darkness."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD