Backtrack Book 3: The Beginning

256 Words
Muling isinilang ang Wolf Master sa pamamagitan ng mag asawang Seda at Zaq. Para mailigtas si Seda sa pagkamatay kailangan nilang makuha ang Elders Forbidden Scroll ngunit kahit nagawa nilang makuha ang scroll, namatay pa rin ang mag asawa dahil sa Dark Wizard. Isang bilog na liwanag ang lumabas mula sa tiyan ni Seda at sa loob nito ang sanggol na kanyang dinala. Dahil na rin sa panganib na kakaharapin ng Wolf Master sa kamay ng Infinity, kinakailangan maghiwalay sila nito. Nanirahan ang Infinity sa bahay ni Zaiden Alfiro habang ang Wolf Master naman ay sa bahay nila Nazar at Miranda. Si Zaiden Alfiro ang tumayong protector ng Infinity at si Castor Craven Silverwood naman ay ang tumayong protector ng Wolf Guardian. Dahil sa paglabas ng itim na aura ng Infinity sa katawan nito, kinakailangan niyang pag aralan na pigilan ang kanyang emosyon. Sa sobrang lakas ng kanyang aura, marami ang maaring mapahamak. Malugod naman siyang tinulungan nina Tanyl at Alaister na isa palang Spirit Guardian. Habang papalapit ang Eve of Fullmoon nararamdaman na rin ni Castor ang matinding sakit ng kanyang katawan. Napapansin na rin ang paglabas ng itim na aura mula sa kanyang katawan. Nalaman ni Castor na siya pala ang naitakdang Knight of Darkness ang kanang kamay ng Dark Sorcerer. At sila ang nakatakdang maging magkatuwang ng Infinity para maisakatuparan ang naunsyaming pag iibigan. Ngunit sa nalaman nila, hindi nagging madali sa kanila ang lahat. At sa huli ito ang naging dahilan ng kanilang kamatayan. Ngunit tapos na ng aba ang tadhana nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD