Chapter 15: Rise of Darkness (2)

1403 Words
Zaiden's POV Narating namin ang tabi ng lawa, hindi siya nagsasalita, ako naman ay tahimik din na nakatingin lang sa kanya. Isang sanga ng kahoy ang maari namin upuan sa buhanginan kaya naman doon ko siya niyayang umupo. "M-may masakit ba sayo? N-saktan ka ba?" tanong ko "Bakit ka nandito? Ano pa bang kailangan mo?" Naramdaman ko ang inis sa tinig ni Oceane. Naiinis siya dahil nandito ako, pero bakit? "Gusto kong mag usap tayo." Sabi ko naman "Ano pa bang pag uusapan natin?" tanong ni Oceane "About us, Oceane.." "Us? Hindi ba't tinapos ko na ang US na sinasabi mo?" Sa bawat salitang inilalabas ng bibig niya, hindi siya nakatingin sa akin. "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." Sabi ko Napatingin si Oceane sa akin, seryoso at walang ibang makikitang expression sa mukha nito. "Ako, hindi madali para sa akin na tanggapin ang sinasabi mo, ang mabilis mong pagbitaw.." "Ikaw ang unang bumitaw, Zaiden. Ikaw." "Hindi ako bumitaw, hindi ako nang iwan. Ginamit lang ako ni Dad, ilang beses ko ba sasabihin iyon sayo?" Hindi siya nagsalita, parang ayaw niya patulan ang mga sinasabi ko. Huminga ako ng malalim. "I love you more than anything, Oceane. Kaya hindi ako naniniwala na ganoon mo lang kadali sasabihin sa akin na tapos na tayo. Hanggang ngayon ipinaglalaban kita kay Dad, kahit araw araw kami mag talo ayos lang, dahil para naman sa atin iyon." "So isinusumbat mo yan sa akin?" "No! Ofcourse not, bakit ba ganyan ka mag isip? Sinasabi ko na lang sayo na hindi ako susuko, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sayo.." "Kahit pa.... ako na ang umayaw? Kahit ako na ang nag desisyon na ayoko na?" "Ano bang problema talaga? Hindi ko maintindihan, ganyan ba kalaki ang galit mo sa akin? Nagpaliwanag na ako sayo, si Dad ang dahilan ng lahat." Sabi ko "Kahit ipaliwanag ko sayo hindi mo maiintindihan dahil sarado na yang isip mo." "What?! Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Makitid ang utak? Merlin's sake." "Hindi." Napatingin ako kay Oceane. "Then why?" "Ikaw ang tatanungin ko Zaiden.." Tumitig siya sa akin, titig na kakaiba, titig na may ibig sabihin. "Alam mo ang totoo Zaiden, ayaw sa akin ng family mo, ng Daddy mo, bakit pa natin ipipilit?" "Hindi naman si Dad ang papakisamahan mo, ako, ako ang makakasama mo, ang magiging kaibigan, kapatid at boyfriend mo, hindi si Kuya hindi si Dad." Bahagya siyang ngumiti. "Paan kung ayaw sa atin ng mundo, ayaw niyang magkatuluyan tayo?" "What? Anong klaseng tanong yan?" "Alam kong alam moa ng tinutukoy ko Zaiden, wag na natin ituloy alam naman natin pareho na hindi tama at hindi pwede." "Oceane.." "Next week pasukan na, magkikita tayo sa Academy sa ayaw at gusto natin, magkatabi ang room natin sa dorm, magkaklase tayo sa iisang section. Mahihirapan tayo mag adjust pero we need to, Zaiden. Kailangan." "Hindi kita maintindihan Oceane." "Isa pa, yun babaeng kasama mo sa Academy last day, bagay kayo. Sayang kungpakakawalan mo pa siya." Tumayo si Oceane saka nagsimulang maglakad. Ako naman ay tumakbo saka niyakap siya sa kanyang likuran. "I love you, I love you.. ayoko na magkahiwalay tayo." Bulong ko. "Si Gaeia, she's just a friend, wala kang dapat ipagselos sa kanya." "Magsimula na lang tayo ulit Zaiden. Maging magkaibigan na lang ulit tayo." "No! Ayoko! Ayoko! Wag mo gawin ito." "Para sa'yo ang gagawin ko, Zaiden. Ganito kita kamahal.." Pilit na inalis ni Oceane ang mga braso kong nakayakap sa kanya pagkatapos ay humarap siya sa akin. Hinawakan ang dalawang pisngi. "Masaya ako na ikaw ang unang lalaking nagturo sa akin kung paano magmahal.." Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako sa labi, sandali lang. Gusto ko sana siyang yakapin ngunit may kung anong pumipigil sa aking katawan. Malayo layo na siya ng mapansin ko ang aura niya, pinipigilan ng aura niya ang katawan ko. Castor POV Tumalon ako mula puno para lapitan si Oceane, ni hindi man lang siya nagulat ng bigla akong sumulpot sa kanyang harapan. Napahinto siya sa paglalakad. "Wala ka man lang reaction, kahit pekeng nagulat?" biro ko "Are you okay? Anong nangyari sayo?" "Ako yata ang dapat magtanong sayo nyan. Are you okay?" "Oo naman, heart broken lang ako. Gusto kong malaman kung ano nangyari sayo." Hinawakan ko si Oceane saka ako tumalon ng mataas, umakyat sa mga sanga ng puno, tumalon talon hanggang sa marating namin ang tambayan ko. "Talaga? Anong sabi ni lolo "Ako ang Knight of Darkness.." sabi ko "Knight? Sino ba siya? I mean anong maitutulong niya sa atin?" tanong niya "Anong maitutulong niya sa Infinity? At ano ang papel niya sa Infinity.." sabi ko "So, ano nga?" "They were destined to be partner and to be lovers." Sabi ko naman Hindi nakakibo si Oceane, alam niya ang tinutukoy ko, siya ang Infinity at kung ako ang Knight, kami ang nakatadhana sa isa't isa. "Kung ayaw mo naman, pwede naman natin hindi sundin ang tadhana natin." Sabi ko Napatingin siya sa akin. Hindi nagsalita, ako naman ang nailing at napaisip sa sinabi ko. "What I mean is, may dark side pareho ang Infinity at ang Knight, p-pwede natin na.. na piliin na hind imaging masama." Sabi ko Kumunot ang nook o ng hawakan niya an g aking mukha pagkatapos ay bigla niya akong hinalikan. Noong una akala ko ay hinahalikan talaga niya ako, yun tulad ng gusto ko pero nararamdaman ko na parang may kakaiba. May isinasalin siya sa akin na hindi ko maintindihan. Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay at inilayo ng bahagya sa akin. "Oceane anong ginagawa mo?" tanong ko Imbes na sumagot ay ngumiti ito, napansin ko rin ang pag iiba ng kulay ng kanyang mata. Binitiwan ko siya saka mabilis na lumayo sa kanya. Tumalon ako mula aking tambayan pababa sa lupa. Tumingin pa ako sa itaas paglapat ng paa ko sa mga d**o. Ano iyon? Anong nangyayari sa kanya? Nanlaki rin ang mata ko ng makita siyang tumalon mula sa tambayan ko sa itaas ng puno pababa kung saan ako nakatayo. Magkalayo kaming dalawa ng ilang metro pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Tumalon siya mula sa sobrang taas na puno ng hindi man lang nasugatan o nabalian ng buto. "Anong nangyayari sayo, Oceane?" tanong ko ulit Itinaas niya ang kanyang kamay at nakatapat ito sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib, may kung anong gustong kumawala sa loob ng aking katawan. Bahagya akong napaluhod at muling tumingin sa kanya. "Kerate inaversa, Knight of Darkness!" Kumunot ang aking noo. Kakaibang lengwahe ang kanyang sinabi. Tumilapon ako sa ere ng biglang lumakas ang itim na aura na kanina ay parang naglalaro lang sa kanyang katawan. Humampas ako sa tatlong puno na sabay sabay na bumagsak sa aking harapan. "Aah!" bahagyang ungol ko Napatingin ako sa aking dibdib, parang inuukit ang aking balat habang lumiliwanag ang naka marka doon. Napaluhod na naman ako ng maramdaman ko ang malakas na t***k ng aking puso, kakaibang t***k. Napahawak ako muli sa aking dibdib. "Kerate inaversa, Knight of Darkness!" Parang mula sa malalim na bangin ang kanyang tinig gamit na naman ang kakaibang lengwahe. Pag nagpatuloy ito, baka hindi ko na makontrol ang aking sarili... Nazar's POV Nagkatinginan kami ni Miranda. Kakaibang aura mula sa malayo an gaming naramdaman. "Nazar.." bulong ni Miranda Napalingon ako sa paligid, kanina pa may sumusunod sa amin ngunit hindi iyon galing doon, hindi kasi pamilyar ang aura at mukhang malakas ito, nakakatakot. "Wag kang mag alala Miranda, hindi iyan sa Dark Lord." Sabi ko "Pero Nazar, iba ang nararamdaman ko, parang may mangyayaring di maganda." Bulong muli ni Miranda Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa braso ni Miranda saka mabilis na umalis, naiwan si Miranda sa kakahuyan ng mag isa. Mula sa aking pinagtataguan, kitang kita ko ang pagsulpot ng isang hooded figure sa harapan ni Miranda, hindi iyon inaasahan ni Miranda. Malaks na sampal ang inabot niya sa hood figure na iyon na siyang nagpatumba sa kanya. Itinaas ni Miranda ang kanyang wand saka itinutok sa hooded figure. "Encantre" Kakaibang liwanag ang lumabas mula sa dulo ng wand ni Miranda, ngunit mabilis naman nailagan ng hooded figure ang atake ni Miranda. Itinaas ng hooded figure ang wand niya saka iwinasiwas sa hangin. Lumipad sa ere si Miranda, nagpagulong gulong ito pagbagsak niya. AKo naman ay tumalon mula sa itaas ng mataas na bato at hinarap ang hooded figure. "Alam kong hindi mo matitiis ang babaeng iyan." Sabi ng hooded figure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD