Chapter 10: Heartbreak (2)

984 Words
Gaeia POV Pagdating ko sa bahay agad akong dumiretso sa silid kung saan ako pansamantalang natutulog. Hindi masama ang loob ko kay Zaiden, dahil pinagdududahan niya kami ni Uncle Val kundi dahil sa harap harapan niyang pagpapakita ng pagkainis dahil sa pagpasok ko sa Academy. Tok Tok Tok "Pasok." Sabi ko naman Bahagyang bumukas ang pintuan, iniluwa nito si Seven. Bahagya akong ngumiti ng makita siya. "May kailangan ka Seven?" "Miss ang hapunan po ay handa na, hinihintay na po kayo ni Master Valkoor at Young Master Zaiden." "Ganoon ba? Sige sabay na tayo bumaba Seven." Pagdating namin sa dining room, naroon na si Uncle Val at si Zaiden. Mukhang di nag uusap ang mag ama. Agad akong naupo sa kaliwang bahagi ng lamesa kung saan ko katapat si Zaiden. Inasikaso naman kami ni Seven, inihanda ang pagkain sa aming mga plato. "Kamusta naman ang pag eenrol mo hija?" tanong ni Uncle Val "Okay naman po Uncle, mukhang okay po ang Academy at walang pinag iba sa dati kong school. Mukha rin pong mabait si Principal Alyora." Sabi ko naman "Yeah mabait siya but, she's strict." Natatawang sabi pa ni Uncle "Kahapon ba ipinasyal ka ni Zaiden?" tanong ulit ni Uncle Hindi ako nakasagot agad. Mabuti na lang dumating si Kuya Justin na mukhang nakabihis na rin. Sasabay siguro kay uncle papasok sa trabaho. "Good Morning, bakit mga seryoso kayo?" tanong nito Naupo ito sa tabi ni Zaiden. Tumingin ito sa akin saka ako ngumiti ng bahagya. Wala naman sumagot sa tanong niya. "Zaiden, sumama ka sa akin mamaya may pupuntahan tayo." Napatingin si Zaiden sa kapatid niya. "Kung di naman mahalaga yan, busy ako ngayon Kuya." Sabi naman ni Zaiden "Busy? Pero bakasyon ngayon. Anyway, sure ako na magugustuhan moa ng pupuntahan mo." Sabi ni Kuya Justin. Pagkatapos ay bigla itong bumulong kay Zaiden. Napatingin naman si Zaiden sa kanya. Ano kayang pinag uusapan nila? Zaiden POV Nakaupo lang ako sa kama ko habang pinag iisipan ang sinabi ni Kuya kanina habang kumakain kami. You will see her there Maganda na rin siguro kung sumama ako kay Kuya, baka nga nandun siya at magkaroon kami ng pagkakataon mag usap. "Are you ready?" tanong ni Kuya na bahagyang sumilip sa pintuan "Are you sure na nandun siya ngayon?" "Oo naman. Hindi niya kasama ang bampirang iyon kaya makakapag usap kayong dalawa." Sabi pa ni Kuya "Sige Kuya sasama ako." "That's great. Danan na lang kíta." Gaeia POV "There is something off between you and Zaiden. I know it.." sabi ni Uncle Val Pinuntahan niya ako sa silid. Pagkatapos kasi naming kumain, umakyat ako kaagad sa guestroom para doon tumambay. "Hindi ko alam kung naniwala siya Uncle kasi aloof siya sa akin ngayon." Sabi ko naman Naupo si Uncle sa sofa sa tapat ng aking kama. Nag cross leg ito at tumitig sa akin. "I know my son, siguradong naniwala siya sayo pero hindi siya kumbinsido." Sabi ni Uncle Val Tumayo ito at naglakad papalapit sa may bintana. Hinawi pa niya ang kurtina at inayos ang mga ito. "Pangatawanan mo na ang sinabi mo. Kailangan makuha mo ang tiwala niya. Ayokong makakita o makaramdam siya ng kahit konting hinala sa ating plano." "Paano kung hindi pala siya naniwala sa sinabi ko Uncle?" Ngumiti siya nun humarap siya sa akin. "Just continue our plan... ako na ang bahala sa lahat hija. Tumahimik ako at hindi na nagsalita pa. Zaiden POV Hindi ako mapakali ng gabing iyon. Affected ako sap ag iwas ni Gaeia sa akin, dahil ba kaibigan ko siya o dahil may nagawa talaga akong mali? "Hay!" "Wow! Ang lalim nun.." Napalingon ako sa nagsalita. Si Althea, nakaupo sa ibabaw ng aking mga libro habang nakatingin sa akin. Nakasalo pa sa kanyang dalawang pisngi ang kanyang mga kamay na para bang nalulungkot din. "Altheia!" sabi ko naman Lumipad papalapit sa akin ang maliit kong kaibigan. "Bakit ganyan ka maka pag HAYYYY!!!! Parang malalim pa sa bangin ang pinagmulan nun." Tanong ni ALtheia "Wala, may iniisip lang ako." Sabi ko naman Tumahimik si Altheia at lumipad lipad lang sa paligid. Agad kong napansin na parang may kung ano sa kanyang pakpak. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at walang sabi sabing hinuli siya ng aking dalawang kamay. "Zaiden..." bigla niyang tanong Dahan dahan kong ibinuka ang aking kamay, naupo ako sa kama saka pinagmasdan ang kanyang pakpak. "Anong nangyari sa pakpak mo?" tanong ko "Ito? Lamat lang ito... maayos din yan." Sabi naman niya "Altheia, tinatanong ko kung anong nangyari..." sabi ko Lumipad papalayo sa akin si Altheia. Bumalik ito sa ibabaw ng aking mga libro. Naupo doon. "Altheia, bakit ayaw mo sabihin sa akin?" tanong ko "Inatake kami ng mga goblins nun isang gabi, sinunog nila an gaming mga tahanan." Sabi ni ALtheia "Goblins? Bakit naman?" tanong ko "Hindi rin namin alam. Basta bigla na lang sila sumugod." Sabi naman nito Sandali akong nag isip. Hindi sumusugod ang mga goblins kapag hindi ito inuutusan ng mga Dark Wizards o alin man sa mga Dark Arts Leader. "Sino kaya ang nag utos sa mga goblin?" tanong ko "Hindi ko sigurado pero..." "Pero?" naghihintay ako ng susunod na sasabihin ni Altheia "Nakita ko roon ang iyong Ama, kasama niya ang matandang lalaki." "Si Dad? Nandun si Dad?" bigla kong tanong "Oo at may kasama siya kaya hindi ako sigurado kung sila ang nagpa..." "Sinong kasama niya?" "Matandang lalaki, may pilat siya sa kaliwang pisngi..." Nagflashback sa akin mukha ng lalaking tinutukoy ni Altheia. Wala na si Altheia pero hindi pa rin ako mapakali. Naalala ko nun hinahanap ko si Oceane na bigla na lang siyang kinuha ng mga goblins. Pinuntahan ko si Dad sa office niya at nakita ko dun ang lalaking sinasabi ni Altheia. Bago pa ako mawalan ng malay nun, hindi ako sigurado pero napansin ko na ngumiti siya sa akin. Kinabahan ako ng maalala iyon. Hindi kaya siya ang nag utos sa mga goblin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD