“HETO na ho ang halo-halo mo Sir Magus.” Ani ni Juliet habang maingat na inilalapag ang mangkok ng halo-halo sa ibabaw ng mesang gawa sa matibay na kahoy. Nadatnan niyang nakatingin lang si Magus sa mga halaman pero mukhang wala roon ang isip nito. Bahagya ring salubong ang mga kilay nito na tila kaylalim ng iniisip. Nasa may terasa na sila at kahit katanghaliang tapat ay malamig doon at presko ang hangin. Mukhang hindi siya nito narinig kaya nakitingin din siya sa tinitingnan nito. Mukhang wala namang kainte-interesanteng bagay roon. Ibinalik niya ang tingin sa binata. “Sir Magus?” pukaw niya sa atensiyon niyo. “Ano?” sabi nitong biglang lumingon sa kanya. Nasa tinig nito ang bahagyang iritasyon. “Ay ---.” Siya pa ang nagulat. “E ayos lang ho kayo?” may himig concern niyang sabi. “O

