NATIGILAN si Juliet ng pag-ahon niya sa tubig mula sa paglangoy ay makita niya si Magus na tumayo mula sa pagkakaupo sa bermuda grass at naglakad. Diretso ang lakad nito at tiyak ang pupuntahan ng mga paa. Gaya niya ay mukhang nahulasan na rin ito sa pagkalasing bagamat ramdam pa rin niya ang bahagyang pagkaliyo at tama ng alak. Hindi nalang kagaya kanina na may pahampas-hampas pa siya rito. Nagtagpo ang kanilang mga mata o sinadya nitong hulihin ang kanyang tingin. Hindi siya nito binibitawan ng tingin habang naglalakad ito palapit sa pool. Hindi niya masabi kung ano ang nasa isip nito. Blangko kasi ang ekspresiyon ng mukha nito pero ang mga mata nito ay tila nagbabadya ng kung anuman na hindi rin niya mawari. Nang lumusong ito sa tubig ay hindi pa rin nababali ang tinginan nilang dalawa

