GULP. Gulp. Gulp. Kumawag-kawag si Juliet habang pinipilit niyang manatiling nakalutang ang ulo sa tubig. Pero tuluyan siyang hindi nakaahon. Unti-unting lumulubog sa tubig si Juliet. Naramdaman niya ang pagpasok ng tubig sa kanyang bibig patungo sa kanyang lalamunan. Pinipilit pa rin niyang umangat pero patuloy siyang hinihila pailalim. Kumakawag pa rin siya pero pakiramdam niya ay napapagod na siya. Akala niya ay tuluyan na siyang malulunod. Hanggang sa maramdaman niya ang malalakas at matitigas na mga brasong pumulupot sa kanyang beywang. Kasunod niyon ay ang paghatak sa kanya paitaas ng tubig. Sunod-sunod na napaubo si Juliet ng makainom ng tubig mula sa pool. Kasunod niya ay agad siyang sumagap ng hangin upang punan ang dibdib. Paglingon niya ay si Magus ang may hawak sa kanya at l

