CHAPTER 1 - CASSIDY ERIN JULIANA
Cassidy's POV
Napasinghot ako nang naramdamang tutulo nanaman ulit ang sipon ko kasabay ng mga luha ko. Hindi ko mapigilang umiyak dahil masakit. Sa sobrang sakit ay hindi ko na ata kakayanin pa.
"Cassidy..." tawag niya sa pangalan ko. Umiiyak. Nagmamakaawa.
Hindi ako lumingon. Ayaw ko siyang harapin dahil mas lalo akong nasasaktan.
"T-tulong..." pahina ng pahina ang boses niya.
Pumikit ako ng mariin upang pigilan ang nagbabadyang pagtulo ulit ng mga luha ko. Ayaw kong lumingon. Natatakot ako. Naramdaman ko ang isang malamig na likido na tumulo sa ulo ko padausdos sa mukha ko. Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay pinunasan ko ang aking mukha at unti-unting tiningnan ang malamig na likido. Kinilabutan ako sa nakita ko. Dugo. Sariwang dugo. Gusto kong sumigaw pero ayaw bumuka ng bibig ko. Gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nakatutok lang ang paningin ko sa dugo. Sariwang dugo...
*KRIIIIIIIINNNNGGGGGG* *KRIIIIIIIINNNNGGGGGG*
Napabalikwas ako sa higaan ko nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Napahilamos ako sa mukha dahil sa inis sa panaginip kong parang unli dahil paulit-ulit. Hindi ko naman alam ang ibig sabihin. Kung si Ryoma Echizen my labs ang nasa panaginip ko, mai-ihi pa ako sa kilig. Inabot ko yung alam clock sa bed side table ko na unli din sa pagtunog. After kong i-off, tinignan ko yung oras. 6:30am. Ibinalik ko na yung Alarm Clock sa bedside table nang may marealize ako. Alas siete ng umaga ang pasok ko!
"PAKSHET! LATE NA AKO!"
Walang pakundangang sinugod ko ang CR sa kwarto ko at nag-ala Flash sa bilis. Sa taranta kong sabunin ang katawan ko ay dumulas yung sabon sa toilet bowl. Pakshet na malupet!
Kahit diring-diri ay kinuha ko yung sabon at hinugasan ng mabilisan at itinuloy ang pagligo dahil wala akong choice! Muntik pa akong madulas paglabas ko sa CR.
Dali-dali akong nag-ayos sa sarili at nagmamadaling umalis ng bahay. 2 Blocks away ang layo ng bahay sa school kaya nilalakad ko lang to pero dahil late na ako. I chose to run.
Run Forrest Run!
Dahil wala akong pakielam sa dinadaanan ko, hindi ko napansin yung malaking bato na nakaharang sa daan kaya kahit maganda ako, natatalisod din ako. Tumama ako sa isang malambot na bagay, pagkatingala ko isang mukha ng lalaki ang tumambad sakin. Nakahawak siya sa magkabilang braso ko, holding me not to fall on the ground. Gulat na gulat ang matang nakatingin sakin. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, napa-awang ang bibig ko sa kulay brown niyang mga mata na mas na-emphasize pa ang kulay dahil sa sinag ng araw na tumama sa pwesto namin.
Pareho sila ng mata ni Ryoma Echizen my Labs!
Napatuwid ako ng tayo nang marealize ko na 'I am late!' kaya walang lingunan kong iniwan si Ryoma my labs 2.0 at nagpatuloy sa pagtakbo. Magso-sorry nalang ako sa kanya kapag nakasalubong ko ulit siya. Yung walang talisod epek-epek.
Nakarating na ako sa gate ng school at napa-slow motion sa pagtakbo papasok sa loob dahil sa mga estudyanteng nakabalandra sa daanan at nagkekwentuhan. 'Baka late na po tayo?' yan ang gusto kong sabihin sa kanila. Napansin ko si Natalie na kapa-pasok lang sa Main Entrance ng School.
"Natalie!" tawag ko sa kanya.
Natalie Beckett, one of my best friends at classmate.
Huminto siya sa paglalakad at nilibot ang tingin sa paligid. Nakakunot pa ang noo. Nilapitan ko siya. Nawala ang kanyang kunot-noo at napalitan ng ngiti ng makita ako.
"Late na ba tayo?" deretsahang tanong ko sa kanya. Yan ang 'Good Morning' ko sa kanya for today.
Natalie immediately look at her wrist watch. "Hindi pa. 6:40 palang."
Para akong hihimatayin sa narinig kong oras. Gusto kong maiyak dahil sa effort kong ala-flash sa bilis at Forrest Gump sa pagtakbo. Pakshet na malupet! Hindi pa pala ako late!
At ang pinaka-malupet doon ay nakalimutan kong advance pala ng 30 minutes yung Alarm clock ko. Gusto ko na talagang maiyak dahil hindi manlang ako nakakain ng breakfast.
"Nakipag-marathon ka ba?" dagdag niya habang pinapasadahan ako ng tingin.
Napa-ngiwi ako sabay kamot ng batok "Akala ko kasi late na ako kaya tumakbo ako papunta dito tapos hindi ko napansin yung daan tapos may bato palang malupet tapos ayun natalisod ako..." naalala ko si Ryoma my labs 2.0 "tapos...may natamaan ako."
Tinaasan niya ako ng kilay habang umi-iling.
"Lesson learned. Ayan kasi, 'di tinitignan ang dinadaanan eh. Tara na nga, sa loob na natin ipagpatuloy yung explanations mo. Baka tuluyan na talaga tayong ma-late." hinigit niya na ako at nagpatuloy sa Seniors Building.
Pumasok na kami sa aming classroom na may nakapaskil na IV-2 (Fourth year-Section 2)
"Nagalit ba yung natamaan mo? Nagsorry ka?" pagpapatuloy ni Natalie nang naka-upo na siya sa upuan niya.
Japanese style ang bawat room sa Westdale High kaya each of us have our own table and chair. Boy-Girl at A-Z ang seating arrangement kaya malayo ang upuan ko sa kanya. Kahit maganda ako, sa may bandang gitna ako pina-upo. Letter J nga kasi apelyido ko at sunod sa Letter K. Char!
Sumandal muna ako sa table niya at sinagot siya ng malupet na "Hindi. Iniwan ko nalang basta."
Nagugulat niya akong tingnan. "Iniwan mo ng hindi man lang nagso-sorry? Mabuti't hindi ka hinabol?"
Sasagot na sana ako ng biglang pumasok si Sir Apollo Yomoda hudyat para mapatungo ako sa sarili kong upuan at isinabit ang bag sa gilid ng table ko.
Sosyal kasi ang Westdale High kaya may sabitan ng bag. School nga kasi ng mayayaman. Hepepep! Hindi ako mayaman ah, may kaya lang ang pamilya kong lumamon three times a day.
"Good Morning, Students!" bati ni Mr. Yomoda, English teacher and Adviser ng 4-2.
"Good Morning, Sir!" sabay-sabay naming bati sa kanya.
"Class, before we start pala. I want to introduce to you your new classmate."
Pagkasabing-pagkasabi ni Sir Yomoda sa "new classmate" ay biglang nag-ingay ang buong klase.
"New classmate? Seryoso?"
"Tumatanggap pa pala sila ng transferee? Anong petsa na?"
"Shunga ba you? 2 months palang naman nag-start yung opening ng Westdale kaya pwede pang humabol noh."
"Lalake po ba yung transferee? Sana gwapo."
Yan ang sunod-sunod na tanong ng 4-2.
"Quiet Class! Nakakahiya sa bago niyong classmate." suway ni Mr. Yomoda sa buong klase. Agad naman silang tumahimik. Mabuti nalang tahimik ako habang tinatanaw yung pinto. May nakatayo kasi doon.
Pinapasok na ni Mr. Yomoda yung new student. Napanga-nga ako with matching wide eyes at samahan mo na din ng parang natataeng reaksyon. Ganyan ng ganyan ang itsura ko nang makita ko si New student!
RYOMA MY LABS 2.0!!!
"Class, meet Mr. Zedrick Sachtleben. Your new classmate. Mr. Sachtleben, meet 4-2 your new classmates and soon to be family." pagpapakilala ni Mr. Yomoda sa kanya.
Halata ang pagka-ilang sa ngiti niya. Tumikhim pa ito bago magsalita.
"Hello, new classmates. Nice meeting you all. Zed nalang ang itawag niyo sa'kin."
Rinig ko yung bulungan ng mga classmates ko habang ako naman ay nakanga-nga pa rin at deretso ang tingin kay Ryoma my labs 2.0 na Zedrick pala ang pangalan. Hindi ako makapaniwala na magiging kaklase ko siya.
Isang pakshet na malupet! Baka ipa-ambush ako nito dahil hindi ako nag-sorry kanina! Baka-
Natigilan ako dahil may naramdaman akong napasok sa bibig ko. Itinikom ko ang bibig ko at walang alinlangang nginuya.
Bakit lasang papel?
Dali-daling kong niluwa yung nasa bibig ko at tinignan yon. Papel nga!
Tumingin ako sa paligid at tumama ang mata ko sa natatawang si Natalie. Siya malamang ang salarin. Mahilig talagang mambuyo tong babaitang ito. Isa kang Alamat, Natalie!
Tinignan ko siya ng masama. Aba'y pandilatan ba naman ako. Hanep!
"Mr. Sachtleben, from now on you can sit after Ms. Jacobsen."
Nanlaki nanaman yung mata ko sa sinabi ni Sir Yomoda at agad lumingon sa likuran ko. Bakit ba walang naka-upo dito? Hayyy
Kina-karma na ata ako.
Nag-Thank you muna si Ryoma my labs 2.0 bago naglakad papunta sa assigned table niya. Tumungo ako para itago yung mukha ko. Napahinga ako ng maluwag nang naka-upo na siya sa likod. Isang Hayyy na malupet!
Nagsimula na rin ang klase makalipas ang ilang minuto.
*****
"Lintek na! Monday na Monday ni wala akong maintindihan sa Math!" pagrereklamo ko sa sarili habang nakadukdok sa table ko. Nanlulumo. Natapos na yung 3 subjects namin at isa na doon ang pinaka-ayaw ko. Ang Math!
Napatuwid ako ng tayo ng ma-alala kong Recess time na ngayon at hindi ngapala ako nagbreakfast dahil sa lintik na 30 minutes advance na yan. Maaya nga si Natalie kaso wala siya sa table niya. Pinatawag nga pala ni Sir Yomoda, President kasi ng Section namin ang babaitang yon. Siya na malupet.
Samantalang ako? Maliban sa favorite kong expression na MALUPET. President ako ng Arts Club. Magaling kasi akong kumulay ng drawing. Di tulad ng lakad niyong panay drawing lang. May pa-set pa kayo ng date ng kitaan, di naman natutuloy. Tokshit pa yung iba. Magbago na kayo, wag ng paasa!
Halos lahat ng classmates ko ay nagsisilabasan na. Yung iba patungong Canteen, yung iba naman nagfa-fan girling sa ibang sections. Kalandi ire!
Tumayo na ako at susugod na sa canteen. Yes! Mapapakain ko na rin ang mga alaga ko kaya kayong mga pagkain, humanda kayo dahil uubusin ko kayong lahat BWAHAHA-
"Miss, excuse me!"
Huminto ako sa paglabas ng pinto para lingunin kung sino ang nagtatangkang pigilan ako sa paghihimaksik. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at mukha nanamang natatae. Ipapa-ambush na ba ako ni Ryoma my labs 2.0? Hindi ko naman sadya yun eh huhuhu.
"Miss, saan dito yung-"
"Sorry!" putol ko sa sasabihin niya.
"Ha?" bakas sa mukha ang pagtataka. Ay bingi?
"Sorry! Sorry! Sorr-" ulit ko para marinig niya.
"Teka Miss, bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan sa'kin."
Natameme ako. Hanu daw? Wala akong kasalanan? Matutuwa na sana ako kaso kailangan ko talagang mag-sorry dahil mali naman talaga yung iwan nalang basta siya pagkatapos niya akong tulungan. Kahit maganda tayo, kailangan pa rin nating maging responsable sa mga bagay o aksyon na nagagawa natin lalo na kapag nakakaperwisyo tayo sa iba. Be matured enough.
"Ahm, S-sorry talaga." sabi ko sabay kamot sa pisngi ko kaso nasagi yung tagyawat kong kaka-usbong lang. Kahit ramdam ko yung sakit at kirot, nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita."Nagmamadali kasi ako kanina, hindi ko napansin na may bato sa daanan kaya ayun, sumemplang ang gaga. Nadamay ka tuloy. Sorry ha? Promise! Sorry talaga!"
Nakatitig lang si Ryoma my labs 2.0 sakin. Hala baka dumugo na yung nasagi kong tagyawat kaya siya nakatitig o baka pinaplano niya na ang pagpapa-ambush sa akin. Shemay, gusto ko ng umalis. NAGUGUTOM NA AKO!
"Dont worry, it's okay. Wala namang may kasalanan o may gusto sa nangyari kaya 'wag mo ng isipin 'yon." sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag. Wala ng ambush na magaganap.
Zed, isa kang malupet na mabaet!
"Thank you!" abot tengang ngiti ko sa kanya. Naramdaman ko yung tiyan kong nag-vibrate at tumunog. Dinaig pa yung alarm clock kong advance ng 30 minutes. Natawa tuloy yung Malupet na mabaet.
"Anyway, saan pala dito yung Canteen? Mukhang kailangan mo ng pumunta doon ngayon." natatawa pa rin siya. Yung abot tenga kong ngiti napalitan ng plastic na ngiti.
"M-mauna na ako." napapahiyang sabi ko. Tumango lang siya, natatawa pa rin. Tuwang-tuwa?
"S-sige." paalam ko at tinalikuran siya. Gutom na gutom na talaga ako. Kru-kru pa ng kru-kru yung tiyan ko. Habang naglalakad ay naramdaman ko ang pag-gaan ng pakiramdam ko. Nakaka-gaan talaga sa pakiramdam kapag nagawa mo yung bagay na kailangan mong gawin. Nakakabawas din ng stress sa isip at puso. Kahit wala naman akong isip. Chos!
Pagdating ko sa Canteen, nasa 15 students yung nasa pila ng counter. Pay as you order kasi ang rule dito kasi mahirap ng masalisi. Pagkatungtong ko palang sa pila ay biglang nagsi-gilid yung mga estudyante na dating ng naka-pila. Nakatingin silang lahat sa gawi ko. Dahil tsismosa ako, gumilid din ako kasama nila. Ano kayang meron?
Tinignan ko pa yung kaninang pwesto ko. Wala namang ipis o kahit ano. Tumabi ako doon sa babaeng estudyante na nasa unahan ko kanina sa pila. Halata yung gulat sa mukha niya nung tinabihan ko.
"M-mauna na kayo." may bahid na takot na sabi niya.
Napakurap-kurap ako. "Bakit?"
Sasagot sana siya kaso siniko siya ng katabi niya. Hindi na tuloy siya nakasagot. Nasaktan siguro sa siko nung katabi. Tatanungin ko sana kung bakit niya siniko kaso...
"Next." narinig kong sabi ni Manang na nasa counter. Walang gumagalaw, yung iba nakayuko tapos yung iba parang nakakita ng multo ang itsura. Ganito lagi ang reaksyon nila kapag nagagawi ako ng Canteen. Hindi lang pala ako. Kami. Kami ng mga kaibigan ko.
Ganun na ba kami kalala para katakutan? Ang ganda ko kaya!
"Next daw sabi ni Manang." sabi ko sa kanila. Nauna sila sakin sa pila kaya dapat sila muna mauna. Hindi pa rin sila gumagalaw, ganun pa rin ang reaksyon nila.
Kruu-Kruu. Ayan nanaman yung tunog uwak kong tiyan.
"Next!" napa-sigaw na si Manang kaya no choice ako kundi unahan na sila. Gutom na gutom na gutom na ako. Nag-order ako ng Spaghetti at Bottled juice. Actually bitin yan kaya sa Lunch break nalang ako babanat. Habang hinihintay ko yung order ko. Narinig ko yung bulungan sa likod ko.
"Hindi naman pala nakakatakot si Cassidy."
"Oo nga noh. Sa kanilang lima siya lang yung friendly."
"Dapat pala hinayaan nalang natin siya sa dulo ng pila. Mabait naman pala."
"Hindi mo ba alam magaling sa pakikipag-sagupaan yan."
Para silang mga bubuyog sa kakabulong. Gusto ko sanang sumali sa bulungan nila kasi hindi ko sila maintindihan kaso dumating na yung order ko kaya no choice kundi kuhanin yun at simulan na ang paghihimaksik. After kong kumain ay bumalik na ako sa room. Dalawa yung pintuan ng Classroom, isa sa harap at isa sa likod. Sa likod ako dumaan dahil gusto kong gulatin si Natalie na busy sa pagbabasa. Nakatingin sa akin yung ibang classmates ko dahil siguro sa dahan-dahan kong paglakad na parang isang sundalo na nagtatago sa kalaban. May kunwaring b***l pa akong hawak eh yung bottled juice lang naman yun. Kunwaring babarilin ko sana si Natalie nang...
"Kanina pa kita hinahanap." walang lingunang sabi niya. Tutok ang mata sa binabasang libro.
Tawanan tuloy yung classmates ko at may kasama pang kantyaw.
"Ang lakas talaga ng pakiramdam ni Natalie."
"Kaya nga walang nakakalagpas diyan eh."
"Better luck next time, Cassidy. Walis tambo naman ang gamitin mo. Yung may epek na lumilipad."
Sa inis ko, tinignan ko sila ng masama. Tumahimik tuloy sila pero yung iba di pa rin mapigilan yung tawa. Masaya sila eh.
"Hmp!" irap ko kay Natalie kahit hindi siya nakatingin. Tinalikuran ko siya at inis na umupo sa upuan ko. Kinuha ko yung Sketch pad ko at nag-drawing. Pang-tanggal ko kasi ito ng inis. I-drawing ko kaya yung mukha ni Natalie tapos may katawang sloth . *Evil smile*
Habang tuwang-tuwang ako sa pag-drawing ay naririnig ko yung usapan ng classmates ko sa likod ko.
"Zed, parang pamilyar ka sakin. Kanina ko pa iniisip kung saan na nga ba kita nakita. Ay, alam ko na. Ikaw nga yun! Yung Lawn tennis player!" - Boses ni Rasty, yung energetic kong classmate.
"Seryoso? Ikaw yun? Grabe Pre, galing mong humataw ng raketa. Paturo naman ako nun oh. Gusto ko din kasing matuto." Boses ni Jasper, yung mahilig sa sports kong classmate.
"Oo naman. No problem." sagot ni Zed. Kahit saglit lang kami nag-usap kanina. Nakabisado ko na ang boses niya.
Lahat ng classmates ko at Teachers ko kabisado ko pati si Manang sa Canteen. Kung si Natalie matalas ang pakiramdam, ako naman mabilis kumabisado ng boses. Ibahin mo man ang tono.
"Maliban sa Lawn Tennis, ano pa mga alam mong gawin?" - Boses ni King.
"I know how to play drums." - sagot ni Zed.
Biglang may sumirit na kirot sa batok ko paakyat sa bunbunan ko. Mapapa-sigaw na sana ako sa sakit nito nang bigla itong mawala. Naghahabol tuloy ako ng hangin habang hinihimas yung batok ko.
"Cassidy, okay ka lang?" Naramdaman ko yung haplos ni Natalie sa likod ko. Ang bilis talaga nitong makaramdam. Tumango ako bilang tugon.
"Pinapunta ako ni Sir Yomoda sa Faculty room kanina para i-announce sa class na halfday lang tayo ngayon dahil may Faculty meeting. " dagdag niya pero bakas sa mukha ang paga-alala.
"O-okay." tugon ko. Dumako yung paningin ko sa sketch pad kong nakabalandra ang mukha ni Natalie na may sloth body. Dali-dali ko itong itinago sa ilalim ng desk ko kaso huli na ang lahat dahil mukhang nakita na niya at masama na ang tingin sa akin. Nginitian ko siya with peace sign. Walang imik siyang tinalikuran ako at umupo sa kanyang assigned seat.
Natalie is a keen observer type of person. Mahilig magbasa ng libro at ang bad-a*s member ng Photography Club. Mess with her and you'll be the laughing stock of Westdale High. Halos lahat ng estudyante dito sa School ay takot sa kanya pati Teachers. Because one mistake, secrets will be revealed. Now I wonder kung bakit siya ang President ng Class namin, para walang kumanti sa Section namin.
*****
Tumunog na ang bell at tinapos na ang maliligayang araw ng Westdale High, Charot! Gaya nga ng sabi ni Natalie, may Faculty Meeting daw so ayun nga, walang makakapigil sa aming umuwi. Isang malupet na Prince of Tennis marathon para kay Ryoma Echizen my labs!
Kahit half day lang kami ay parang natuyot yung utak ko isabay mo pa yung malupet na sakit ng ulo ko kanina. Mabuti nalang at biglang nawala kundi sa Clinic nanaman ang bagsak ko. Ayoko na pumunta doon, para kasing Lola Basyang yung Nurse doon. Lagi siyang nagkukwento ng mga Alamat eh hindi niya naman alam yung Alamat ni Natalie.
Bago ko ayusin yung gamit ko, I stretch my arms para pumasok ang malupet na good vibes sa aking katawan.
"Aray!"
Natigilan ako sa pag-stretch at lumingon sa gilid ko.
Pakshet na malupet!
Sa pag-angat ko ng kamay, nasuntok ko pala yung ano ni Jasper.
"Hala, Jasper! Sorry!" tumayo ako at ha-hawakan sana yung nasuntok na bahagi para ma-check kaso bigla siyang umatras. Ay! Wrong move ata ako.
"A-anong gagawin mo?" hindi makapaniwalang sabi niya at agad hinarang yung bag niya sa ano niya.
"Titigna-"
"Anong nangyari?"
Naputol yung sasabihin ko dahil sa pag-sulpot ni Natalie. Deretso ang tingin kay Jasper.
"W-wala." sabi ni Jasper. Namumula ang mukha
Hala, bakit siya namumula? Sobrang sakit siguro nung nasuntok ko.
"Sorry talaga Jasper. Hindi ko sinasadya." sabi ko. Apologetically.
Suntukin ba naman ang ang Junior niya.
Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Natalie. "O-okay lang, Cassidy."
Ngumiti siya ng pilit at nagmamadaling lumabas ng Classroom.
"Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ni Natalie. Nakatingin kay Jasper na aligaga palabas ng room.
Ngumiwi ako sabay himas sa batok ko. Mapu-pudpod na 'to sa kakahimas.
"Nasuntok ko yung ano niya." Nahihiyang sabi ko.
Narinig ko yung classmates kong nagtawanan.
"Kawawa naman si Jasper baka hindi na maka-buo ng Soccer team."
"Sana maka-produce pa siya ng lahi."
"Lagot ka Cassidy kapag hindi yun naka-buo."
Yan ang sari-sari nilang komento.
Hindi ko naman sinasadya eh huhuhu
Naka-nguso akong umupo sa upuan ko at inayos na yung gamit ko.
"Saan ka pala galing kanina?"
Muntik na akong napabalikwas sa gulat. Nasa tabi ko pa pala si Natalie.
Isa ka talagang malupet na alamat babaita ka!
"Ba't bigla kang nawala? May kumidnapped ba sa'yo o baka naman may nanghigop sayo ng kung ano-ano diyan sa tabi?" dere-deretso niyang tanong.
"Kalma lang, Bessy." I sighed. Isinukbit ko na yung bag ko sa balikat ko. "Nag-recess lang ako kanina. Gutom na gutom na ako eh." bahagya akong tumayo para yumuko at silipin yung ilalim ng desk ko. Baka may naiwan akong kulangot. Char! Baka may naiwan akong notes.
"Tara na. Hinihintay na tayo nung tatlo." sabi niya at tinalikuran na ako.
"Huy, sandale! Hintayin mo ako." habol ko sa kanya. Mabuti nalang wala akong naiwang kulangot este notes.
Nakarating na kami sa isang classroom na may nakapaskil na IV-1 (Fourth year-Section 1) sa bandang itaas ng pintuan.
Sumilip ako sa loob para tiyakin kung buhay pa yung tatlo naming kaibigan. Si Trianne, Aya at Emery. Hinila ako ni Natalie para pumasok sa loob. Wala na halos yung classmates nila kaya pwede ng mag-trespass.
"Kanina pa namin kayo hinihintay." bungad sa amin ni Aya.
Ayanna Kerr D'Alleva. "Aya" for short. Ang boyish type kong kaibigan pero maganda yan.
"Half-day na nga tayo, ma-init pa rin ulo mo?" sagot ni Natalie.
"Useless half-day. I can't enjoy it though. May practice kami sa Club." sabat ni Trianne habang sinisipat yung mukha sa hand mirror.
Trianne Marei Ferrucci. Ang kaibigan kong British Accent pero fluent naman sa Tagalog.
"Anak ng... sabi mo manlilibre ka ng lunch. Wag kang tokshit, Trianne. Sasamain ka sakin." nanghahamong sabi ni Aya.
"Tokshit mo mukha mo. May sinabi ba ako na hindi manlilibre?" depensa ni Trianne. Ibinaba niya yung mirror niya at tinaliman ang tingin kay Aya.
Ngumuso si Aya at umiling sabay kamot ng ulo. "Oo nga noh? Sorry naman hehehe"
Lumaki yung tenga ko bigla sa narinig ko at nagnining-ning yung mga mata ko kay Trianne. "Talaga? Manlilibre ka?"
Nilapitan ko siya. "Kapag sa Japanese Restaurant tayo kakain, sasabihin kong isa kang-"
"Malupet na maganda!" dugtong niya sa sasabihin ko. "I know right?"
Tumango-tango ako na parang bata. "Sushi! I want Sushi, Mamey!"
"Allergic si Emery sa raw foods." singit ni Natalie.
Bumagsak ang balikat ko. "Oo nga pala."
Natigilan si Emery sa pag-scroll ng kanyang cellphone."Naku, okay lang. Iba nalang ang kakainin ko." nahihiya niyang sabi.
Emery Carrington, ang Malupet na Genius sa aming lima. Our IT expert!
The Five of us were best of friends since Elementary at lagi silang nandiyan sa tabi ko. Mabuti nalang hindi sila naging parte ng nawala kong memorya. Two years ago, may trahedyang nangyari sa akin. At dahil sa trahedyang iyon. I was diagnosed with Dissociative amnesia.
Hindi ko kasi ma-alala yung trahedya ng yun. Kapag sinusubukan ko namang alalahanin ay sumasakit ang ulo ko. Kusa din naman daw babalik yung ala-ala ko pero 2 Years na, nga-nga pa rin kasi di naman bumabalik. Pero, may parte sa puso ko na nagsasabing kulang.
Kulang kami ng isa.
"Let's go na. So I can go back agad dito sa school." sabi ni Trianne na nagpabalik sa akin sa realidad. Maarte niyang isinukbit ang kanyang Louis Vuitton backpack sabay flip ng hair. Rich kid kasi ang babaita.
Siya lang naman ang tagapag-mana ng Ferrucci Holdings & Inc. Isa sa pinakamalaking company sa Europe at Asia.
"Conyo amp, umuwi ka na ngang Europe." iritang sabi ni Aya at na-una ng lumabas sa room.
"Kahit kailan talaga allergic sa conyo." natatawang sabi ni Natalie at sumunod kay Aya.
"Tara na, Emery." aya ko kay Emery dahil busy nanaman siya sa kanyang cellphone. Nagbabasa ng articles. Pinu-lupot ko yung braso ko sa braso niya at bahagya siyang hinila para sumunod kay Natalie.
"Wow, ako na nga 'tong manlilibre ako pa na-iwan." sarkastikong sabi ni Trianne pero mas nauna naman siyang lumabas sa amin ni Emery sa room.
***
Lulu's Note:
Thank you for giving this a shot. Read more Chapters for more exciting Click!