Nakatitig pa din ako sa papel na ibinigay saakin ni Trevor kanina sa may room take note hinatid nya pa talaga ako hanggang classroom!
I dont know what his intentions Im not his type hindi ba? Kagaya nalang rin noong nakaraan bigla nya akong niyakap and he just told me that Nakita nya si Parker sa parking Lot kaya nya ginawa iyon.
Nasa Cafeteria na ako ngayon at busy sa pagbabasa nitong nakalagay sa mga papel.
I Gwendilyn Diana Serpantez agree in the following conditions of Trevor Smith for being his fake girlfriend for a year.
1. No smoking and drinking alcohol.
2. No cursing and dont cut classes
3. Always wear long blouse or dress.
4. lessen the make up.
5. No PDA unless the situation needed.
6. Attend church with me every Sunday.
7. Always smile
8. Don't fall inlove.
Signed by
Trevor Smith
Signed by
Gwendilyn Diana Serpantez.
Nakatitig lang ako doon at sa pirma ni Trevor. Walang klase ang school na ito tuwing sunday so bale makakapagchurch nga kami? And take note! bawal daw mafall? Crush ko lang sya! Pero wala akong balak mahalin sya In his dreams!
Hindi ako itong mga pinapagawa nya. Yes Demure ako noon pero hindi ako kaperpekto kagaya ng gusto nyang ipagawa ngayon! From b***h to a maria Clara?!
Napakagat ako sa sandwich na binili ko. Why do I have to do this ? I can handle myself though.
Wala nga akong kaibigan eh. But Yes nagkaroon ako ng kaibigan take note akalang kaibigan at iyon ang mga mean Girls! Bago inahas ni Stacey si Trevor!
May mga kaibigan din akong iba noon. Pero dahil pinagkalat nilang malandi ako at kung kanikanino sumasama. Yes those mean girls sila ang may sala! Kaya nilayuan ako ng Lahat and they called me b***h. Kahit wala naman talaga akong ginagawa napakamaimpluwensya kasi talaga ng tatlong iyon. Kaya pinangatawanan ko nalang I enjoy the attention though, Naenjoy ko lahat ng mga natutunan ko. Isa na doon ang paginom ng alak, pagparty at pagyoyosi.
"The f*ck? Hindi porket crush kita papayag na ako sa gusto mo!"napatingin ako doon sa papel na nakalapag sa lamesa. At some point parang gusto ko ring ituloy. Dahil para saakin its another enjoyment and aside from that malelessen ang stress sa buhay ko.
"So Crush moko?"nagulat ako ng nasa tapat na ng table ko si Trevor may dala syang dalawang lunch box.
"H-hindi ikaw iyon!"pagdadahilan ko pa at umiwas ng tingin sakanya. Nahagip pa ng tingin ko ang pagsmirk nya.
"Okay sabi mo eh"Inayos nya ang lunch box sa harapan ko at gayon din sa harapan nya.
Kahapon lang nangyare lahat ng iyon pero feel ko nabawasan na lahat ng mga naririnig ko tungkol saakin may iilan pero nawala nga iyong mga nananakit saakin kagay ng pagpapasok palang ako tapon tubig or what agad. Napakapowerful nila dahil kapit nila si Parker noon. At ang tanging makakatulong nga lang saakin ay itong Trevor na to!
"A-ano yan?"nauutal na tanong ko binuksan nya iyong mga lunch box at well organized ang mga ito may kanina may chicken may bread din sa gilid may sauce may sisig at may fruits din. Pagtingin ko sakanya. Puro prutas lang at gulay ang kakainin nya.
"Kainin mo , payat"sabi pa nya kaya nanlaki ang mata ko.
"Hindi ako payat! Sexy ako!"naupo sya sa harapan ko at sinimulang kainin iyong mga prutas.
"Kailan naging sexy ang payat?"he asked at tinitigan ako. Nailang naman ako kaya inilihis ko ang tingin ko. Kahit na may nararamdaman akong nakatingin saamin ay wala akong naririnig na nagbubulung bulungan.
"Tss. Just eat , Pinaghirapan ko yan"binalik ko ang lingon kay Trevor kumakain na sya ng pagkain nya at nakayuko. Sa hindi malamang dahilan napangiti ako.
Hindi dahil nasa tapat ko sya kundi dahil sa ideyang nag alala sya para saakin. Kilig ba ito? Hindi ko rin alam basta masaya ako. Si kuya lang kasi ang gumagawa saakin noon at kung minsan ay busy pa. At ang ayoko lang naman ay hndi nila ako maintindihan ni ate.
Saglit akong nakatitig sakanya nagulat nalang ako ng ipitik nya ang kamay sa ere.
"Kainin mo na nilalangaw na"sabi pa nya. Kaya nabalik ako sa ulirat at napakain ng wala sa oras dahil na awkward ako
"Ang sarap!"naisigaw ko dahil talagang masarap since sinabe nyang sya ang may gawa nito sya din kaya ang nagluto.
Napansin kong napangiti si Trevor at lumingon sa kabilang gilid nya. Iyong mga salamin nya talaga ay hindi naging dahilan para maging gwapo sya.
"L-luto mo?"nahihiyang tanong ko ang sarap ng sisig talaga saka manok! Pati yung rice parang may kung ano!
"Y-yes "ayun lang ang sinabe nya pero napangiti nanaman ang b***h na to!!
Ang sarap pala ng luto nya? Paano kaya sya? I just laugh at my thought.
After kumain ay napatingin si Trevor sa lunchbox na bigay nya saakin. Napansin kong napangisi sya pero hindi nagsalita.
"Masarap eh!"nagreason nalang rin ako kaya natawa sya at nailing. Patahimikan game ata kami eh. Lagi na ngang panis ang laway ko dahil wala akong kausap unless may nakakaaway ako ngayon tinigil nya mga kaaway ko tapos tahimik pa sya?! Paano na ako nyan?!?!?!
"Tss. What's with the face again"narinig kong bulong nito kaya mas lalo akong napasimangot.
"Ano?"tanong ko.
"Tss. Smile you became more beautiful when you do tha--"natigilan ako sa sinabe nya. Kaya pati sya ay ganoon.
Kaya parehas kaming nag kaiwasan ng tinging dalawa.
"Nasignan mo na ba iyong mga conditions na ibinigay ko sayo?"plain na tanong nya. Napatitig naman ako sakanya.
"Seryoso ka ba talaga dyan?"tanong ko. I mean para kasing impossible na walang kapalit ang gianagawa nya. At sakanya narin nagsabe nya na ayaw nya saakin so Anong mapapala nya hindi ba? Para lang kay Parker ? Nabababawan ako!
"Yes."maiklimg sagot muli nito saakin
"Bakit?!"tinitigan nya lang ako. Ng nakataas ang isang kilay but in a manly way. Alam kong kahit nerd sya ay pinagtitinginan kami dahil ang gwapo gwapo at ang yaman pa nya!
Well. Palaaral kasi sya msyado eh. Tapos minsan ang baduy ng damit nya iyong pang professional talaga. Pero nagmumukha pa din naman syang hot kahit na hindi sya pormado. Bagay na bagay sakanya at nadadala nya.
"Wala namang reasons , Bukod kay Parker. Maybe bored lang rin ako."napangiwi naman ako sa sinabi nya.
Pero why not hndi ba?
"G-gaano ba katagal kung papayag ako?"tanong ko pa. He smiles playfully at me. Myghad! Ang gwapo! May dimple din kasi sya sa gilid ng labi banda.
"1 year"aniya pa.
"A-ano?!?!"
"for a year. Tss. Basahin mo ulit yung contract inilagay ko yon doon"aniya pa.
Well oo hindi ko kasi masyadong binasa kanina. At nagfocus na ako sa mga conditions!
"Do You have any class later, today?"tanong nito. Tumango ako.
"Wala na akong class. hintayin kita after and also give me your schedule"ayun nalang sinabe nito at napaawang ang bibig ko.
"Pwedeng huminga?!"tanong ko dahil puro sya pambibigla. Napatingin naman sya saakin na parang bagot.
"Hmmm. Pirmahan mo na iyong mga conditions. Bigay mo sakin mamaya"ani pa nito at nagdiretso ng lakad.
"Trevor---
"Hindi kita maihahatid sa room mo. Bawe ako mamaya"ayun nalang ang pahabol nya atsaka na umalis.
So?!?! Pero napangiti ako sa thought na magging. I mean magkkunwareng kami. Siguro ay maaari ko namang pagbigyan ang sarili ko.
Its not like na gusto ko sya pero ang feeling na ibinibigay nya ngayon ko lang naramdaman iyon....
Wala naman masama hindi ba?
Nagulat ako ng may biglang kumuha ng Bag ko ng makarating ako sa building namin.
"Hi!"its calvin. Pinagtinginan kami ng ilang mga babae dahil sa ginawa nya.
Wth?
"Calvin akin na--"
"ako na"he insisted pero inagaw ko iyon sakanya. Ayoko munang mastress ngayon. Pero inilalayo nya iyon saakin.
"K-kayo na ba talaga ni Trevor?"biglaan nyang tanong kaya napangisi ako.
Is it payback time?
I smile silly.
"Yes!"sabi ko at nakuha na ang bag ko. At nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata nya.
"W-why akala ko ako pa ang mahal mo?"tanong nito. Natawa naman ako.
"Grow up Calv. Hindi porket sayo umikot ang mundo ko noon. Sayo at sayo nalang. Magbabago lahat Calv at isa na ang nararamdaman ko doon!"sabi ko at ngumisi ngisi pa at tinalikuran sya.
Pero what he did shookt me. At gayon din lahat ng nakakita.
Hinila nya ako at pinangko sa pader at doon hinalikan sa labi.
WTF?
-
#LongcommentsInspiresMe.