Chapter 1

2745 Words
“Hmm…” Pag-ungol ni Celine nang maalimpungatan. Agad din siyang napadilat ng mga mata nang hindi niya maramdaman ang pamilyar na init ng katawan ni Daniel—ang kanyang asawa. Lumitaw ang ngiti sa kanyang labi dahil roon. Asawa. Asawa na nga niya si Daniel. At para bang nakaprograma na ang bawat himaymay ng kanyang katawan na kung hindi nakadikit sa kanya ang asawa ay yakap siya ng lalaking siyang kahulugan ng mundo niya. At ang hangin… malumbay iyon kapag hindi taglay ang amoy ni Daniel.             Bagaman wala nga si Daniel sa kanyang tabi, hindi nataranta o nag-alala si Celine. Alam niya kung nasaan ang asawa. Bumangon siya at hinagilap ang remote control ng isang monitor na nasa isang bahagi ng silid. Pinindot niya ang remote control at sa isang iglap ay bumukas ang monitor, doon ay tumambad ang isang eksena na halos magpatunaw sa puso niya.             Tulad ng hinala niya, nasa kuwarto ni Christopher si Daniel. They fondly calls him Christoff—ang unang supling na bunga ng pagmamahalan nila ni Daniel. Napuno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang dibdib niya sa larawang naroon sa monitor. Ang kanyang asawa ay nakahiga sa isang divan, at sa dibdib nito ay naroon at nakadapa ang pitong buwang sanggol na si Christoff. Ang mga kamay ng kanyang asawa ay maingat na nakayakap sa katawan ng sanggol. Bahagya pa nga iyong humahaplos.             Gumuhit ang ngiti sa labi ni Celine. Napakabruskong lalaki ni Daniel pero napakagentle nito sa kanilang anak. Ah, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kinahinatnan ng buhay niya. Nakilala niya si Daniel na isang kumplikadong tao pala para mahalin. Pero hindi niya napigilan ang puso, hindi niya gustong pigilan. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ay heto sila ngayon: masaya at kuntento sa pamilyang binuo nila.   Hindi nakuntento si Celine sa pagtingin lang sa monitor. Bumaba siya ng kama. Isinuot niya ang tsenelas bago tiyak ang mga hakbang na tinungo ang connecting door, ang pinto na patungo sa nursery room. Maingat na isinara niya ang pinto bago sumandal roon at patuloy na pinagmasdan ang larawan ng kanyang mag-ama. Hinding-hindi niya malilimutan kung papaano dumating sa buhay niya si Daniel—Ang lalaking may napakalakas na personalidad at nag-uumapaw na s*x appeal. Ah, they were too hot for each other. Nakakapaso ang atraksiyong namagitan sa kanila. Nag-aapoy iyon, lumalagablab. Still, they both hold no barred. Pareho nilang tinanggap at kinunsumo ang atraksiyong iyon. Pareho nilang sinunod ang isinisigaw ng kanilang mga katawan. Kinunsumo nila ang atraksiyon at pagnanasa. Ah, s*x had been always so great. Hanggang sa pareho na silang malulong sa isa’t-isa at hindi natakasan ang pag-usbong ang kakaibang damdamin. They both fall in love. Madly in love with each other. And look at her now. Larawan siya ngayon ng isang babaeng masaya, puno ng pagmamahal, at kuntento. Wala na siyang mahihiling pa. Pero hindi naging ganoon kadali ang mga pinagdaanan nila ni Daniel para makamtan ang lahat ng meron sila ngayon. For Daniel is no ordinary man. Taglay nito ang isa sa pinakapambihirang sakit sa mundo na hindi madaling maunawaan ng tao, ang Porphyria—tinatawag din na Vampire’s disease. Hindi napigilan ni Celine ang pag-alala sa isang particular na pangyayari… “D-DANIEL…” Hindi nagsalita si Daniel. Tumatagos hanggang kaluluwa ang titig nito. Kung nakamamatay lang ang tingin, marahil ay bumagsak na si Celine. “Daniel…” “Wala kang amnesia?” sabi nito sa malamig at mapanganib na tinig. Lalong tumindig ang balahibo ni Celine. His eyes were so dark. Naniningkit. His jaws tightened in anger.  Isinara ni Daniel ang pinto. Sa dilim ng mukha, para bang nagbabanta ito ng isang malakas na unos o bagyo. Napalunok si Celine. Nakakadama siya ng takot sa emosyong ipinamamalas ng binata.”L-let me—” “Niloko mo ako, Celine…” God! Hinaplos ni Celine ang braso para kalmahin ang mga balahibong nagsitayuan sa takot. Humakbang palapit sa kanya si Daniel, kuyom ang mga kamay na animo handa siyang saktan. “D-Daniel… don’t… G-ginawa ko lang iyon dahil—” “You betrayed me. You lied to me. God, you lied to me, Celine…” Tumaas ang mga nakakuyom nitong kamay subalit hindi iyon dumapo sa kanya, sa halip ay pumaloob iyon sa buhok nito at mariing sinabunutan ang sarili. Nabasa ni Celine ang halo-halong emosyon na sumusungaw sa mga mata ng binata. Tila ba pilit na kinakalma ni Daniel ang sarili. But he just could not contain the rage inside him. “Para ano?” Tumuon ang paningin nito sa mga bote ng gamot na kinuha niya. “Para alamin kung ano ang itinatago ko? Gusto mong malaman kung sino talaga ako, Celine?” Tinungo ni Daniel ang isang bahagi ng silid. Matiim at malamig pa rin ang pagkakatingin sa kanya. “D-Daniel…” “Huwag kang kukurap, Celine.” Pinaghahablot ni Daniel ang makakapal na kurtina. Natutop ni Celine ang bibig nang mapahiyaw siya sa takot. Binuksan ni Daniel ang sliding window at agad pumasok ang sikat ng araw. “Nagtataka ka ba kung bakit gustong-gusto ko ng ulan? Kung bakit kinamumuhian ko ang pagsikat ng araw? Kung bakit wala pang pagkakataon na naglakad tayo sa ilalim ng sikat ng araw? Kung bakit napakamisteryoso ng lugar na ito?” “Celine? Daniel? Ano’ng nangyayari riyan?” Tinig iyon ni Lino sa labas ng pinto. Hindi mahirap hulaan na nabahala ito sa paghiyaw niya. “Huwag kang makialam dito, Lino!” balik-sigaw ni Daniel, sa kanya nakatingin. “Tinataglay ko ang isa sa mga pambihirang sakit sa mundo, Celine. Porphyria. Pamilyar ka ba roon? It was dubbed as one of the ten most rare diseases.” Porphyria? Sigurado siya na na-encounter na niya ang medical term na iyon. She had read it somewhere, heard it somewhere. Sa isip ay pilit niyang inaalala ang bagay na iyon. From the word Porphyrin. Porhyrin isa group of rare metabolic disorders which are genetic conditions which are characterized by an overproduction of organic compounds. Kapag napasobra ang produksiyon ng porphyrin, nagreresulta iyon sa kakulangan ng heme… “Kung hindi ka pamilyar sa pambihirang sakit na iyon, hayaan mong ipakita ko sa `yo…” muli nitong sabi. Daniel stepped into the sunlight. Nakita ni Celine ang pagpiksi ng binata. “Tinatawag din itong…” Tumigil ito at pumikit. It was obvious that he was pain. Hanggang sa matuon ang paningin niya sa unti-unting pamumula ng balat nito. Nagkakaroon iyon ng mga blisters. Kinakagat ni Daniel ng mariin ang lower lip na para bang tinitiis ang sakit. Pagkatapos ay kumislap ang mga mata nito, naipon ang mga luha roon, hanggang sa tuloy-tuloy iyong tumulo. “V-vampire’s… disease. Iyon ang misteryong bumabalot sa akin,” pagtatapos nito sa pagitan ng tiim na mga ngipin. Napasinghap nang malakas si Celine. She got it. Oh, God she got it. Kahit masakit pa ang binti niya ay mabilis niyang nilapitan ang binata at prinotektahan ito laban sa sinag ng araw. Pero hindi matinag si Daniel kaya natatarantang isinara uli niya ang sliding window. “Diyos ko, Diyos ko…” Tutop niya ang bibig. Ang mukha niya ay naglulunoy na sa mga luha. Natataranta siya. She was a doctor pero nang mga sandaling iyon ay hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Bagama’t narinig na niya ang tungkol sa sakit na Porphyria, iyon naman ang unang pagkakataon na may na-encounter siyang tao na may ganoong sakit. And Daniel was not an ordinary case. Ito ang ama ng anak niya at mahal niya ang lalaki. “Jealous?” Sabi ng paos na tinig ni Daniel na nagpahinto sa pagbabalik-tanaw ni Celine. Hindi niya batid kung kanina pa gising ang asawa o naalimpungatan rin lang. Nagmulat ito ng mga mata at binigyan siya ng ngiti na hinding-hindi niya ipagpapalit sa ano mang bagay. Daniel’s smile is so bright. Nakakaakit iyon. Hindi puwedeng hindi mapapansin. Oh, lalong hindi puwedeng hindi mapansin ang labing ginigitawan ng ngiting iyon. Kunwari ay irapan niya ito. Umalis na siya sa pagkakasandal at lumapit sa kanyang mag-ama. Hinagkan niya ang ulo ng anak, ganoon din si Daniel bago siya naupo sa gilid ng divan. “Bakit hindi mo ako ginising?” tanong niya. “You know I love doing this,” tugon ni Daniel. Ang pagpapadede, ang pagpapalit ng diaper, at ang pagpapatahan sa sanggol ang tinutukoy ni Daniel. Totoo naman iyon. Hands-on sila pagdating kay Christoff, lalo na sa gabi. Bagaman may yaya rin na umaalalay sa kanila. “He’s a daddy’s boy. Maamoy ka lang niya tumatahan na siya. Kaya kapag malayo ka, madalas siyang mag-alburuto.” Marahang tumawa si Daniel. “Hindi na maipagkakaila ang bahid ng selos sa tinig mo, sunshine,” tudyo nito. Bahagya itong umusog, sapat para bigyan siya ng espasyo at makahiga sa tabi nito. Iniumang nito ang isang bisig para maging unan niya. “Come here.” Tumalima naman siya at humiga. Bahagya niyang iniunan sa dibdib ni Daniel ang kanyang ulo. Si Christopher naman ay mahimbing ang tulog at mahinang naghihilik pa. When she was settled, Daniel kisses her head. “Alam mong mahal kita. Crazy for you. Obsess on you. Kayo ni Christoff ang buhay ko.” That was true. Hindi lamang sinasabi ni Daniel ang mga salitang iyon, ipinapadama din.  “Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Akala ko ay habang-buhay na akong mag-iisa sa mundo ko. I am a complicated case. Maraming mood swings at depresyon… Then you came and turn my world upside down.” Bahagya itong tumawa. “Nagmamahal na pala ako, umiibig na pala ang puso ko. Takot na takot ako noon. Insecured, too. Hindi ko kailanman inakala na may babaeng tatanggapin ako sa kung ano ako. Na may babaeng tatanggapin ako sa kabila ng mga limitasyon ng tulad ko na may pambihirang sakit. I am so blessed.” Tumingala siya sa asawa. “I am so blessed, too.” Marami siyang gustong sabihin pero dumagsa ang emosyon sa kanyang dibdib sa puntong pakiramdam niya ay otomatik na tutulo ang mga luha niya sa sandaling ibuka niya muli ang kanyang mga labi. Totoo naman, she was blessed, too. Dumating sa buhay niya si Daniel at iniahon siya mula sa kumunoy ng konsensiya na hindi nagpapatahimik sa kanya. Kumunoy na patuloy siyang hinahatak palubog sa puntong malapit na siyang malunod. “Y-your love saved my lost soul.” Nangatal ang labi niya. At hindi nga siya nagkamali dahil tumakas sa mga mata niya ang maiinit na luha. “I love you.” Ang kamay ni Daniel na hindi umaalalay kay Christoff ay dumampi sa pisngi ni Celine at marahang pinahid ang mga luha roon. “I love you, Celine. At handa akong pumatay at mamatay para sa inyo ni Christoff.” Dumaan ang kilabot sa katawan ni Celine. “Don’t talk like that,” saway niya rito. Kahit pa nga ba alam niyang hindi nagbibitaw ang asawa ng mga salitang hindi nito kayang panindigan. He can walk his talk. Mula sa pagkakahiga ay umupo si Celine. She stared at him lazily, making sure that the s****l insinuation was there. Umungol si Daniel. Napatawa naman siya. Batid niya kung ano ang epekto niya sa asawa at nakakatuwang isipin na hindi napipingasan ni katiting ang pagnanasa sa kanya ng asawa. Oh, well, the feeling was actually mutual. Pareho silang nagnanasa sa isa’t-isa na kahit isang masidhing tingin lamang ay agad ng magiging ang pagnanasa sa katawan nila.    “OH, PLEASE. Stop, Daniel,” natatawang inikutan ni Celine ng mga mata ang asawa. He was giving her wicked smiles and wicked glances. Nasa himpapawid sila noon, sakay ng pribadong helicopter nito. Paluwas sila ng Maynila para dumalo sa birthday party ng anak nina Marc at Riza. At para sa isang speaking engagements na dadaluhan niya para sa krusadang ‘Responsible Driving’ kung saan isa siya sa mga nagtatag kasama ang ilang kaibigan. Gusto niyang magbigay ng lecture, lalo na sa mga kabataan, kung ano ang panganib na dala ng pagmamaneho ng lasing. Naranasan na niya ang maaksidente kaya alam niya.             Tulad ng nakagawian, papalubog na ang araw ng bumiyahe sila. Tamang-tama lang naman dahil gabi naman ang birthday party.             Tumawa si Daniel. Tawang buo, baritono, lalaking-lalaki. He was so dashing. Kahit sinong babae yata talaga ay manlalambot ang tuhod sa taglay nitong kakisigan. And those stare he was giving her right now is just sinfully mesmerizing. Oh. Hindi lang iyon nakakamangha, nakakapagpagulo rin ng sensuwalidad ng isang babae. Nakakagising ng s*x drive. His sexuality was oozing. Iyong tipong, gigitaw sa balintataw mo ang maiinit na eksena hanggang sa dumating ka sa punto na ipag-aalukan mo ang sarili mo rito. Yes, Daniel possessed that kind of power. Oh, hell. Hayon nga at pakiramdam niya ay nanunuyo na naman ang lalamunan niya. “Stop staring…”             “Why?” tanong ni Daniel. Pilyo ang ngiting nakaukit sa labi. “Hindi ka na kumportable na tinititigan kita? Ha. Mag-ingat ka sa isasagot mo, Sunshine…”             Kinagat ni Celine ang kanyang pang-ibabang labi para pigilin ang kilig na nararamdaman. Ah, kanya ang lalaking ito. Kanya lamang. “Oh, I like— No. I love it. I love it when you’re looking at me that intensely. Kasi nakikita ko, nababasa ko sa mga mata mo na ako lang. Na ako lang ang nariyan sa puso mo.” Nginisihan niya ang asawa. “Na ako lang ang gusto mong…” Ibinitin niya ang sasabihin.             “Oh, yes…” makapal ang tinig na agad na pagsalo ni Daniel. “Ikaw lang ang gusto kung makaniig, halikan, sambahin. That is correct. But why are you stopping me again? Bakit ayaw mong nakatitig ako sa ‘yo?” Mukhang hindi ito matatahimik hangga’t hindi siya nagbibigay ng rasong katanggap-tanggap para rito.             She giggled. “Kasi po, my alpha male husband, ikaw ang nagpipiloto. Diyan ka mag-concentrate. Kung hindi mo napapansin, ilang beses na tayong dumaan sa makakapal na ulap. Bahagyang naaalog ang eroplano. Your son is sleeping. Alam mo naman na nag-aalburuto iyon kapag naaabala ang tulog.”             Maging si Daniel ay natawa. Pareho nilang sinulyapan ang sanggol na natutulog sa likuran ng cockpit. Naroon din at nakabantay ang yaya ni Christoff.  Noong ipanganak si Christoff, bumili si Daniel ng bagong eroplano. Costumized, this time. Ang pagiging child-friendly ang pangunahing konsiderasyon. “Yeah. You’re right. Bakit kasi ang ganda mo?” anito, tila naninisi pa.             “What?” Tuluyan na siyang napabungisngis.             “I can’t take my eyes off you,” reklamo pa nito. And then he smiled gently at her.             “Daniel…” aniya maya-maya.             “Yeah?”             “Napansin ko lang na mula noong magsama tayo, hindi ka na inaatake. I’m not talking about seizures kasi sabi ni Lino sa buong buhay mo daw ay ilang beses ka lang nag-seizure. Iyong mood swings at abdominal pain ang madalas daw umatake. Pero walang atake ng depresyon, ano? Wala kahit abdominal pain. And you’re always in good mood.”             “Yeah,” malugod na sang-ayon ni Daniel. Napansin niya nang ilagay ni Daniel sa auto pilot ang eroplano. Pagkatapos ay binalingan siya ng asawa at kinuha ang kamay niya. “Siguro dahil wala namang dahilan para ma-depress ako. Although minsan, kahit walang dahilan umaatake talaga ang depression. Well, maybe because I’m happy and content. Buo ako, masaya, at kuntento. Wala na akong mahihiling pa. Hindi tulad noon na pakiramdam ko may kulang, may puwang sa puso ko. Isa pa, hindi rin naman ako nasisinagan ng araw.” Daniel’s hand went to her face. Marahang hinaplos nito ang pisngi niya habang masuyong nakatitig sa kanya. “And of course, my goddess doctor is always reminding me to take my medicines.”             Kinuha ni Celine ang palad nitong nasa pisngi niya at dinala sa kanyang labi. “God is good.” Bagaman masaya siya sa mga nangyayari, sa kaibuturan ng puso ni Celine ay may bumabangon na kaba. Masaya sila at halos perpekto ang mundong binuo. Pero sabi nila, wala naman daw perpekto sa mundo. Paano kung panandalian lang pala ang lahat ng ito? Ah, nonsense, Celine, kastigo niya sa sarili. Pinag-aalala mo ang sarili mo sa isang bagay na hindi pa naman nangyayari. Just cross the bridge when you get there.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD