Blast from the past(Sweet 16!)

1718 Words
Happy birthday to me! Buti na lang Friday at bukas walang pasok yehey! Sabi nila nanay at tatay magsimba kami bukas saka kakain sa paborito kong fast food restaurant bilang celebration ng birthday ko, ano kayang mga oorderin ko? Nangi-ngiting binabagtas ni Paraluman ang hallway papasok ng classroom nila. “Happy birthday best friend! For you!” Excited na bulong ni Micah sa kaibigan sabay abot ng regalo. Ayaw na ayaw kasi ni Leslie na may ibang maka alam ng birthday nito, ewan ba naman dito sa kaibigan nya, kung may invinsibility cloak in real life sigurado isa to sa nagma may-ari. “Salamat best friend, di ba may regalo ka na sa akin?” “It’s a simple token for you on your red letter day, galing sa amin ni Dave” “Pakisabi kay Dave salamat” Binuksan ni Paraluman ang regalo at nakita nya ang non-graded eye glasses with pastel yellow colored frame, tuwang tuwa ang dalaga at niyakap ang kaibigan. “Ayan, tutal di rin naman kita mapigilan magsuot ng eyeglasses, ni-level up ko na lang para naman may kapalit na yang suot mo na pamana pa yata sa’yo ni Miss Tapia, favorite color mo yan ha” “I love you best friend” Sabi ni Paraluman sa kaibigang si Micah “Love you too!” Nangingiti namang sagot nito sa sinabi ni Paraluman. > > > Bago mag umpisa ang second subject nila ng araw na yun ay biglang tumunog ang school speaker sa classroom nila hudyat yun ng may important announcement, usually galing from the Dean. “Good Morning, I just want to greet Ms. Paraluman Leslie Degracia a very Happy 16th Birthday! …Again Ms. Paraluman Leslie Degracia a Happy 16th Birthday!” Nanlalaki ang mata na nagkatinginan ang mag best friend na sina Leslie at Micah. “How?!…Who on the earth did this?!” Di makapaniwalng pambubulalas ni Leslie habang nakatingin kay Micah na kasalukuyang tinatakpan ng kanang kamay ang bibig at tila gulat na gulat din. “It seems that Miss Paraluman Leslie Degracia’s birthday is so important, that it was even announced through the school speakers. Let’s sing her a Happy Birthday song class.to avoid disappointing her.” Sarcastic na sabi ng guro nila sa second subject. Pinatayo pa nito si Leslie sa harapan ng klase habang kinakantahan sya ng mga classmates ng Happy birthday. Hindi naman malaman ni Micah kung matutuwa o maawa sa kaibigan na ngayon ay pulang ang mga pisngi at hiyang hiya sa pagkakatayo sa harapan. > > > Lunch Break! “Leslie tara na sa school canteen, libre mo naman ako kahit cupcake lang” Panga-ngantiyaw ni Micah sa kaibigan. Ayaw sanang lumabas ng classroom ni Leslie dahil sa nangyaring announcement ng birthday nya kanina pero ngayon lang humiling ng libre ang kaibigan. Hindi nya to matatangihan. Pero nag aalangan pa rin ang dalaga. “A, e di ba pwede sa monday na lang kita ilibre best friend? Sasabayan ko pa ng spaghetti at soft drinks” Pag-aalinlangan ni Leslie. “Uhm…wala ka bang budget? Ako na lang manlilibre sa’yo, nag crave kasi ako bigla sa chocolate cupcake e” Pilit pa ni Micah. “Binigyan ako ng extra allowance ni nanay at tatay, kaya kahit tig limang cupcake pa maubos natin ok lang, pero ano kasi…” “Ah, dahil dun sa announcement kanina kaya nag e-ermitanyo ka na naman...gawan natin ng paraan yan” pagkasabi nun ay tinanggal ni Micah ang pusod ng kaibigan at hinayang bumagsak ang buhok nito na lampas balikat ang haba, nagkaroon ng big curls ang dulo nito dahil sa pagkakapusod. Matapos ay pinolbohan ng manipis ang kaibigan at nilagayan ng bahagyang lipgloss pinasuot din dito ang regalo nilang eyeglasses ni Dave. Nang matapos ay hinila na palabas ng classroom ni Micha si Leslie papuntang canteen. Habang papuntang canteen ay nakayuko naman si Leslie at tila tinatatago pilit nag mukha sa mga taong nakasalubong. Pagdating nila ng canteen ay umorder si Leslie ng 2 chocolate cupcake, 2 apple juice at 2 Chicken pastel with rice para sa kanilang dalawa ni Micah. Nang maka order ay nakita nila ang isang bakanteng mesa at doon naupo ang dalawa. Tonight’s the night I’ve waited for Because you’re not a baby anymore You’ve turned into the prettiest girl I’ve ever seen Happy birthday, sweet sixteen. Napatigil sa pagkain ng cupcake sina Leslie at Micah dahil sa lumang kanta na bigla na lang narinig sa buong canteen, naglilingunan ang lahat ng estudyante at hinahanap ang pinagmumulan ng kanta. What happened to that funny face My little tomboy now wears satins and lace I can’t believe my eyes, you’re just a teenage dream Happy Birthday sweet sixteen Biglang may pumasok sa may pinto ng canteen ang isang binata na naka basketball jersey at may hawak na yellow rose, huminto muna ito at tila may hinahanap, maya pa ay nagpatuloy na ito ng pagpasok at patungo sa dereksyon ng table ni Leslie at Micah. God, I had enough for one day…please, please, please don’t let him pass by this table…pangako po magno-novena ko ng 9 days. Panalangin ni Leslie pero hindi dini-nig ang panalangin nya bagkos ay huminto pa ang binata sa tapat ng table nila. “May nagpa-pabigay Leslie, Happy Birthday!” Sabi nito, sabay abot sa kanya ng yellow rose. Hindi malaman ng natutulalang si Leslie kung aabutin ba ng yellow rose, pero siniko sya ni Micah at inutusan abutin nya. Nag aalangan man ay inabot na din ni Leslie ang yellow rose. Pagkatapos nun ay umalis na rin ang binata at lalabas na ng pinto ng canteen ngunit hindi pa ito nakakalabas ng tuluyan ay may papasok ulit na isang pang basketball varsity player na naka jersey din at may hawak ding yellow rose. “Happy Birthday Leslie! Someone asked me to give this to you!” Sabi naman ng binatang bagong dating habang inaabot kay Leslie ang yellow rose. When you were only six I was your big brother Then when you were ten We didn’t like each other When you were thirteen You were my funny valentine But since you’ve grown up Your future is sewn up From now on you’re gonna be mine Patuloy ang pagbati at pag abot ng yellow rose kay Leslie, ang pang 15th na yellow rose ay inabot naman ni Dave sa kanya matapos ay nag abot din ito ng 3 red rose kay Micah. Kilig na kilig naman ang kaibigan samantalang sya ay pulang pula na ang mukha at gusto ng lunukin ng lupa sa hiya. After 15th rose ay tumigil ang kanta…ang lakas ng bulungan sa canteen at hindi magka mayaw ang mga estudyanteng nandoon dahil sa anticipation kung sino yung pang 16th na yellow rose. Pero tumunog na ang bell biglang hudyat na tapos na ang lunch break pero wala pa ring pang 16th yellow rose na dumarating. Si Leslie naman ay kanina pa niyaya si Micah na bumallik na ng classroom matapos syang mabigyan ni Dave ng rose. May idea na kasi sya kung sinong ang pang 16th rose. At naiinis sya sa taong yun. Pero ngayon pabalik na sila ni Micah sa classroom parang nakaramdam sya ng disappointment napaisip tuloy sya kung naiinis ba talaga dun sa tao dahil sa mga antics nito or naiinis sya dahil hindi ito dumating para bigyan sya ng pang 16th na yellow rose? > > > “Okay class that’s all for today, see you all on monday!” Pagkalabas ng guro nila ay naguunahan na rin ang mga kaklase ni Leslie at Micah na lumabas ng classroom, samantalang ang dalawa ay nakaupo pa at nagkwe-kwentuhan habang isinisilid ang notebook at libro sa bag. “Ba’t nakasimangot ka?” Tanong ni Micah sa kaibigang si Leslie. “I want to disappear micah” seryosong sagot ni Leslie sa kaibigan. “Bakit naman?” Balik tanong ni Micah. “You know I hate attentions, I don’t want to be seen. I want to be inconspicuous as much as possible.” Napatigil si Micah sa pagsasara ng bag at napatigin sa kaibigan. It seems she’s about to cry. “Ano bang talagang problema Leslie?”Hindi maunawaan ni Micah ang kaibigan habang nakatitig naman sa kanya si Leslie at natagalan bago sumagot “I was bullied before Micah, it only stopped when you transferred here and became my friend, I feared to get attention and be bullied again but tough luck! I’m afraid it’s already happening, like what happen nung Foundation week” Hindi alam ni Micah ang sasabihin sa kaibigan, ngayon lang din nya nalaman ito kaya niyakap nya ang kaibigan. ‘Halika na Leslie, uwi na tayo. Idadaan ka namin ni Dave sa bahay nyo?” Sabay na lumabas ang dalawa pero napansin nila na parang may nagkukumpulang estudyante sa harap ng pintuan ng classroom nila kaya naman nakisiksik pa sila para lang tuluyang makalabas. Unang nakalabas si Micah at Sumunod naman si Leslie. Laking Gulat ni Leslie ng makitang nakasandal si Gabe sa pinto ng katapat nilang classroom. Naka suot ito ng basketball jersey at may hawak ng boquet of yellow roses. Ang daming estudante sa paligid akala mo may shooting ng pelikula. Akmang lalapit si Gabe kay Leslie ng Mabilis na naglakad palayo ang dalaga. Halos lakad takbo ang ginagawa nito. Sinundan naman eto ni Gabe. Susundan din sana ni Micah ang kaibigan pero pinigil sya ni Dave at sinabing hayaan makapag-usap ang dalawa. “Leslie, wait up!” malapit na sa gate ng school si Leslie ng abutan ni Gabe.Tinatawag ni Gabe ang dalaga pero hindi ito lumilingon at lalo pang binilisan ang lakad. Kaya tumakbo na ang binata at hinawakan eto sa braso para mapahinto. “Leslie, Happy…” “What do you want Gabe? Why are you doing this?” Putol ni Leslie sa sasabihin ni Gabe. “Hindi pa ba malinaw? I want you! You seem pissed off , have I done something wrong? Nagtataka si Gabe kung bakit ganon ang reaksyon ng dalaga. Akala nya ay matutuwa eto or kikiligin. Pero bakit parang gallit eto sa kanya. Nagulat man sa sinabi ni Gabe na he wants her ay nakasagot pa rin ang dalaga. “Can you just please unwant me? I don’t want any attentions around me Gabe, so please stop all this nonsense!” Hinigit ni Leslie ang braso sa pagka-kahawak ni Gabe at Mabilis na tumakbo palabas ng school gate. What the hell! Did she just blew me off?! I’m Gabriel Leydig f*****g Mercado, and this little hell kitten rejected me out rightly. Game on Ms. Paraluman Leslie Degracia, game on!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD