“Couz, don’t get offended ha...maganda ka naman saka may pigura. Baba-voom ka pa nga e. Bakit NBSB ka pa rin?” Nagtatakang tanong ni Dion kay Paraluman habang nagda-drive pauwi sa bahay ng pinsang dalaga.
“Anong NBSB?” Balik tanong ng dalaga
“No Boyfriend Since Birth! Sayang naman yung kamang binili mo, ang laki pa naman... if there’s no one to share it with”Natatawang sagot ni Dion na may kahalong pangbubuska.
“Unggoy ka talaga! Alam mo hindi ako magtataka kung puro panganay magiging apo sa’yo ni tita Glo. Meron ka pang nalalaman na ...no one to share your bed with...kaya malaking kama ang binili ko kasi pagpa praktisan ko paano mag tumbling!” Nanlalaki ang mata ni Paraluman habang gigil na sagot kay Dion.
“Tumbling?! May balak ka bang maging stuntwoman?!”Dagdag na pang aasar ni Dion.
“Quota ka na sa akin ha! Isuka mo...isuka mo!”Gigil na Sagot ni Paraluman na sinabayan pa ng mahinang kutos sa pinsan.
“Anong isusuka ko?!” Naguguluhan namang tanong ni Dion
“Isuka mo yung two pieces chicken joy meal na nilibre ko sa’yong walanghiya ka! Gagawin mo pa kong stunt double ni Cardo Dalisay!”Gigil pa ring sabi ng dalaga.
“Grabe sya sa akin o...Mag boyfriend ka na nga para mabawasan naman yang kasungitan mo! Ha!Ha!Ha!”
Sa sobrang inis ng dalaga ay nabatukan nya ng medyo malakas ang pinsang si Dion.
“Ang violent mo talaga! Nagda drive ako o, gusto mo bang mabangga tayo? Sige, mamatay ka ng virgin!” pananakot ni Dion sa pinsan.
“Kung di lang kita pinsan binaon na kita ng buhay! Alaskador!”Bwisit na bwisit na sagot ni Paraluman.
Biglang napatanong si Paraluman sa sarili...Bakit nga ba nbsb sya hanggang ngayon? Madali lang naman yung sagot. Kasi naman yung mga nanligaw sa kanya hindi nya gusto, yung gusto naman nya may gustong iba...Haissst! Life, why are you so ungiving to me?! You took all the people who loves me the most...don’t you have a plan of sending someone who can love me like the world is ending? Habang Kausap ni Paraluman sa sarili, then she suddenly remembers the person who causes that beautiful nightmare.
>
>
>
“Girl, konting kembot na lang graduate na tayo ng High School! Anong course ang balik mong kunin?”Tanong ng bestfriend nyang si Micah.
“Clothing Technology, ikaw anong gusto mong course?” Ngiting sagot naman ni Paraluman.
“Intercourse! Charot!” Pilyang sagot ni Micah.
“Micah baka may makarinig sayo, ano ka ba!” nahihiyang saway ni Paraluman habang tumi tingin sa paligid kung may nakarinig sa kanila, nasa classroom sila ng kaibigan at doon kukamain lunch, buti na lang mangilan ngilan lang sila sa classroom.
“Hoy girl, may bagong 4th year transferee nga pala dun sa college department natin. Ang gwapo! Yung tipong pag niyakap ka lagas ang buto mo...Napaka yummy, kanin na lang ang kulang!” Kinikilig na sabi ni Micah.
“Ano ka ba naman Micah...ang bibig mo! “saway ulit ni Paraluman sa kaibigang si Micah na kilig na kilig sa kinauupuan nito. Habang tinitingnan nya ang kaibigan ay napapailing sya, magkaibang magkaiba kasi sila, sa ugali, physical features at pananamit. Si micah, singkit, morena, slim, may dimples sa magkabilang pisngi, matangkad, high cheekbones..yung tipong pang modelo. Ang personality naman nito ay kikay, moderna and very famous among boys. Sya naman kung gaano kapansinin si Micah ganon sya ka invinsible, para syang hangin sa tabi nito tuwing magkasama sila o kaya naman ay ang dakilang sidekick ni Micah.
“Hoy, Miss Tapia! Lumabas ka naman sa comfort zone mo...para naman mapansin ka ng mga boys. Your hiding your big brown beautiful eyes with those fake glasses of yours. And your curves with your oversize school blouse and long skirts. Ang required na length ng skirt natin for school uniforms ay three inches below the knee, yung sa’yo aabot na sa Edsa ang haba kaya lagi kang nadadapa e.” Mahabang litanya ni Micah sa kaibigan na si Paraluman.
“Micah, i don’t want attentions, plus i like my glasses kahit walang grado. Parang si Clark Kent, when he is wearing his glasses the world is oblivious of his presence...Hindi nga nila alam na sya si superman e” nangigiting pag i-imagine ni paraluman sa superhero.
“Gaga, bakit superhero ka ba?! One day Leslie someone will managed to overlook those ugly glasses yours and will be able to see those big brown eyes. Be preapred because he will crushed your walls of defense.” Sabi ni Micah kay Paraluman ng may nakakalokong ngiti.
“Micah, kumain ka na gutom lang yan!” natatawang sagot naman ni Paraluman.
“No, I’m dead serious Leslie, watch out friend...His gonna rock your world!” sabi nito sabay tayo at lapit kay Paraluman at kinuha ang eyeglasses nito at itinakbo.
Laking gulat naman nito sa ginawa ni Micah, dali dali syang lumabas ng classroom para habulin ang kaibigan. Nakita nya eto paliko sa college building kaya dali dali syang lumiko rin papunta sa dereksyon ng pinuntahan ni Micah. Paglikong pagliko naramdaman nyang may nabangga sya at paupo na lang syang bumagsak.
“Arrray!” sigaw ni Micah habang nakaupo. Dali dali naman syang nilapitan ng lalakig nakabangga at inalalayan sa pagtayo.
“Are you alright?, are you hurt?” sunod sunod na tanong nito. Mula naman sa pagkakayuko ay tumingala si Paraluman para makita ang mukha nito ang tangkad kasi ng lalaki, pag eye level ang ginamit nya dibdib lang nito ang kita nya.
Napatanga si Paraluman sa itsura ng lalaki, he got those big chinky eyes, a straight edge nose, thin lips and a chiseled jaw. Parang pamilyar ang mukha nito. San nya ba to nakita?
“Miss may masakit ba sayo?” Tanong ulit nito.
“H-Ha?!”Sagot ni Paraluman na nag buckle pa. Hindi nya naulinigan ang sinabi nito kasi iiniisip pa rin nya san nakita ang lalaki.
“May masakit ba sayo?” Madiing Ulit ng lalaki na medyo naka kunot na ang noo.
“Y--yung p-pwet ko!” nabulalas bigla ni Paraluman sa kaharap. Biglang napangisi ang lalaking kaharap at lumitaw ang dimples nito sa kaliwang pisngi.
“Do you want me to bring you to the school clinic?” Tanong ulit ng binatang naka ngisi.
“A-ah hi-hindi na...So-sorry!” Sagot ni Paraluman sabay yuko at mabilis na naglakad pabalik ng çlassroom nila ni Micah. Nang makabalik na sya ng classroom ay nakita nya ang kaibigang si Micah na papasok na rin ng classroom at dali dali syang nilapitan para iaabot ang salamin.
“Leslie, I saw you with that hottie transferee...naunahan mo ko ha”Nangigiting sabi nito.
“Sino?!” naguguluhang tanong ni Paraluman.
“Yung yummy na bagong transfer si Gabriel Leydig Mercado or Gabe for short!” nakatirik pa ang mata ni Micah habang sinasabi ang pangalan ng nakabangga nya.
What?!!! Yun ba yung anak ni tita Minerva?! Lord! Pabukahin nyo na po ang lupa at lamunin na ko...bakit ba sa tuwing makikita nya ko ay pwet ang nasasabi ko. Why do i keep on stammering everytime i talked to him? Ang tanong sa isip ni Paraluman.