Basta na lang pinarada ni June ang sasakyan sa labas ng bahay ni Gerald. Dali-dali siyang lumabas at agad din naman siyang pinapasok ng security guard doon. Naabutan niya sa mini office ang kaibigan. "Anong ibig sabihin at nag pull out si Eros sa project ko?" Galit na tanong ni June kay Gerald. Hindi niya mahagilap si Eros kaya ito ang pinuntahan niya. Nagulat siya kanina ng tumawag si Luisa ang sekretarya ni Eros. Pinapa-pull out daw ng kaibigan ang project niya. Pero ang tanong ay kung bakit? At last minute pa! Isa pa siya ang nanalo sa bidding para sa itatayong Coliseum sa bayan ng Conception. Everything is ready even the constructions material at ilang araw na lang nga ang hinihintay niya para maumpisahan na ang project. "Hindi ko alam, anong bang nangyari?" Nagtatakang tanong ni Ge

