Sure ka nanay hindi ka talaga sasama na ihatid kami?" Nakayakap na tanong ni Aidan sa kanyang ina. "Hindi na, o-okay na ako dito. Basta huwag kayong masyadong makulit doon Aidan at Leon." Paalala pa ulit ni Angela bago muling humigop ng kapeng ibinigay ni Abigail nang nagdaang gabi. Hindi lang pala simpleng kape ang binigay sa kanya ni Abby pero masarap talaga. Creamy ito at hindi gaano katapang. Hindi naman siya kailangang magpapayat dahil tama lang ang katawan niya. Pangpapayat daw kase ito sabi ni Abigail, sayang din kung hindi iinumin. "Sige po nanay. Aalis na kami nila papa!" At humalik pa si Leon kay Angela ganon din ang ginawa ni Aidan. Pupunta ang kambal ngayon sa bahay ng lolo at lola nito. Ihahatid lang ito ni June doon sa bahay ng mga magulang niya at babalikan na lang mamay

