Kanina pa naiilang si June sa mga titig sa kanya ng mga anak na sina Aidan at Leon. Nandito sa kanyang silid ang dalawang bata. Matapos niyang makausap si Abigail kanina ay agad niyang pinunasan ang katawan ni Angela gaya ng sinabi ng kaibigang doktor, pinasuot niya din muna ang kanyang damit dito. Nagpabili na din siya ng gamot sa caretaker ng beach house, maging ng pang tanghalian nila ay nagpabili na siya. Wala siyang alam sa pagluluto o sa kusina kaya siguradong maghahanap ang mga anak nila ng makakain mamaya. "Bakit kaya nagka lagnat si nanay? Diba umalis sila ni ninong Attorney kagabi?" Tanong ni Aidan kay Leon. "Bakit nga ba papa? Diba dito siya natulog? Eh di gising ka kagabi nung umuwi siya? Dapat alam niyo po!" Tanong naman ni Leon. Shit.. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh p

