Hey.." Nakangiting bati ni Calix pagpasok sa bahay ni Angela. Nakita niya itong nag-susuklay at mukhang bagong ligo lang. "Ikaw pala Attorney.. Kamusta? Akala ko mamaya ka pa pupunta." bati ko sa kanya. "Galing ako sa office tapos dito na ako tumuloy sa inyo. Buti nga at wala na akong appointment this afternoon. Nasaan na ang kambal?" Agad pinakita ni Calix ang hawak na box ng donut. Pasalubong niya ito sa dalawang bata. "Kasama ni June, naglakad-lakad sa labas." "So that guy is really persistent huh? Bumabawi sa mga bata." Inilapag ni Calix ang pasalubong sa kambal sa lamesa. "Tatay pa din siya ng kambal kahit anong gawin ko." paliwanag ko. "But remember all the things you been tru all alone when you needed him most. Wala siya noon." "Alam ko naman yun Attorney, kaso kapag nakiki

