"Kayo po ang P-papa namin ni Aidan?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Leon kay Angela at kay June at parang hindi pa din makapaniwala ang paslit na pagkatapos ng kanyang operasyon ay may papa na siya! "Oo anak s-siya ang papa niyo.." Sagot ni Angela habang katabi si Leon na nakaupo sa gitna ng kama. Sinuklay-suklay niya ang buhok ng anak gamit ang kanyang mga daliri. Successful ang operasyon nito pero kailangan pa nila mag-stay ng ilang araw dito sa Ospital. Nag sumiksik naman si Leon kay Angela, nahihiya na parang inaabsorb pa nito ang pagpapakilala ni June. Tipid na nginitian ni Angela si June hindi gaya kay Aidan mahihirapan siguro ang lalaki na kunin ang loob ni Leon. "Pasensya na June, baka nabigla lang si Leon kaya ganoon ang reaksyon ng bata. " Hinging pasensya ni Angela matapos

