"Diba sabi ni nanay wag daw tayo aalis ng bahay? Lagot tayo nito! Tinakasan pa natin si Ate Joana!" Sunod-sunod na sabi ng batang si Leon sa kapatid na si Aidan, kung siya ay makulit si Aidan naman ay mas makulit sa kanya. "Ssshhhh.." Saway ni Aidan sa reklamador na si Leon. "Diyan lang tayo pupunta." Turo naman niya sa isang bagong tayo na Beach resort sa di kalayuan. Nakita niya yun ng minsan siyang makipag-habulan sa kalarong nilang si Pen-pen. Ang ganda-ganda ng beach house! Ang laki at kulay puti lahat! Ito ang pinaka malaking beach house dito sa kanila! "Papagod na ko Aidan!" Reklamo ulit ni Leon pero nakasunod pa din sa kapatid, lumingon siya mula sa pinang galingan nila at napansin niyang medyo malayo na din ang narating nilang magkapatid. Siguradong hinahanap na din sila ng Ate

