Nasa auditorium kaming lahat ngayon dahil may practice kami para sa darating na graduation. Nakakakaba na nakakaexcite dahil finally magsestep forward na naman kami sa panibagong journey na darating sa buhay namin. Ang saya lang na nakapasa kaming lahat sa Taverna pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang kukunin ko na course sa darating na pasukan. Tinanong ko naman sila mama at sabi nila it's up to me dahil ako naman daw yung mag-aaral. Kung saan gusto ng loob ko at saan ako comportable doon ako. Mahirap nga naman na mag-aral ng hindi bukal sa kalooban kasi parang pinipilit lang that's why I kinda understand mama though may mga suggestion din sila na courses more on medicine and engineering field. Pati ang mga kasama ko undecided rin though as for Henrietta and Theoden

