"Nahanap na ba si Ate Theria?" Lumingon saakin si Rietta ng itanong ko iyon. Dalawa lang kami na nandito sa rooftop ngayon dahil bumaba muna sina Agatha para bumili ng pagkain. "Hindi pa rin eh, pero pinapalibot na nila tita ang buong lugar kahit ang mga hindi na sakop ng empire," kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya ng sabihin iyon Si Ate Eleftheria na kasi ang nagsilbing nakakatandang kapatid kela Rietta at Theo, malapit sila sakanya dahil noong mga bata pa sila ay halos siya na ang nagbabantay sa kanila at nagtuturo. Lagi siyang nakaguide sa kanilang dalawa at kapag may problema sina Theo at Rietta sa mga presentations at royal classess nila ay sakanya ang takbo nila kaya naiintindihan ko ang pag-aalalang nararamdaman ni Rietta ngayon. "Mahahanap din si Ate Theria, tiwala

