Hindi ako makaimik, hindi ko alam ang sasabihin matapos makababa ni Ate Thalassa ng sasakyan. Magiging maayos naman siguro siya diba? "I don't want to go home yet," biglang sabi ni Rietta na umiiyak parin. Ramdam kong kanina pa siya nagpipigil dahil ayaw niyang makita ni Ate Thalassa para hindi ito mag-alala pa. "Saamin na muna kayo matulog, bukas na kayo umuwi." alok ko Wala namang tumanggi sa kanilang dalawa so I'll take that silence as a yes. May guess room naman na hindi ginagamit sa tabi ng kwarto ko kaya pwede sila doon. "I can't believe what just happened, paanong nangyari kay Ate ang ganon?" hindi parin makapaniwalang tanong ni Rietta sa sarili "I'll find that guy! Sisiguraduhin kong makakapaghigante si Ate," nanggigil naman na sabi ni Theo na siyang nagmamaneho ngayon saa

