Mabilis na nakarating sa kaalaman nila Jimmy, Patrick, Mika at Faye ang nangyaring insidente kay Dylan. Hindi nila akalaing mahigit isang buwan lang ang nakalipas pagkatapos ni Miguel na paslangin ay si Dylan naman ang sumunod. Aksidente ba talaga ang lahat? Ibinenta na lang ng kapatid ni Dylan ang business at pagkatapos ng libing umuwi na rin ito ng Australia. Pero sinigurado nitong naasikaso ng kapulisan ang kaso ng kapatid. May pinsan silang pulis na siyang bahala na sa lahat. Kailangan managot ang may kasalanan. Naiwang nagluluksa ang magkakaibigan, lalo na si Faye na may lihim na gusto sa binata. Ilang araw din siyang nag-iiyak at kinakausap ang larawan nito. Dahil dito, hindi na siya nakakapasok sa pinagtatrabahuhang call center. Nagalit ang boss niya at sinuspende siya ng tatlo

