1. The Accident

1678 Words
NANAKIT ang ulo ni Cash habang nagda-drive siya patungo sa condominium unit niya. He felt like he had enough problems for today and he badly needed rest. He was physically, emotionally and mentally tired. Paano ba naman kasi ay umagang-umaga pa lamang ay sinugod na siya ng lawyer ng Tita Petty niya---ang nagkakatanda at nag-iisang kapatid ng ama niya. Ipinaalala ng lawyer nito ang kondisyong ibinigay ng Tita niya ilang buwan na ang nakalilipas. Sa totoo lang ay muntik na nga niyang malimutan ang kondisyong iyon ng kanyang Tita Petty kung hindi lamang dumalaw sa kanya ang lawyer at nagdagdag pa ng ilang kondisyones tungkol sa provision na iyon. Nang binigyan siya nito ng provision noon, halos pagtawanan niya lamang iyon. Hindi siya interisado sa alok na ibibigay nito sa kanya ang magarang mansion nito kung magpapakasal siya sa taon din na iyon. Wala siyang interes sa magarang mansion nito dahil alam niyang kaya niyang magpatayo pa ng mas malaki doon kung gugustuhin niya. Iyon nga lamang, wala rin siyang balak na magpatayo ng mansion. He prefers investing in a condominium unit dahil para sa kanya ay para sa isang pamilya lamang ang magkaroon ng isang mansion. Wala siyang balak mag-asawa kaya aanhin naman niya iyon? Walang asawa ang Tita Petty niya at wala rin itong anak kaya naman na siyang unang anak ng kapatid nito ang napag-trip-an nito. Itinuring na siya nitong tunay na anak nito. Namatay sa panganganak ang kanyang ina kaya naman no choice na mapunta siya sa kanyang ama. Dahil palaging busy naman ang ama niya sa business empire at mga babae nito, palagi siyang naiiwan sa poder ng kanyang Tita Petty. Magkaibang-magkaiba ang dalawang magkapatid. Parehong hindi na nakapag-asawa ang mga ito sa magkaibang dahilan. Kung ang ama niya, kahit matanda na, ay kali-kaliwa pa rin ang mga nakakarelasyon, si Tita Petty naman ay walang interes man lang sa pakikipagrelasyon. Pero palaging sinasabi nito sa kanya na huwag daw niyang gayanin ito at ang ama niya. Hindi raw masaya ang walang asawa dahil kapag matanda na ito ay mahihirapan na itong magkaroon ng companion nito. Kung gagayanin naman daw niya ang kanyang ama na kahit hindi nakapag-asawa ay nagkaroon naman ng tatlong anak sa mga naging babae nito, hindi rin daw iyon maganda dahil balang araw ay puwede itong iwanan ng mga anak nito at maaring maging mag-isa sa buhay. Pero kung sakaling magkaroon naman daw ito ng partner, for sure na hindi ito iiwanan at magkakaroon pa ito ng companionship na hahanapin nito kahit matanda na ito. Pero hindi siya kumibinsido sa sinasabi ng Tita niya. Katulad ng kanyang ama, wala rin siyang balak mag-asawa. Bakit? Dahil nakikita niyang masaya at makulay ang buhay ng kanyang ama. Idol niya ito kahit na ba marami ang nagsasabi na masama daw ang ugali nito dahil heartbreaker at playboy ito. Pero para sa kanya ay cool ito. Kung sakaling ayaw na nito sa mga babaeng nakakaulayaw nito, madali lamang itong makakaalis dahil walang papel na nagtatali dito. Free itong makalaya anumang oras ang gustuhin nito. Sa ngayon ay beinte-nuwebe anyos na siya pero kahit kailan ay hindi niya pa talaga napi-feel na mag-asawa. Masaya siya sa buhay niyang kagaya ng kanyang ama at ng dalawa niya pang half brothers na kapareho niya ay related rin sa business ang pangalan---sina Stock at Price. Bill Torres ang pangalan ng kanyang ama at dahil ayon dito ay kinuha daw ang pangalan nito at ng kanyang Tita Petty, sa mga business and accounting terms, iyon rin ang ginawa nito sa kanilang tatlong magkakapatid. Galing kasi sa pamilya ng mga negosyante ang kanyang ama at napagkatuwaan ng ama nito na gawin rin na galing sa terms sa negosyo ang mga pangalan nila. Ginaya naman iyon ng kanyang ama. Kahit magkaikaiba ang kanilang mga ina, hindi iyon naging hadlang para magkasundo silang tatlo. Paano kasi ay hindi nalalayo ang mga personality nila. Lahat sila ay ipinanganak na may perpektong kaanyuan at magaling pagdating sa pagpapalago ng pera. Mana daw sila sa kanyang ama na kahit matanda na ay hindi pa rin daw kumukupas ang karisma. Matinik pa rin daw ito sa chicks. At kagaya nito ay ganoon rin silang tatlo. The three of them were also branded as “The Playboy Millionaires”. Lahat daw sila ay malaro sa babae pero lahat rin ay milyonaryo na sa murang edad dahil sa galing nito sa negosyo. They were also business tycoons at a young age. Ngunit sa kabila ng yaman na tinatamasa niya dahil sa mga negosyong pinamahala sa kanya ng ama, may isa pa rin siyang pangarap na gustong abutin. He wanted to build the largest clubhouse and resort in the country. Bata pa lamang siya ay pinangarap na niyang magkaroon ng ganoong kasikat na resort. Pero magagawa niya lamang iyon kung ibibigay o ipagbibili sa kanya ng Tita Petty niya ang lote nitong katabi ng lote na binili niya para sa project na iyon. Kailangan niya iyon para maging malaki at matagumpay ang business na matagal na niyang pinapangarap. Ngunit naramdaman yata ng kanyang Tita na hindi nito susundin ang gusto nito kaya naman dinagdagan nito iyon ng isa pang kondisyon. At iyon ay ang ibibigay lamang nito ang lupa kung sakaling mag-aasawa siya bago matapos ang taon. Mag-o-October na kaya naman ilang buwan na lamang ang natitira sa kanya para matupad ang gusto ng Tita niya. Sa January na rin magsisimula ang project niya. Pero kung hindi ibibigay o ipagbibili ng kanyang Tita ang lupa nito, malamang ay mawawala na lamang na parang bula ang pangarap niya. Pero hindi niya papayagan iyon. He needed to find a way to have his aunt’s lot. Kaya naman kahit busy siya ngayong araw dahil may dalawang meeting siyang in-attend-an na nagpasakit nang ulo niya nang husto, pinuntahan niya ang Tita niya sa mansion at inamo-amo ito. Pero kahit ginawa na niya ang lahat, at oo, kasama na sa lahat ng iyon ay ang pagluhod niya dito para lamang ibigay nito sa kanya ang lupa. Pero hindi pa rin ito pumayag sa gusto niya. Lahat ng gustuhin niya ay palagi nitong ibinibigay noon. Para na talaga itong Mommy niya. Halos wala na nga itong pakialam sa dalawa niya pang half brothers. Siguro ay dahil siya lamang ang napalapit dito dahil siya lamang ang natatanging nawalan ng ina sa kanilang tatlo. Ito ang nag-alaga sa kanya hanggang sa lumaki siya. Kilala niya ang Tita niya at alam niyang mahirap itong paamuin. Kapag ginusto nito ay hindi ito papayag na hindi makukuha nito. Iyon lamang ang tanging kinaiinis niya dito. Kaya naman para mapasunod siya nito sa gusto nito dahil alam nitong matigas din ang ulo niya, kailangan pa siya nitong bigyan ng ganoong klase ng proposal. Ngunit hindi pa siya handa sa pag-aasawa. Hindi ba’t ayaw nga rin niyang mag-asawa? Wala siyang nakikitang babae na magpapabago sa buhay niya. Wala siyang nakikitang babae na naiiba sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Wala siyang babaeng nakikita niya na makakasama niya habang buhay. He enjoyed the company of ‘girls’. Not the company of ‘a girl’. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla na lamang sa may kung saan ay may lumabas na babae sa dinadaanan niya. Halos mapasubsob siya sa windshield ng kotse niya sa lakas ng pagkakapreno niya sa kotse niya. Lalo rin yatang sumakit ang ulo niya dahil sa nangyari. Kung bakit ba naman bigla na lamang itong sumusulpot sa dinaraanan niya. Ni wala nga siyang nakikitang bakas ng pedestrian lane doon kaya naman nasisigurado niyang ito ang may pagkakamali dahil sa basta-bastang pagtawid nito. Kung hindi nga lamang ito nakasuot ng kulay blue na blouse ay masasabi niyang baka nangyari na sa kanya ang mga madalas na nangyayari sa horror shows kung saan may isang white lady na lamang na biglang sumulpot sa harap habang nagda-drive. Bumaba siya ng kotse niya dahil kahit itinigil na niya iyon ay hindi pa rin umaalis sa harap niya ang babae. Hindi ito nakatingin sa gawi niya kaya hindi niya nakikita ang mukha nito. “Hoy, bakit ka ba basta-basta na lamang---“ naputol ang pagsasalita niya nang sa wakas ay tumingin na ito sa kanya. For a second, he felt like there’s some connection between them kahit hindi pa nga niya nahahawakan kahit ang dulo ng daliri nito at tanging ang mata pa lang nito ang tumatagpo sa kanya. Her face is just ordinary as the word ordinary. She was far far away from the girl who always made him die with so much pleasure they give to his body. But with just one look at this girl, even he can read so much agony from his eyes, she gave him a pleasure that no girl had ever gave him. And it was just the first time that they met. What is this girl? A witch? Nasa isip-isip niya. Inalis niya iyon sa isip niya. Maari ngang medyo magulo ang pagkakaayos ng buhok nito at tila nangingitim ang ilalim ng mata nito. Pero may kakaibang dating pa rin ito sa kanya. It felt like she had this bullet charms that keeps on shooting him and he was this knight that had lost his shield so he doesn’t have the way to resist those one of a kind bullets. Nababanaag niya na may malaki itong pinapasan dahil na rin sa magulo pero maganda pa rin para sa paningin niyang itsura nito. Kaya naman sa halip na ipagpatuloy ang pangangaral sana niya dito ay nag-iba na ang tono at tanong niya. Nawala na lamang kasi na parang bula ang inis niya sa pagtingin niya sa mukha nito. “Miss, may problema ka ba?” Pinagtibay nito ang tingin sa mga mata niya. Para iyong sasakyan na diretsong-diretso ang tinatahak na daan at kung sakaling hindi pa nito ititigil o ililiko iyon, ang puso naman niya ang diretso at masasapul noon. “Oo. May problema ako. Kailangan ko ng pera,” biglang walang-gatol na sabi nito. Napamaang na lamang siya. Ang lakas talaga ng babaeng ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD