PAKIRAMDAM ni Charity ay para siyang binubulate habang nakahiga sa kama. Hindi kasi siya mapakali. Thinking that Cash is on the other side of the bed makes her feels so uneasy. Paano ba naman kasi ay ito ang pinakaunang beses niyang magkaroon ng katabing lalaki sa kama. At kahit na ba asawa niya pa ito ay natatakot siyang baka mamaya ay gapangin siya nito. Mahilig pa naman si Cash sa babae at baka mamaya kahit na ba binalutan na niya ng pinakamalaki at mahabang damit ang buong katawan niya ay hindi pa rin ito makatiis at bigla na lamang siyang sungkaban. Paranoid na kung paranoid pero pumapasok talaga sa isip niya iyon lalo na at ramdam na ramdam niyang mukhang hindi rin mapakali kagaya niya dahil ilang beses na itong pabiling-biling sa kama. Mag-iisang oras na silang nakahiga

