Valentina “ANONG ginagawa mo rito, Kayden?” Iyon ang bungad na tanong ko sa kanya. Tila lalong nagalit si Kayden sa naging tanong ko. Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan niya ang braso ko. I gritted my teeth. Nalula kasi ako sa ginawa niya. “Anong ginagawa ko rito?” he mocked. “Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa ‘yo? Anong ginagawa ng lalaking ‘yan dito?!” Nararamdaman ko ang dahan-dahang paghigpit ng kamay niya sa akin. “Ano naman ngayon sa ‘yo kung anong ginagawa ni Vladimir dito? This is my house! Papapasukin ko kung sinong gusto ko.” “Let me remind you na ikakasal ka sa akin!” Tinangka kong hawiin ang kamay niya sa akin pero hindi ako nito binitawan. Napansin ko ang paglapit ni Vladimir sa amin pero pinigilan ko siya. I can deal with Kayden. Hindi na siya kai

