PART 6

590 Words
"Anong ginagawa niyo rito?! 'Di niyo ba nabasa na bawal pumasok dito!" bulyaw sa kanila ng matanda na tinuturo ang signage sa labas. Nagkatinginan ang magkaibigan. Nakagat ni Jhoena ang pang ibabang labi at ikinubli ang sarili sa likod ni Realyn. Parang balewala naman iyon kay Realyn na pasimpleng binitawan ang batong pinulot kanina. Diretso ang tingin niya sa matandang nasa harapan na nila. Iba kasi ang naging kutob niya rito. "S-sorry po, Sir. A-akala po kasi namin, eh, dito nagpunta 'yung nakawalang alaga naming aso." Naisip ni Jhoena na ipalusot. Takot lang nito na makasuhan ng trespassing. "Kilala ko po si Nash Roxas. Dadalawin ko po sana siya." Ngunit 'di inaasahan ni Jhoena na sasabihin din niya. Kaya pasimpleng sinuko siya ni Jhoena at pinandilatan. "Nakilala ko po si Nash Roxas dito. Isa po niya akong kaibigan," walang kagatul-gatol pa rin na saad niya. 'Di niya inaalis ang tingin sa matanda kaya naman hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang paglukot at pagkagulat ng mukha ni Mang Arthur. "Kayo po si Mang Arthur hindi po ba? Ang ama ng kaibigan ko na si Nash Roxas? Nasaan po siya?" tanong pa niya. Hidi pa rin kasi siya makapaniwala na patay na si Nash Roxas. Inisip agad niyang si Mang Arthur ang kaharap sa hitsura nitong pangmayaman. May mga ginto ito sa katawan at mamahalin ang kasuotan. Malaki rin ang tiyan nito na animo'y isang Don sa isang mansyon. "Matagal na siyang wala!" madiing tugon ni Mang Arthur. "Sige na makakaalis na kayo rito! 'Wag niyong antayin na maubos ang pasensya ko sa inyo!" Tapos ay pagtataboy nito sa kanila. "Bes, halika na!" Nahintakutang hila ni Jhoena sa kanya. Magpapatianod na dapat siya subalit biglang gumalaw kasi bahagya ang van. At sumagi sa isip niya ang pugot na katawan ng bata kanina at ang mga kamay na parang gustong kumawala sa van. Binawi niya ang braso sa kaibigan. "Mang Arthur, pwede bang malaman kung sino ang mga tao na nasa loob ng van?" At lakas-loob na usisa niya sa mayamang matanda. Imbes na sumagot ay tumawa si Mang Arthur. Nakakainsulto na tawa. "May nakakatawa po ba?" pamimilusupo niya rin. Seryoso siya. Seryosong-seryoso kaya ang nais niya ay maging seryoso rin ang kausap. Bigla ngang sumeryoso si Mang Arthur. "Huwag niyo akong gagalitin! Umalis na kayo! Kung ayaw niyong pagsisihan ito!" saka madiin na madiin ang babala nitong sabi. Nakakakilabot iyon sa pandinig nilang magkaibigan. Hinila ulit siya ni Jhoena. "Tara na, Realyn!" 'Di na siya umangal pa. Umalis na silang magkaibigan doon kahit labag sa kanyang kalooban. Hindi bale, mag-iisip na lang siya ng paraan. Sunod-tingin sa dalawang dalaga si Mang Arthur habang papalayo sa lugar na iyon ang mga ito. "Bumaba ka na riyan!" At makapangyarihang utos na nito sa taong nasa loob ng itim na sasakyan nang hindi na nito matanawan ang magkaibigan. Dahan-dahang nagbukas ang pinto ng driver's seat. Bumaba roon ang isang binatang naka-jacket ng itim. "Kilala mo ba ang mga babaeng 'yon, Nash?" Madilim ang mukhang tanong ni Mang Arthur sa anak. Hindi umimik ang binata. Nakatingin lang ito sa direksyong pinaglahuan ng dalawang dalaga. "Kilala mo ba sila?!" "Hindi po, 'Tay," mababang tono na sagot ni Nash sa ama. Tinapik ni Mang Arthur ang balikat ng anak. "Sige, kalimutan mo na sila. Ilabas mo na ang mga nakuha mong mga bata at paubos na ang stock nating mga karne. Magbibihis lang ako saglit." Sinunod naman agad ito ni Nash. Mga umiiyak na tatlong bata ang inilabas nito sa van. Nakatali at may mga busal sa bunganga........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD