Third Person’s Point of View Nawawalan na ng pag-asa ang mga kasamahan nina Menrui, pati na rin siya na nakita ang lahat ng nangyari noong dumating si Erebus sa battle field na iyon. Nakita niya kung paano nawala ang halos kalahati sa kanilang hanay, pati na rin ang mga tauhan nito na mukhang wala siyang pakialam kung namatay man ang mga iyon o hindi. Nakita niya kung paano ito nagalak nang dahil sa nangyari kani-kanina lamang. In a span of only a minute, bigla na lamang bumaligtad ang laban muli at naging pabor iyon kay Erebus at sa mga kapanalig niya. Bigla na lamang nawala ang pag-asa nilang matatalo nila ang Emperor na naghahari-harian sa mundong ito. Bigla na lamang sila nawalan ng pag-asa na mababago nila ang takbo ng mundong ito. They have managed to save almost a half of their

