Menrui’s Point of View “Good morning, Lady Menrui,” narinig kong bati ni Hemera sa akin kaya naman napalingon ako sa direksiyon niya. Mag-isa lamang siyang naglalakad papunta sa akin habang may dala-dalang mga papel na sa tingin ko ay ang mga mapa na iniutos sa kaniya ni Elysium na kuhanin sa malapit na bayan dito. Iyon ay ang mapa ng mga kingdom sa mundong ito, pati na rin ang mapa ng mga bayan na malapit sa palasyo ni Erebus. We will use those map so that we would be able to see the perfect spot for this war. A spot where everyone could move freely without the fear of killing the innocent people who would not participate in the war. Sinisigurado namin na walang madadamay na mga tao sa labanan na magaganap, dahil alam namin na mas mahirap kapag may mga inosenteng tao na mamamatay nang

