TEO TUMAYO na ako ng makita ko ng himbing na himbing na si Inas sa pagkakatulog. Mukhang bahagya niya na lang narinig ang sinabi kong mahal ko siya. Totoong mahal ko na siya. Kung kailan nga naman ako tumanda ay mas naging reckless ako sa mga desisyon ko, pero alam naman talaga ng puso ko na mahal ko siya noon pa man kahit, wala pang anyo ang babaeng nakaniig ko noon ay alam kong hindi lang init ng katawan ko ang binuhay niya sa akin, kundi pati ang puso ko ay na antig niya ng sobra. Mas lumala lang ang damdamin na iyon ng magkaroon na ng mukha ang babaeng palaisipan sa akin at ito nga ay walang iba kundi si Filipinas Inas Caluza ang Sugar baby ko. Habang malaya kong tinititigan si Inas ay nakikita ko ng husto ang maganda niyang mukha at ibang magandang features ng kabuuan niya kasabay no

