FILIPINAS NANG makalabas na si Teo sa silid na pinagdalahan niya sa akin ay agad kong iginala ang mga mata ko sa loob mismo ng silid. Napaka manly ng silid niya at ubod ng bango. Maganda rin maging ang interior design. Isa pa sa napansin ko ay walang larawan doon ng kanyang asawa. Halatang-halata rin sa buong paligid ang antas ng pamumuhay niya dahil sa laki ng bahay niya, maging mga kagamitan na meron sa dito. Hindi ko pa naman nga lubos na nabistrahan ang buong dinaanan namin kanina na bahagi ng bahay niya, dahil nakasubsob ako sa leeg niya. Hindi naman ako nahihiya kaya ganun ang asta ko. Kaya naman ako ganun ay sinasamantala ko na maamoy si Teo dahil ang bango niya sobra. Amoy bagets ang lalaki kahit pa alam ko na malapit na siyang maging senior citizen. Amoy binatang binata si Teo. B

