Halik❗

2042 Words

FILIPINAS HINDI ko alam kung paano ko na lang haharapin ang mga kapatid ko kung uuwi ako ngayon sa bahay namin. Mabuti pa nga yatang wag na lang akong umuwi sa bahay namin muna. Peo saan kaya ako pupunta? Si Lucy lang naman ang kaibigan ko at hindi ako pwede sa lugar niya dahil baka mapahamak pa ako. Iba't ibang lalaki kasi ang nakakasama niya sa tirahan niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko at uunahing isipin. Ang eksena sa bahay kani-kanina lang ay sobrang nakakapanlumo at nakakasagad ng pisi ng pang-unawa at pasensya. Sa tanda ko ba naman na ito, ay ngayon lang ako nakaranas na hiyain ng sobra-sobra at kapatid ko pa ang may gawa. Hindi ko lubos maisip bakit kailangan na umabot sa ginto ang lahat sa amin ng mga kapatid ko? Parang pinagkaisahan na nila ako. Parang ibang tao ako sa kanila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD